Comeback

5 1 0
                                    


Seryosong giniguhitan ko ang pang huling holes sa painting na ginagawa ko ngayon. Nangiti ako nang binigyan ko ito pintura at sa ganda ng kinalabasan. Sumandal ako sa swivel chair dito sa aming club ang pinagmasdan ang nagawa ko.

Nandito ako ngayon sa Art Club na pinamununuan ko. Walang klase kaya naisipan kong gawin na ang pinapagawang painting sa akin para sa program sa susunod na linggo.

Akmang tatayo na ako nang pumasok si Rei na nagmamadali. Hinihingal ito at umiiyak, "Ashley. S-si Mig. Si Mig." Lumapit ako kay Rei at pinaupo muna siya. Kumuha ako ng tubig at pinainom iyon sakaniya.

Nang makita kong kumalma na siya ay umupo ako sa harapan niya, nanginginig pa rin siya at umiiyak pero mas kalmado na siya ngayon, "What happened to Migs? Did you guys broke up?" Mas lalo lamang naiyak si Rei sa sinabi ko.

"I wish it's just a break up, Ash. But no, si Mig. He killed hi-himself." Natakpan ko ang bunganga ko sa sinabi ni Rei. No, this isn't true. Hindi, he can't do that!

Mig is my bestfriend since elementary. We've been together until now. Kaming tatlo nila Rei, And Migs. We've met Rei in Highschool.

Dati pa man ay may gusto na sa akin si Mig but I kept on rejecting him because we're too young for it. Pero niligawan niya pa rin ako hanggang sa makilala namin si Rei. Bestfriend ko si Rei noon at inamin niya sa aking gusto niya si Mig. And that time, mahal ko na si Mig pero takot akong mawala si Rei kaya sinabi ko tutulungan ko siya Migs.

At doon nag umpisa ang pananakit ko sa sarili ko. Bawat tinutulak ko sila sa isa't isa parang sinasaksak ko ang sarili ko.

Rumagasa ang mga maiinit na luha sa pisngi ko nang makarating ako sa harap ng bahay nila Migs. Madaming tao at nakita kong pinapasok nila ang walang buhay na katawan ni Migs.

Hindi ako maka galaw. Wala akong maramdaman kung hindi sakit. Nakatingin lamang ako habang parang gripo ng luha ang mata ko. Naka tingin lang ako habang unti unting umalis ang sasakyan na alam ko'y papunta sa morgue.

Pinagmasdan ko iyon hanggang sa lumiit ng lumiit at mawala na ng tuluyan.

Bumagsak ang katawan ko sa harap ng pintuan nila at lalong lumakas ang pag hikbi ko. Hindi ko matanggap. Paano? Paano nangyari iyon? Okay pa kami kahapon ah? Masaya pa kami kahapong kumakain sa club.

Iyak lamang ako nang iyak sa labas ng bahay nila Migs. My vision is blurred because of my tears.

Naramdaman kong may yumakap sa'kin at nakita si Tita iyon. Mama ni Migs. Nakangiti ito ng bahagya sa akin pero may luha 'ding dumadaloy sa mata niya.

Inalalayan niya akong tumayo at pinasok sa loob ng bahay nila. Kapasok ay nakita ko lamang ang mga imahe namin ni Migs dito. Simula nang mga bata pa kami ay lagi kaming tumatambay dito. Tagu taguan. Habulan.

Napaupo na lamang ako sa sahig at napayuko habang patuloy ang pag landas ng mga luha ko, "T-tita? Bakit naman gano'n? Bakit niya ginawa iyon? Okay pa siya kahapon Tita. Bakit hindi ko man lang naramdaman na may iba pala siyang nararamdaman? Dapat alam ko e! A-ako yung kasama niya simula pa nang pagkabata pero bakit gano'n? Bakit Tita," Ramdam ko na ang sobrang pag maga ng mata ko. Iniharap ako ni tita sakaniya at pinunasan ang mga luha ko. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko.

Tumayo ako at umakyat sa kwarto ni Mig. Kabukas pa lamang sa pinto ay panibagong luha na naman ang bumuhos. Ang gulo ng kwarto ni Migs. Nagkalat ang pills na dahilan ng pagkamatay niya. Inover dose niya ang sarili niya. Bakit Migs? 

Umupo ako sa kama niya at naalala noong araw na nanunuod kami ng movie dito. Sa bawat sulok ng kwarto niya ay nakikita ko pa rin siyang naka ngiti sa akin na lalong nagpapasikip ng dibdib ko. Hindi na yata titigil ang mga luhang 'to.

Inilibot ko ang mata ko at nakitang nandoon pa rin ang mga drawings na sabay naming ginagawa. Pareho kami ng hilig ni Migs na lalong mas nagpalapit sa amin. Lagi kaming sabay nag ddrawing. Itinayo namin ang club na ngayo'y ilang taon ko nang pinamununuan.

Lumapit ako sa wall kung saan naroon ang nga drawings niya. Nandoon lahat sila at naka dikit. Napangiti ako nang sa pinaka gitna ay nandoon ang portrait ko na tanda ko'y pinag model niya pa ako non.

Sa gilid nito ay may maliit na naka sulat, "I love your smile. I love you." Nanginginig ang boses kong sabi. No, Migs... You drew this three years ago. You've been together with Rei that time. What are you saying?

There are a lots of drawings posted. Most are landscape. Pero ang mas lalong nagpaluha sa'kin ay ang mga stolen pictures ko na naka dikit sakaniyang closet. Napaka dami non. Natutuwa akong makita 'to pero bakit ngayong huli na? Akala ko noon mahal na ni Mig si Rei. Akala ko ako nalang 'tong nasasaktan.

Binuksan ko ang closet ni Migs at nakita ang isang box. Dahan dahan kong kinuha iyon at umupo sa kama niya.

Maraming pictures ang nakita ko doon. Mga litrato at mga litrato namin simula noong mga bata kami. Napangiti ako nang makita ang picture namin noong grade 6 kami. Valentines Day noon at may event. Sa litrato ay binigyan ako ni Mig ng pulang rosas. Bakas na bakas ang kasiyahan sa mukha ko. Bakit Migs? Why did you do that to yourself?

Wala pa ring tigil ang pag luha ko, "You used to tell me everything Migs. Bestfriend mo ako pero bakit hindi mo sinabi sa'kin na gagawin mo 'to sa sarili mo?" Sabi ko na umaasang naririnig niya ako ngayon.

Patuloy lamang ako sa pagkalkal sa box hanggang makita ko ang isang sobre. Sa likod ng sobre ay may nakasulat na "Love, Ashley." Dali kong binuksan iyon,

'Hi, Ashley. Damn, this is like a love letter and this is so corny. But I don't care I won't send this to you anyway. I just want to tell to this freaking paper how much I love you since the day our eyes met. Bata pa lang tayo ay gusto na kita pero sinabi mong  bata pa tayo kaya hinintay kita. Hindi kita tinigilan. Ang batang puso ko ay minahal ka na sa murang edad pa lamang. Pero mahal, ang sakit. Ang sakit nang ipagtulakan mo ako kay Rei. Ikaw yung mahal ko e. Hindi ko pinapansin si Rei non pero pinilit mo kaya sinabi ko sa sarili ko na sige, susubukan ko. Baka mawala na ang nararamdaman ko sa iyo. Pero mahal sa bawat pag labas namin ikaw ang iniisip ko. Apat na taon. Apat na taon kong niloloko ang sarili ko. Apat na taon kong pinapaniwala si Rei na siya ang mahal ko. Apat na taon akong nasasaktan nang patago.

Ashley, I love you so much. Take care of yourself. I'm sorry. I love you.

Habang binabasa iyon ay nanginginig ang labi ko. Ang sakit sakit. Parang may naka dagan sa puso ko na mabigat. Hindi ako maka hinga ng maayos dahil sa pag hikbi.

"Migs, I'm sorry. I didn't know. I should've have know because I am your bestfriend but fuck myself for being stupid!" Tuloy tuloy lang ang pag luha ko doon nang maramdaman kong may yumakap sa'kin.

Nakita kong naka ngiti sa akin si Rei kahit bakas sa mata niya ang sakit.

Niyakap niya lang ako nang mahigpit. Ang sakit sakit na ang babaeng yumayakap sa'kin ngayon ay niloko ko rin.

"Migs killed himself because he can't take it anymore. It's my fault, Ash. Nalaman ko noong nakaraang linggo 'to. Patago akong pumasok sa kwarto niya to found out na ikaw ang mahal niya. Ash, you should blame me. Inaway ko siya noon. Apat na taon niya akong niloloko at ang sakit sakit sa akin noon. He killed himself because I pressured him. I told him that he should kill himself because it hurts that much, Ash. Ganoon kasakit ang ginawa niya sa akin. Parang unti unti akong pinapatay."

Tumayo si Rei at pinunasan ang mga luha niya. Ngumiti siya sa akin at pinanusan rin ang mga luha ko.

"I'm sorry. I'm really really sorry. Pinigilan ko ang pagmamahalan niyo. Sa apat na taong iyon kayo ang nagmamahal pero dumating ako at nagkunwaring ako ang mahal ni Migs kahit na alam kong ikaw naman talaga."

"Akala ko sa relasyon natin ako ang bida. I'm the antagonist and I'm really sorry for being a bitch bestfriend." Ngumiti siya sa akin at akmang lalabas na ngunit tumingin siya muli sa akin bago lumabas,

"It's too late for you to know but Migs loves you so much." Umalis na siya at sinara ang pinto.

I burst my tears on Mig's pillow.

"Comeback, Migs. Please."

Moon and Stars. (One Shot Stories)Where stories live. Discover now