Marry Your Daughter

11 1 0
                                    




Inis na binato ko ang phone ko sa kama at nilunod ko ang mukha ko sa unan. Kainis! Paskong pasko hindi nagpaparamdam si Jaycee. Sabi niya kahapon susunduin niya ako sa lunch pero hanggang ngayon wala pa rin siya. At hindi rin nagpaparamdam. Anong problema ng lalaking yun?

Oras oras ay sinisilip ko ang phone ko ngunit wala talaga. Bagot na bagot na 'ko.

Dali dali akong tumayo nang may kumatok sa kwarto ko. Sa pag aakalang si Jaycee na iyon. Kabukas ko ng pinto ay ang nakakainis na mukha ng kuya ko ang sumalubong. Naka pogi sign pa at talagang nang aasar, "Hey, lil sis! Paskong pasko nagkukulong ka dyan. Aalis kami ni Chyndy baby panda ko, sama ka?" Pinakita ko ang nandidiri kong mukha kay kuya nang banggitin niya ang tawag niya sa girlfriend niya.

"Seriously, kuya? Baby panda ko? Ew, can't you think of something romantic like babe? So corny of you." Sinamaan niya lang ako ng tingin, "Bitter ka lang. Ininjan ka kasi ng boyfriend mo!" Tumawa siya nang malakas at akmang ibabato ko sakaniya ang throw pillow ko ay bumelat pa siya bago isara ang pinto ng kwarto ko. Sige, sila na! Maghihiwalay 'din naman sila.

I sat on the couch as I checked my phone again. No message. Nice!

Inis akong napatingin ulit sa pintuan nang may kumatok. Akala ko ay si kuya ulit. Nawala ang pagka busangot ng mukha ko nang makita si Papa na naka ngiti sa akin habang may dalang teddy bears. We bare bears!

Lumawak ang ngiti ko at niyakap si Papa, "Merry Christmas, Kiana." Binati ko pabalik si Papa at hinalikan ang pisngi niya. Kinuha ko sakaniya ang tatlong bears at nilagay iyon sa kama ko.

"Thank you for this, Pa. Alam mo talaga ang gusto ko! I love love love you!" Magiliw kong sabi kay Papa at niyakap siyang muli. Napatawa naman siya sa inasal ko, "Naabutan kitang naka busangot, may problema ba?" Tanong ni Papa.

Napanguso muli ako nang maalala na wala pa rin si Jaycee. Tumawa si Papa at umupo sa kama ko, "Hmm, si Jaycee ba? Nag away na naman ba kayo? Kayo talaga, mag lilimang taon na kayo pero para pa rin kayong mga bata." Ani ni Papa. 'Yun na nga eh! Ang tagal na namin pero lagi pa rin niya akong iniinis.

Napabalikwas ako nang tumunog ang phone ko.

"Merry Christmas. Can't go tonight. I'm sorry." Napahiga na lang ulit ako sa kama nang mabasa ang message ni Jaycee.

Narinig ko ang buntong hininga ni Papa, "Halika nga bumaba tayo. Kaysa sa naka busangot ka dyan." 

Sabay kaming bumaba ni Papa. Pagkababa namin ay nakita naming nagtatawanan sila Jaycee at kuya sa sala. Parang lumiwanag ang mood ko nang makita ko siyang masayang nakikipag usap kay Kuya. Gusto ko siyang yakapin kaso pinigilan ko ang sarili ko dahil nagtatampo nga pala ako sakaniya.

Tumayo siya nang makita kaming dalawa ni Papa. Tinignan lamang siya ng seryoso ni Papa. Lalapitan ko na sana siya nang hinarang ni Papa ang kamay niya at itinago ako sa likod niya. Okay? Anong trip ni Papa?

Nakita kong napangiwi si Jaycee at tinignan ako. Narinig ko ang tawa ni Kuya. Tinignan ko lang siya nang masama.

"Bakit ka nandito? Akala ko ba hindi ka makakapunta?" Masungit na sabi ni Papa. Jaycee laughed nervously while biting his lips. Damn, my baby's being cute.

"Ddy, may performance ngayon yan, upo na kayo dito!" Natatawang sabi ni Kuya at hinili kami paupo ni Papa. Anong performance?

Naupo kami sa sofa nila Papa, Mama at Kuya. Habang si Jaycee ay nasa harapan namin at may hawak na gitara. Hindi ko mapigilang mapangiti.

"Tito, can you join me here please?" Ani ni Jaycee at inilalayang pumunta si Papa sa tabi niya. Seryosong sumunod lamang si Papa. Okay, anong balak niya?

Nag umpisa nang istrum ni Jaycee ang gitara, "Sir, I'm a bit nervous
'Bout being here today
Still not real sure what I'm going to say
So bare with me please
If I take up too much of your time,"  Nakita ko ang pag ngiti ni Jaycee sa akin at tumingin muli kay Papa. Parang may anghel na kumakanta ngayon.

"See in this box is a ring for your oldest
She's my everything and all that I know is
It would be such a relief if I knew that we were on the same side
Cause very soon I'm hoping that I..."
May nilabas si Jaycee mula sa bulsa niya. Red velvet box. W-wait...

"Can marry your daughter
And make her my wife
I want her to be the only girl that I love for the rest of my life
And give her the best of me 'til the day that I die, yeah
I'm gonna marry your princess
And make her my queen
She'll be the most beautiful bride that I've ever seen
Can't wait to smile
When she walks down the aisle
On the arm of her father
On the day that I marry your daughter."
Binaba ni Jaycee ang gitara niya at lumapit kay Papa, "Can I, sir? Can I marry your daughter?" Naramdaman ko ang luhang pumatak sa mata ko dahil sa tuwa. Naramdaman ko ang pag akbay ni Kuya sa akin.

Nakita ko ang pag kunot ng mukha ni Papa na kinakaba ko.

"In one condition. Ibalik mo siya agad sa akin kapag ayaw mo na. Ibalik mo rin ang sarili mo dito nang mabugbog kita." Natawa kaming dalawa ni Kuya sa binanggit ni Papa.

"I promise po. Pero papangako ko din na hinding hindi mangyayari ang araw na iyon. I love Kiana so much to the point thinking of leaving her, thinking of her, crying. Makes my heart aches so much. "

Ngumiti sakaniya si Papa. Kinuha ni kuya ang kamay ko nilapit ako kay Jaycee. Kinuha din ni Papa ang kamay ni Jaycee at pinaghawak nila ang mga kamay namin.

Tumunog ang kantang Beautiful in White ng westlife. Sabay kaming napangiti ni Jaycee sa isa't isa ang sumayaw. Sumabay din sa amin sila Mama at Papa.

"BABY PANDA KO NASAAN KA NA BA?!" Sabay sabay kaming nagtawanan nang isinigaw iyon ni Kuya.

Hinawakan ni Jaycee ang pisngi ko at iniharap ako sakaniya. Kasabay nang pag ngiti ko ang pag luhod niya na kinitili nila Mama. Hindi rin maalis ang ngiti sa aking labi. Nag uumpisa na 'ring bumuhos ang mga luha ko.

"Daddy already said yes. You can't say no anymore, baby." Sabi niya at binuksan ang velvet box. Nandoon ang diamond ring.

"Oh really, Mr. Grey? Eh kung si Papa na lang kaya ang pakasalan mo?" Tinaas ko pa ang kilay ko para asarin siya.

"PANIS!" Pang aalulod ni kuya na inirapan ko lang.

"Baby naman," Naka pout niyang sabi. Tinawanan ko lang siya at pinatayo na.

"Of course, I will be Mrs, Grey." Halos matumba kami nang bigla niya akong yakapin. Natawa la mang ako sakaniya at sinuot niya ang engagement ring. Kita ko ang mga ngiti nila Mama at kuya habang pinagmamasdan kami.

Nagbalik ulit kami sa pagsasayaw, "Love, naalala mo ba noong ninakaw ko yung diary mo nung high school tayo?" Napa busangot naman ako.

"Naka sulat doon na bago ko pakasalan ang isang lalaki dapat payag papa mo. Gusto mo mahal din ni Papa mo. Gusto mo liligawan muna ng lalaki ang pamilya mo. Mahal na mahal mo ang pamilya mo kaya sobrang nahulog sayo ang pusong ito." Ani niya at itunuro niya ang puso niya.

"Remember you were so annoyed to me back then? Are you ready to be-"

"Yes, I am ready to be annoyed by you forever." Pag puputol ko sa sinabi niya. I smiled at him and I tilt my head as I touched my lips to his.

"Lets annoy each other, forever."

Moon and Stars. (One Shot Stories)Where stories live. Discover now