Chapter 6: Ethan's Life Story

9 0 0
                                    

(Monica's Pov)

(Hanggang ngayon, hanggang hanga pa rin ako sa boses ni Ethan. Ang ganda ng boses niya grabe)

(Hanggang sa matapos na kumanta si Ethan, speechless pa rin ako sa boses niya.)

Ethan: Pasensya na Monica ah haha panget talaga boses ko.

Monica: Panget?? Eh sa mala anghel nga ang boses mo eh.

Ethan: Sus! Nambola ka pa.

Monica: Hala hindi! Grabe kung sino man ang kakantahan mo niyan, tiyak na maiinlove sayo.

Ethan: Pati ikaw?? Maiinlove ka sa akin??

Monica: Hahahah ewan ko. Hindi ko alam. Siguro singer ka noh??

Ethan: Nope.

Monica: Ehh performer kunyari kumakanta sa gig ganun??

Ethan: Dati hahahaha.

Monica: Eh ngayon anong ginagawa mo??

Ethan: Wala..............

Monica: Wala as in..........

Ethan: Wala hahaha. 

Monica: So happy go lucky ka ganon??

Ethan: Yup. You can say that. Dati kasi akong singer sa gig nga lang sa bar. Maraming tao yung humahanga sa boses ko. Maraming nagpapapicture, hanggang sa natanggal ako.

Monica: Halaa bakit ka natanggal??

Ethan: Mas dumami yung mga bata at mas maganda ang boses kaysa sa akin.

Monica: Bakit ilang taon ka na ba??

Ethan: I'm 25 years old!

Monica: Woow! 5 years pala tanda mo sa akin.

Ethan: Oo haha! Kaya ayon halos isang taon akong walang ginawa. Hanggang sa nakilala ko si Sarah. Yung ex ko.

Monica: Ohh anong naging papel ni Sarah sa buhay mo??

Ethan: Si Sarah ang nagbigay sa akin ng opportunity na kumanta ulit. Galing sa mayamang pamilya si Sarah. Lagi niya akong pinapakanta sa mga events like sa kasal, birthday, at kahit sa burol. Sobrang saya namin ni Sarah noon. Kung may problema man kami, hindi pa lumilipas ang isang araw okay na kami. Akala ko nun, si Sarah na ang magiging kasama ko sa panghabambuhay pero hindi pala.......

Monica: Ano nangyari??

(Ethan's Flashback)

(Isusurprise ko sana si si Sarah nun dahil 2 years anniversary namin hanggang sa..........)

Ethan: Sarah????

Sarah: Ethan???

(Nakita ko si Sarah na may kahalikang lalaki sa bar. Sinugod ko yug lalaki at sinapak ko itooo!!)

(Buti na lang inawat ako ng mga taong nandoon.)

Ethan: 2 years Sarah!!! 2 YEARS ITATAPON MO LANG!!

Sarah: Ethan hayaan mo muna akong magpaliwanag pleasee!!

Ethan: Ipaliwanag ang alin kung paano ka nakikipag French Kiss diyan sa lalaking yan?? ANO SUMAGOT KA??!! ANO?? MAS MAGALING BA SIYA HA?? ANO???

Sarah: Ganyan ba ang tingin mo sa akin?? Ganyan ba Ethan??

Ethan: Kung hindi yan EH ANO??!!!!!! NAGMUMUKHA NA AKONG TANGA DITO EH!! ANO SUMAGOT KA?!!!

Sarah: Can't you see it Ethan, hindi na ako masaya! Masyado mo nang kinontroll ang buhay ko! 

Ethan: Anong kinontrol?? ANONG KINONTROL??

Sarah: You don't get it don't you?? Ginawa mokong buntot sa sarili kong buhay! Ikaw ang naging head ng buhay ko! You don't give me a freedom to choose sa anumang gusto kong gawin! Nasakal ako! Mahal ko si Andrew Ethan! Pinarealize lang sa akin ni Andrew na dapat hindi ko hinahayaan ang sarili ko na maging sunod sunuran sa iisang tao. Patawarin mo ako pero nasakal ako Ethan and I'm sorry! Break na tayo!!

Ethan: Magsisisi ka Sarah!! MAGSISISI KA?!!!

(END OF FLASHBACK)

Ethan: Hindi ko na sila nakita nun Monica. Halos wala na akong balita sa kanila hanggang ngayon.

Monica: I'm sorry! 

(Hinawakan ko ang kamay ni Ethan)

Ethan: Don't be. Wala ka namang kasalanan eh. Ang may kasalanan sa akin yung dalawa. Silang dalawa ang nagkasala sa akin. Kaya hindi ko sila mapapatawad.

Monica: Naiintindihan kita Ethan. Nangyari din sa akin yan. Hayaan na lang natin sila Ethan. Doon sila masaya eh.


(Halos lumalalim na ang gabi at alas dos na ng madaling araw.)

Ethan: Tara mamangka ulit tayo??

Monica: Halaa alas dos na! 

Ethan: Dalii na gusto din kita makasama eh. 

Monica: Pero???

Ethan: Don't you trust me??

Monica: Ethan..............

(Hinawakan na ni Ethan ang kamay ko at hinatak niya ako papunta sa bangka)

(*Insert Music of "Sayo" by Ebe Dancer)

Monica: Ethan? Hindi ba delikado ito??

Ethan: Trust me Monica! Mageenjoy ka ulit dito!

(Namangka ulit kami ni Ethan sa dagat kahit sobrang lamig ay nakakaya pa rin namin. Habang namamangka kami ay nakatitig lang si Ethan sa akin.)

Monica: Ethan pwede ba kita makita bukas ng umaga??

Ethan: Oo naman. Bakit naman hindi.

Monica: Paano kita macocontact kung wala ka namang phone??

Ethan: Bigyan kita ng ibang technique. Ipikit mo lang ang mata mo, iwhisper mo ang pangalan ko ng tatlong beses at pagdilat mo nasa harap mo na ako./

Monica: Stalker ba kita ah haha. Ang bilis mo naman kung ganon?

Ethan: At least nakikita mo naman ako diba?

(Nilapit ni Ethan ang mukha niya sa mukha ko)

Ethan: Ang ganda pala ng mga labi mo Monica.

Monica: Ethan umhh bakit??

(Iniisip ko baka hahalikan ako nito. Hanggang sa..................)

(Nilayo niya ang mukha niya sa akin)

Ethan: Hindi kita hahalikan kung ayaw mo Monica. Don't worry I respect you.

(Bumaba na kami ni Ethan sa dagat at sinamahan niya ako ulit umuwi.)

Monica: Ummhhh Ethan salamat ah.

Ethan: Walang anuman yun Monica. Basta always remember I'm always here for you.

Monica: Salamat talaga!

(Pagaan talaga ng pagaan ang loob ko kay Ethan kaya sabi ko sa sarili ko, gusto ko siya kasama.)

(Nagpaalam nako kay Ethan at pumasok na ako sa dorm.)

(Pero bago ako pumasok sa dorm ay nakita ko ulit si Chloe na nakatititig na naman ng masama sa akin. Hindi ko talaga alam kung bakit.)


(END OF CHAPTER 6)

Where Are YouWhere stories live. Discover now