(Monica's Pov)
(Isang gabi na naman na masaya at nakakagaan sa dibdib kasi nandiyan si Ethan para sa akin. Nagising ako na puno ng ngiti sa aking dibdib.)
Marie: Uyyy yung ngiitii mo teh umaapaw hjahahaha
Monica: Hahah anong umaapaw?
Pia: Yung ngiti mo Monica medyo masayang masaya ka ah hahaha
Marie: Kwento ka namaan.... Ano nangyari kagabi?? Hahaha
Monica: Ano ka ba?? Anong sinasabi niyo??
Marie: Nagkabalikan na kayo ni Noah diba??
Monica: Ano?? Hahah hindi. Anong sinasabi mo??
Pia: Umhhh Monica nasa baba kasi si Noah eh.
Marie: Oo sissy at hinahanap ka niya.
(Nawala ako sa mood at ang saya at ngiti ko ay napalitin ng galit at inis. Bumaba ako sa lobby at hinarap ko si Noah. May hawak pa siyang bulaklak.)
Monica: Noah??
Noah: Monica.... Mahal??
Monica: Anong ginagawa mo dito??
Noah: Gusto lang kitang makita Monica....
Monica: Ganon????
(Itinapat ko ang sarili ko sa mukha niya.)
Monica: O ayan! Nakikita mo na ang mukha ko. Ngayon umalis ka na!
Noah: Monica naman......
Monica: Pwede ba?? Hindi porket binigyan mo ako ng matutuluyan babalikan na kita! Hindi ako ganong klaseng babae!!! Kaya umalis ka na!
Noah: Monica please......
Monica: Alam mo??? Naawa ako sayo?? Kasi pinagpipilitan mo ang sarili mo doon sa babaeng ayaw sayo. Nakakaawa ka...
(Dumating si Mayora para awatin ako sa pagsasabi ng masasakit na salita kay Noah.)
Mayora: Monica, tama na??
Monica: Hindi ako titigil mayora. Wala akong pakialam kung nasasaktan siya!!! Kulang pa yang sakit na yan na binigay niya sa akin.
Noah: That's why I'm saying sorry...
Monica: Hindi sapat ang sorry mo Noah! Kulang pa yan kumpara sa lahat ng pinagdaanan ko. Hindi sapat ang sorry lang!!
Mayora: Noah... Pwede umuwi ka muna...... Saka na lang kayo mag-usap kapag malamig na yung ulo mo.
Monica: Or better yet wag ka na lang bumalik at wag ka nang bumalik kahit kailan!! Nakukuha mo ba??
(Hindi na nagsalita si Noah at umalis na siya.)
(Pumunta ako sa lamesa para kumain ng pandesal at lumapit si Mayora sa akin.)
Mayora: Hindi ka ba marunong maawa Monica??? Kinawawa mo at pinahiya mo yung tao.
Monica: Hindi niyo po naiintindihan mayora!
Mayora: Ikaw ang hindi marunong makaintindi!! Hindi siya pupunta dito ng bukal sa puso kung hindi ka niya mahal!
Monica: Nasaktan na niya ako mayora! At ang mga nararapat sa mga lalaking katulad niya ay pinapaalis at hindi na pinapabalik. Pare pareho lang sila ng tatay ko!!
Mayora: Ano bang akala mo kay Noah santo?? Aba Monica, hindi santo yung ex mo. Magkakamali at magkakamali pa rin siya..a
Monica: At ako?? Masasaktan ng masasaktan?? Hindi na!! Di bale na lang!! Mas gugustuhin ko na lang ang mag-isa kaysa sa makasama yung mga lalaking kagaya ni Noah.
(Nagwalk out ako at bago ako makaalis ng pinto, may huling sinabi si Mayora Dina.)
Mayora: Monica????
(Lumingon ako.)
Mayora: Kailanman hindi ka makakahanap ng lalaking perpekto. Alam mo kung ako sayo, iintindihin ko sila, kasi kung talagang mahal mo sila hindi ka lang magbabase sa mga ginagawa niya, kundi iniintindi mo ang bawat baluktot ng buhay niya. Ayusin mo yang ugali mo Monica, hindi tama yan!
(Hindi na ako sumagot at umalis na lang ako ng dorm para magpahangin.)
(Kitang kita ko ang mga bata, masayang naglalaro, mga bawat pamilya naglalakad sa isang sulok, at ang bawat magsyota na tila mahal na mahal ang isa't isa.)
Monica: Bakit ang saya saya nila?? Kailanman hindi ko naramdaman ang maging ganyang kasaya!!! Bakit pinagkaitan ako ng pamilya?? Bakit yung mga nagmamahal sa akin niloloko ako at iniiwan?? Kaiwan iwan ba ako??? Ano bang meron sa akin at iniwan nila ako!!!
(Hanggang sa may nakita ako simbahan direretso sa kinatatayuan ko ngayon. Lumapit ako at tinitigan ko lang ang simbahan)
(Walang sawa kong tinitigan ang simbahan at habang nakatitig ako dito ay namumuot at nabubuo ang galit , ang inis sa dibdib ko.)
(Hanggang sa may lumapit na lalaki sa akin. Naka long sleeves siya at tila respetado ang itsura niya.)
Lalaki: Excuse me.... Can I help you??
Monica: Sa tingin mo ba may kailangan ako?? Kung may kailangan ako dapat kanina pa ako lumapit diyan sa loob.
Lalaki: May kailangan ka.. I can feel na may kailangan ka..
Monica: Woww! Hahaha! Manghuhula ka ba??
Lalaki: Hindi. Actually I'm a Youth Pastor. My name is Emmanuel Richards and I can see na may problema ka.
Monica: Wow! Youth Pastor ka?? So nagpepreach ka tungkol sa Diyos??
Emman: Oo! I preach about the Word of God.
Monica: Sabihin mo ngayon sa akin Pastor Emman, kung mahal tayo ng Diyos, bakit Niya tayo sinasaktan??? Hindi ba ang Diyos mapagmahal??? Bakit Niya ako sinasaktan ng ganito??
Emman: Hindi ka Niya sinasaktan Monica. Sometimes God is testing your faith. Yang sakit na nararamdaman mo, galing kay Satan yan. Satan is stealing your joy, killing your peace and destroying your relationship sa mga taong nagmamahal sayo.
Monica: Test?? Hahahha ano ito exam?? Saka bakit ako?? Bakit ko kailangan maexperience ito?? Bakit hindi na lang yung iba??
Emman: Believe me kapatid, lahat tayo nakakaexperience ng test, the best way for us to handle it is by the form of prayer!
Monica: Hahahhaah ang galing mo naman magenglish Pastor. Pero para sa akin, hindi bagay sayo yan! Hindi bagay sayo yang suot mo at yang mga ginagawa mo. Pare pareho lang kayong masasama! Lahat kayo masasama. Kaya wag ka nang maging ipokrito! Bumalik ka na sa dati mong kulay!
(Umalis ako sa harap ng pastor at bago ako tuluyang makaalis ay may sinabi siya sa akin.)
Emman: Kapatid. Marahil hindi ko alam ang pinagdadaanan mo, o ang mga sakit na nararamdaman mo, but I just want to tell you na mahal na mahal ka ng Panginoon. Hindi mawawala yang sakit na nararamdaman mo if you don't surrender yourself to God. Sometimes He is letting you to face that problem alone for you to call Him and accept Jesus Christ as Your Lord and Savior! God Loves you just the way you are, and He will not let you stay on the same path you are right now! He will change you because He loves you. Mahal na mahal ka ng Panginoon kapatid. I hope you understand that.
(Hindi ko na pinansin yung pastor at umalis na lang ako sa harap niya.)
(Tama naman ako diba?? Kung mahal tayo ng Diyos dapat hindi siya nananakit at hindi niya hinahayaan na mangyari ito sa akin. Hindi na ako babalik dito kailanman!!! Hindi na ulet!!)
(END OF CHAPTER 7)
YOU ARE READING
Where Are You
Misteri / Thriller"Nawawala ako! Hindi ko alam kung nasaan ako?? Bakit ba ako nandito?? Ano ba yung purpose ko kung bakit ako pinanganak! Sino ba ako?? Yan ang mga tanong ng mga suicidal na katulad ko! Wala na akong kwenta sa mundo! Walang nagmamahal sa akin! Papano...