" Yours. Forever. "

35 2 1
                                    


Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa nang biglang pumasok sa kwarto ko ang maliit kong kapatid at ginulo ako.
"Ate! Ate! May naghahanap sayo sa labas, pogi!" Sigaw niya sa'kin ay niyugyog ang balikat ko.
"Ano ba, Ley umayos ka! Niloloko mo na naman si Ate." Irita kong sabi sakaniya at nagpatuloy na sa binabasa ko.
"Ate! Totoo nga kasi!" Sabi niya at hinila ang kamay ko. Inis ay wala akong nagawa kung hindi sumunod.
"Ma, sino bang nag hahanap sa cuteness ko?" Pabiro kong sabi kay Mama kalabas ko ng kwarto.

Pagka kita ko sa taong naka upo sa sofa namin ay naghanap ako ng pwedeng ipangtakip at agaran iyong itinakip sa aking legs. Kasalukuyang lamang akong naka oversized shirt at short shorts at naka messy bun ang buhok. Siguradong mukha pa akong nanay  kay mama ngayon.

Sa sofa ay nandoon si Arch, naka ngisi sa akin. Mukhang tuwang tuwa sa nakikita niya.
"Oy!? Anong ginagawa mo ditong kupal ka?" Bulyaw ko sakaniya. Nakita ko ang pag ngiwi niya nang sumigaw ako.
"Sinusundo ka?" Pilosopo niyang sabi sa akin. Inirapan ko nalang siya sa inis at pumasok muli si kwarto ko upang mag bihis.
Bakit nakalimutan kong ngayon nga pala ang alis namin ng kupal na 'to?

Arch's my suitor. Almost three years na siyang nanliligaw ay walang palyang sinisira ang araw ko.

Katapos kong magbihis at mag ayos ay inaya ko nang lumabas si Arch. Bago lumabas ay nag paalam muna siya kila Papa. Ang panliligaw niya ay may basbas ng mga magulang ko kaya hindi na ako nagtataka kung bakit araw araw ay nandito siya sa amin. Kulang nalang ay dalhin na rin niya ang mga damit ay dito na rin siya tumira.

Pareho palang kaming estudyante ni Arch. Siya ay magtatapos na ngayong taon samantalang ako ay sa susunod na taon pa.
Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa pagkagulat nang biglang sumigaw si Arch, "Kuya, tricycle!" Malakas niyang sabi at humagalpak ng tawa nang makitang halos mahimatay ako sa gulat. Paano ba naman ay nanahimik siya sa tabi ko at bigla nalang sisigaw nang gano'n.
Hinampas ko sakaniya ang sling bag na dala ko, "Kahit kailan ka talaga!" Inis na sabi ko sakaniya.
"Bawasan mo kasi ang pagkakape, Rose." Natatawa niya pa ring sabi. Inirapan ko lang siya at pumasok na sa tricycle. Sumunod naman siya agad.
Nang nasa loob na ay napangiwi ako nang hindi ko maramdaman ang phone ko sa aking bulsa. Nakalimutan kong mag paalam kay kuya tiyak magagalit yun kahit na alam nila mama na kasama ko si Arch ay mahigpit na bilin na kailangan ko pa ring mag paalam kay kuya.
"May problema ba?" Rinig kong tanong ni Arch.
"Naiwan ko yung phone ko, hindi ako nakapag paalam kay kuya. Itetext ko nalang sana."

Inabot niya sa akin ang phone niya at kinindatan ako. Pigil ang ngiti ay inirapan ko siya at kinuha ang phone niya.
Kabukas ko ng phone niya ay nagulat ako dahil nakita ko ang lockscreen niya ay ang mukha ko habang natutulog.
"ARCH!" Sigaw ko sakan'ya. Nagkunwari siyang walang naririnig at kunwaring tumingin sa labas. Bwisit talaga 'to kahit kailan.
Nang matext ko na si kuya ay babalik ko na sana sakaniya ang phone niya ngunit aksidente kong nakita ang name ko sa inbox niya.
"My future wife." Patago akong napangiti at binalik na sakaniya ang phone niya.
"Heto na po. Hays, may panget kasi na lalaking bigla nalang sumusulpot sa bahay nalimutan ko tuloy phone ko."
"Nye nye."  Parang bata niya sabi sa akin at dumila pa. Isip bata talaga.
Pagkarating namin sa mall ay dagsa ang mga tao dahil na rin siguro magpapasko. Abala ang lahat sa mga ihahanda sa noche buena at mga ipang reregalo.
Hindi ko mapigilang mapangiti nang makita si Arch na tinutulungan ang matandang babae na may bitbit na maraming bags.
Habang tinitignan siya, napapaisip ako kung paano niya natitiis ang ugali ko. Mag tatatlong taon na siyang nanliligaw at sa tatlong taon na iyon ay minahal ko na siya. Mahal na mahal. Ngunit mahigpit na bilin ni papa ay wag munang ipakita yun habang hindi pa kami. Doon daw matetest kung makakapag hintay  ba ang lalaki.
Next week ay 18th birthday ko na. Naka handa na ang lahat at syempre sino pa ba ang escort ko kung hindi si Arch.
Sa araw ng kaarawan ko ay si Arch ang bibigyan ko ng regalo. Regalong matagal niya nang hinihintay. Hindi ko mapigilang ma excite.

Sinusundan ang rhythm ng kanta ay naka sukbit ang dalawa kong kamay sa leeg ni Arch habang nagsasayaw. Nakikita ko kung gaano kagwapo si Arch ngayon sa suot niya. Mukhang pinaghandaan niya nga ang kaarawan ko.
Ngumiti siya sa akin ngunit may kakaiba sa mata niya ngayon. Kanina ko pa napapansin. Wala ang ningning sa mata niya. Wala ang ngiti  sa labi niya.
"Arch." Pagkuha ko sa atensyon niya. Tumingin naman siya sa'kin at nginitian ako nang bahagya. Hindi si Arch 'to. Hindi niya akong nginingitian nang ganito.
"Arch, may problema ka ba?" Umiwas siya ng tingin sa akin.
"Arch." Matigas kong pagbigkas ng pangalan niya. Tumingin siya sa akin nang seryoso na ang mukha. Where's my Arch? Ibang tao 'tong kaharap ko ngayon. Konti na lamang ay bibigay na ang mga luha ko.
"Rose..." Pumikit siya nang mariin at tila bang nahihirapang sabihin sa'kin ang sasabihin niya.
"Arch, anong problema?" Mahinang boses na sabi ko sakaniya.
"Bumalik na siya, Rose. Bumalik na siya." Tumigil ang tibok nang puso ko sa sinabi niya ngunit pilit kong inaalis sa utak ko yung iniisip ko.
Nginitian ko siya, "Sino?" Bumitaw siya sa pagkakahawak niya sa akin at tinignan ako nang diretso.

"Si Eris." Mapait akong tumawa nang marinig ang pangalan ng dati kong matalik na kaibigan. Turn out na traydor pala.
"Rose, I'm sorry. Sa three years na kasama kita si Eris ang iniisip ko. Sa tatlong taon na iyon akala ko ikaw ang mahal ko. Pinaniwala ko ang sarili ko na ikaw si Eris. Na ikaw yung mahal ko. Sa bawat pag tingin ko sayo ay si Eris ang nakikita ko. Sa bawat lumalabas tayo naalala ko yung mga araw na magkasama kami. I'm sorry. Pinaniwala ko yung sarili ko na mahal kita kahit alam ko sa puso ko na—
"Na si Eris pa rin talaga." Pagtuloy ko sa sasabihin niya. Ang luhang kaninang pinipigilan kong tumulo ay ngayo'y bumuhos na. Pinigilan ko ang pag hikbi ko at pinunusan ang mga luha ko ngunit bawat pag punas ko rito ay ang pag buhos muli ng bago. At ang mas nakapagpa dagdag doon ay ang dating lalaking ayaw akong nakikitang umiyak ay ang siyang nagpapaiyak sa akin ngayon.
Ang dating lalaking nagpupunas sa mga luha ko ay walang ginagawa at tinitignan nalang kung gaano ako umiyak para sakaniya.
Sinubukan niyang lumapit sa akin pero lumayo ako. Tumakbo ako palabas ng venue ng birthday ko at pumunta sa may garden dito upang umiyak.

Ramdam ko ang pag maga ng mata ko. Tumingin ako sa madilim na langit, pinalilibutan ng mga bituin.
Bahagya akong napangiti nang may nakita akong falling star. Pinikit ko ang mata ko, "Hinihiling ko ang pagiging masaya nilang dalawa. Sobra man nila akong nasasaktan ngayon, makita ko lang ulit ang ngiti ng taong mahal ko ay ayos na ako."

Kamulat ko nang mata ko ay nagulat ako nang makitang nasa harapan ko si Arch. Lalayo na sana ako sakaniya nang bigla niya akong hinila at niyakap nang mahigpit. Wala akong nagawa kun'di humagulgol sa balikat niya. Narinig ko ang mahina niyang tawa.
Bumitaw siya sa pagkakayap sa akin at kasabay nang pag ngiti niya sa akin ay ang pag liwanag ng madilim na hardin dito. Namangha ako kung paano isa isang umilaw ang mga christmas lights na nagform ng katagang, "Will you be my girlfriend?" Kasabay ng pagbasa ko doon ay ang pag yuko ni Arch. Hindi ko alam ang mararamdaman ko nang makita ang hawak niya na isang piraso ng rosas.
Ngumiti  siya  sa akin ng malawak. Humagulgol ako pag iyak na ikinatayo niya at inalo ako. "Bwisit ka! A-akala ko iiwan mo na 'ko! Unggoy ka!" Tumawa siya at pinunasan ang mga luha ko.
"Ikaw? Iiwan ko? Rose naman, mas gugustuhin ko pang mamatay kesa mawalay sa'yo." Lalo akong naiyak at niyakap  siya nang mahigpit na ikinatawa niya.
Nang matahan ako ay humarap ako sakaniya. Kanina ko pa siya yakap at malamang ay ngawit na ngawit na siya ngunt kaharap ko ay ngiti niya  pa rin ang sinalubong niya sa aakin Bakit napaka swerte ko? Napaka swerte ko na may Arch ako  sa buhay ko. Si Arch na lagi kong inaaway ngunit hindi nagsawa  sa akin. Napaka swerte ko sakaniya. At wala akong balak pakawalan pa siya.
"Rose, matutunaw na ako sa titig mo." Natawa ako sa sinabi niya at sinukbit ang dalawa kong kamay sa leeg niya.
May ngiti sa labi ay unti unti kong nilapit ang mukha  ko sakaniya. Kasabay nang paglapat ng mga labi namin ay ang pag putok nang mga fireworks sa madilim na kalangitan.
Bumitaw ako kay Arch at masayang pinanuod ang mga tila palamuti  sa madilim  na langit.
Napatili ako nang higitin ako ni Arch at pinagtama ulit ang aming mga labi. "Silly, you didn't answer my question." Nginitian ko siya.
"Yes, Arch. I'm your wife now. Pwede mo nang alisin ang 'future' sa  name ko sa contacts mo. Because I'm now yours. Only yours. Forever."

Moon and Stars. (One Shot Stories)Where stories live. Discover now