ᴋᴡᴇᴋ ᴋᴡᴇᴋ ʟᴏᴠᴇ

8 2 2
                                    


ᴋᴡᴇᴋ ᴋᴡᴇᴋ ʟᴏᴠᴇ

Masaya kaming nagkukwentuhan ng tatlo kong kaibigang habang naglalakad palabas ng school. Pinunasan ko ang pawis sa noo ko. Ang init.

Narinig kong lovelife na nila ang pinaguusapan nila kaya natahimik na ako.

"Si sunshine kaya kailan magkaka love life?" Sabi nilang dalawa at nagtawanan. Nginitian ko lang sila at nauna nang mag lakad sakanila.

"Ano ka ba, may boyfriend yan. Si West, boyfriend niya. Siya nga lang nakakaalam." Sabi ni Bea at nag tawanan sila. Napangiti naman ako nang maalala si West. Ang tagal ko na siyang crush. Ang tagal ko na ring umaasang mapansin niya ako.

Nang nasa labas na ay naghintay kami ng masasaktan sa waiting shed. Medyo maraming estudyante ang naghihintay rin ng nasasakyan kaya lalong uminit. Medyo siksikan pa.

"Starbucks tayo!" Masaya sabi ni Bea. Umayon naman si Trix.

Sabay silang tumingin sa'kin, "Starbucks? Ayoko. Mahal do'n. Mag kwek kwek na lang tayo dyan sa kanto. Mura pa." Naka ngiti kong sabi sakanila. I heard them frowned.

"Kwek kwek na naman?" Sabi ni Trix. Nginitian ko lang siya, "Pwede kayong mag starbucks dalawa. I can eat kwek kwek alone."

Nakita kong nag alangan sila pero nang dumating ang sasakyan ay nag paalam na sila sa akin. Bahagya naman akong ngumiti nang wala na sila.

I envy their life. They can go to expensive coffee shop and spend their parents money. Kailangan kong mag ipon dahil malapit na naman role play namin at siguradong mapapa gastos ako don dahil ako ang gaganap na bida.

Paalis na sana ako nang biglang may humawak sa balikat ko. Tumingin ako at nag init ang pisngi nang makitang si West iyon.

Tumayo siya sa tabi ko, "Can I eat kwek kwek with you?" Tanong niya. Nahihiya naman akong ngumiti.

"Ha? S-sige." Weird. West known as being handsome and rich, sasamahan akong kumain ng kwek kwek?

Masaya akong nag lakad papuntang sa kanto upang kumain ng kwek kwek. Lagi kaming kumakain mag kaibigan dito pero ngayon nag sawa na yata sila at namiss ang mamahaling pagkain. Alam kong pinakikisamahan lang nila ako dahil maraming lalaki ang may gusto sa akin. Hindi ko alam bakit eh hindi naman ako kagandahan. Hindi ko din alam kung bakit pinagtitiisan akong samahan nila Bea at Trix.

Ramdam kong nasa gilid ko lang si West. Awkward. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na kasama ko si West ngayon.

Karating sa stall ng mga street foods ay ngumiti ako kay Manong. Dahil nga araw araw akong bumibili ay naka close ko na si Kuya.

"Gumaganda tayo lalo sunshine ah?" Naka ngiting bati ni Kuya. Napatingin naman siya kay West at nginitian ito.

"Boyfriend mo, Shine?" Tanong ni Kuya.

"Hind-"

"Future." Napatingin naman ako kay West. Ngumisi ito sa'kin. Narinig ko naman ang pagtawa ni manong.

"Kayong mga bata talaga." Binigay na ni Manong ang stick ng kwek kwek sa'min. Nakasawsaw iyon sa plastic cup na may sauce.

Binigay ko kay West ang kaniya at inaya siyang umupo sa tindahan na katabi lang ng stall ng kwek kwek. May lamesa doon na para talaga sa mga bumibili ng street foods.

Kaupo ay nag umpisa na akong kumain. Nakita ko namang naka tingin lang sa akin si West, "Ayaw mo ba?" Tanong ko sakaniya at tinignan ang baso ng kwek kwek niya. Tumikhim naman siya at tinignan iyon.

Natawa ako, "First time mong kumain n'yan no?"

"Yeah. Is this clean?" Nag aalangan niyang tanong.

"Yeah. Pina init ko ulit yan. Tikman mo." Nakangiti kong sabi sakaniya. Hindi ko alam bakit ang gaan agad ng pakiramdam ko sakaniya. Nawala na ang hiya na nararamdaman ko kanina.

Naka tingin ako kay West habang kinuha ang stick at sinubo ang isa. Habang nginu-nguya niya iyon ay hindi ko mapigilang mapa tingin sa labi niya. Bakit parang mas mapula pa iyon sa labi ko?

"Sunshine?" Pag tawag sa akin ni West na nagpa balik sa akin sa realidad. Narinig kong tumawa siya. Tumingin na lang ako muli sa kinakain ko.

"How was it? Masarap 'di ba?" Naka ngiti kong tanong.

"Alin?"

"Labi mo." Napatakip naman ako sa bunganga ko nang pumasok sa isip ko ang nasabi ko. Nakita ko ang pag pula ng mukha ni West dahil sa pag tawa. Nahihiya namang tinakpan ko ang mukha ko sa hiya.

"Yung kwek kwek kasi, West!" Nahihiya kong saad.

Tumango tango naman siya at mukhang sinasakyan na lang ako, "Okay okay, sabi mo e." Natatawa pa rin niyang sabi. Tumalikod ako sakaniya at bahagyang tinapik ang bibig ko. Napaka tabil na dila!

Humarap akong muli sakaniya at nakitang naka ngiti na lang ito sa akin. Kahihiyan, Shine!

"Masarap." Sabi niya. Naguguluhan naman akong tumingin sakaniya.

"Ang?" Wala sa sariling tanong ko.

"Masarap pagmasdan ang ngiti mo." Naramdaman ko naman ang pag init ng pisngi ko.

"Este yung kwek kwek, masarap." Sabi niya at kinamot ang ulo. Tumawa naman ako. Nakalimutan kong kumakain nga pala kami ng kwek kwek. Pag talaga kaharap mo si West lumulutang ang utak mo at nagdidiwang naman ang puso.

"Bakit lagi kang kumakain dito?" Bigla niyang tanong.

Ngumiti ako sakaniya, "Bukod sa favorite ko ang kwek kwek, mas gusto kong kumain na lang ng mga street foods. Tipid rin kasi."

"Alam kong hindi mo ako maiintindihan kasi mayaman ka e." May halong tawa na sabi ko sakan'ya.

"Why can't be other girls be like you? Instead of buying non sense things you're saving it. I admire you for that, Sunshine." Ngumiti naman ako sakaniya. That made me heart flatters.

"Sunshine, I said I admire you." Sabi niyang ulit.

"Okay?" Alangan kong sabi. Gusto niya ang pagiging simple ko?

"Thank you?" Patanong kong sabi dahil hindi ko alam ang ire-react ko.

Natawa naman siya, " I admire you."

"I like you."

"I'm into you."

"I can't say it enough, I love you. 'Til we're freshmen until now, we're graduating." Ramdam ko ang lalong pag init ng mukha ko at pagdidiwang ng mga paru-paro sa tyan ko.

"Do you get it now, Sunshine? I like- no, I love you. You should say I love you too." Nilapit niya ang upuan niya sa'kin na nagpakabog ng husto ng puso ko.

Diretso siyang tumingin sa mata ko, "You are the sunshine in my day and the moonlight of my nights." Ngumiti siya at tuluyan na akong bumagsak sa upuan ko. Pero joke lang. Kitang kita ko ang mapula niyang labi at maputi niyang ngipin na naka ngiti sa akin.

Nanlaki ang mata ko nang maramdaman ko ang pag lapat ng labi niya sa labi ko. Rinig ko ang malakas na pag tibok ng puso ko.

Lumayo siya sa akin at seryosong tinignan ako, "Oops, sorry. Your lips is attracting me. And the way you look at my lips. Damn, it made me kiss yours. My fault."

Kita ko ang pagtitig niya sa akin." I can’t stop looking at you… you look too damn good." Sabi niyang muli. Tumikhim naman ako at pinipigilan ang pag ngiti ko ngunit bigo. Wala sa sarili ay napa ngiti ako.

"You've put a spell on me, did you?" Kita ko ang pag kagat niya ng labi niya habang sinasabi iyon.

"Baligtad, West." Naka ngiti kong sabi.

"Why?"

"Because you're the one who've put me a spell. And I'm under your spell, West."

"And I hereby declare my love and affection toward you." As I said that he hugged me. I laughed, "My sunshine." I heard him said that. It made my heart even more happy.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 16, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Moon and Stars. (One Shot Stories)Where stories live. Discover now