(Monica's Pov)
(Nasa bangin pa rin ako at halos nakahandusay pa rin ako nung magising ako... Arghhhhhh ang sakit pa rin ng ulo ko! Wait...... Yung lalaki........ Yung lalaking tumulong sa akin nasaan na?? Sino siya???? Nasaan siya??)
(May nakita akong babae na nagwawalis doon sa may gilid ng bangin, kaya nilapitan ko siya)
Monica: Ate teka sandale! May nakita ka bang lalaki na medyo maskulado, mga 5'8 ang height, gwapo, naka black tshirt at medyo makapal ang kilay??
Ate: Wala akong kilalang ganun dito?? Saka wala pa akong kilalang lalaki na makapal pa ang kilay sa babae. Ano yun bakla??
Monica: O ba't parang galit ka?? Sige na! Nagtatanong lang eh,
Ate: O sige na alis na!! Nagwawalis ako eh!
(Hinanap ko yung lalaki na tumulong sa akin pero hindi ko pa rin siya makita. Nasaan na ba yun?? Nagtanong tanong ako sa mga taong nakatira malapit sa bangin pero hindi talaga nila kilala yung lalaking sinasabi ko.)
(Hanggang sa sumuko na ako at nagdecide na lang akong umuwi sa bahay.)
(Laking gulat ko!! Bakit nasa labas na ang mga damit at gamit ko at nakamaleta na?)
Monica: Tyang!! Tyang!! Tyang!! Tyang ano ito!!! Tyang bakit nandito yung mga maleta ko sa labas!
Tyang: Pati ba naman dito, tatanga tanga ka!! Walang kabang common sense?? Hindi ba obvious na pinapalayas na kita dito sa pamamahay ko tanga!!??
Monica: ANO??!! HINDI MO PWEDENG GAWIN YAN!!
Tyang: Pwede!! Pwedeng pwede Monica!! Pwede kitang paalisin dito kahit kailan ko gusto!! Nakikita mo tong leeg ko ah!! Yan ang parusa ko sayo sa pagsakal ko sa leeg mo! Kaya lumayas ka na!!! LAYAASSSSSS!!
(Pinagtulakan ako ni Tyang palabas ng bahay at tinulak niya ako kaya natumba ako sa sahig)
Monica: Anong akala mo ah! Maganda yang bahay mo ah!!!! Panget yang bahay mo at nabubulok na yang kagaya mo!!!
Tyang: Hindi ka aalis!!! Hindi ka aalis ah!!!!!! TATAWAG AKO NG PULIS KAPAG DI KA PA UMALIS!! ANOO!! ALISS!! LAYAAAS!!!
Monica: Etong tatandaan mo Miriam! Balang araw magsisisi ka pinaalis mo ako sa putang inang bahay na ito!! Magsisisi ka!!!
Tyang: Kahit kailan hindi ako magsisisi kasi matagal ko nang gusto na paalisin kita dito!!!! Buti naman nangyari na!!! Para ka lang nanay mo na tatanga tangaa!!!
(Nanggigil ako ng sobra at sinugod ko na naman si Tyang)
Monica: BAWIIN MO YANG SINABE MO!!!!!! BAWIIN MO!!!!
Tyang: TULUNGAN NIYO AKO!!!! TULUNGAN NIYOOO AKOOOO
(Buti na lang naawat ako ng mga kapitbahay na saktan itong bruhang babae na toh!)
Tyang: Paalisin niyo yan! Paalisin niyo yang babaeng yan! Tatawag ako ng pulis, paalisin niyo yan!
(Hanggang sa mga kapitbahay na ang nagsabi na umalis ako ng bahay)
Kapitbahay #1 : Monica please!! Umalis ka na! Please maawa ka sa sarili mo ipapakulong ka talaga ng tyahin mo!
Kapitbahay #2: Oo nga o eto, 1 libong piso! Magpakalayo layo ka na muna dito! Parang awa mo na Monica umalis ka na!
YOU ARE READING
Where Are You
Misteri / Thriller"Nawawala ako! Hindi ko alam kung nasaan ako?? Bakit ba ako nandito?? Ano ba yung purpose ko kung bakit ako pinanganak! Sino ba ako?? Yan ang mga tanong ng mga suicidal na katulad ko! Wala na akong kwenta sa mundo! Walang nagmamahal sa akin! Papano...