Chapter 24
Kim's POV
"I'm ok :)"-Arni
"Hindi Bek! Hindi ka ok!! Ano ba Bek, hindi mo kailangang itago yang sakit na nararamdaman mo! Argh!" Niyakap ko siya ng mahigpit habang naka upo kami sa kama niya..
"Ok lang talaga ako, p-promise..."-Arni. Narinig ko ang mahina niyang paghikbi.. Naramdaman ko na lang na basa na yung damit kong suot..
Naiyak siya.. Naiyak ang nag-iisang bekfriend ko.. For the first time, nakita ko siyang umiyak..
-----------------------------
"Baby... BABY!!!! =__="-Ey-EL
"Ay takte! Ano ba yun?!" Nagulat ako sa bigla niyang pagsigaw..
"Kanina pa kita kinakausap, nakatulala ka lang jan =___="-Ey-EL
"S-sorry.. Naalala ko lang si Bek.."
Nalungkot ako bigla.. Isang linggo na ang nakalipas nung nakausap namin siya.. Nakakaawa talaga si Bek, ang payat niya! Grabe! Pero buti na lang, kumakain na siya ngayon with the help of Taong Yelo at si Kuya Em.. Nakausap na namin siya at nakngtokwa, nung pagkakita namin sa kanya halos gusto kong sabunutan ang kapatid ko! Magang-maga yung mata ni Bek, kakaiyak siguro.. Tapos ang malupet, nakangiti siya sa amin nung nabukasan ni Taong Yelo yung pinto ng kwarto niya! Isang sipa niya lang sa pinto, nabuksan agad niya ito.. Nasira nga pinto ng kwarto ni Bek ehh, GRABE! Nagulat nga ako kasi sa isang iglap lang, nakita kong yakap na ni Ey-EL yung pinsan niyang si Bek.. Tss, sungit lord mahal na mahal niya naman pinsan niya.. Napangiti na lang ako dun sa ginawa ni Taong Yelo kay Bek.. Lahat kasi kami nag-aalala na sa kanya.. Pati ang tropa, nag-aalala.. Nakakainis kasi! Tapos bwiset si Mommy, ipapakasal yung kapatid ko sa ibang babae! Aish, nakakainis! Tapos isang linggo ng hindi pumapasok si Bek sa school, lalo tuloy kaming nag-aalala.. Sabi naman ni Taong Yelo, pabayaan na daw muna namin siya.. Kailangan niyang magisip-isip.. BWISET! PISTI! BIGTE!=___=
"Magiging maayos din ang lahat.. Malapit na tayo.."-Ey-EL
BINABASA MO ANG
FS B1: FAKE COUPLE [COMPLETED] -Editing-
RomansaFAKE SERIES: BOOK ONE Isang ordinaryong babaeng sadista at isang artistang lalaking masungit. Ano kaya ang mangyayari sa kanilang dalawa pag pinagtagpo sila ng tadhana?