Chapter 29: The Birthday Gift

3.3K 81 12
                                    

"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday, twins!"

AS soon as we arrived at Dada and Nana's private house in Guimaras and exchanged hugs and greetings, lahat kami ay naging abala na sa pag-aayos ng party namin ni Ivanah. My parents helped Dada & Nana in preparing the food. Kami namang magkakaibigan ang naghanda sa iba pang mga bagay.

"Dada." Nilapitan ko si dada na abala sa pagbabarbeque. He's all alone few steps away from the pool area. "Kumusta po?" Kinuha ko ang pamaypay sa kanya at ako na ang namaypay habang sya naman ang naglalagay ng sauce.

"Ayos naman kami ng nana mo. Ikaw? Huli na nang mabalitaan namin ang nangyari sayo. Hindi ka man lang nagpaalam." M#y bahid ng pagtatampo sa boses nito.

"Pasensya po talaga, dada. It was chaotic before. Lahat na nangyari masyadong mabilis kaya hindi ko na po kayo napuntahan pa." Inihilig ko nang mabilisan ang ulo ko sa balikat nya para maglambing.

"Di bale na. Tapos na rin naman at nakabalik ka na. Kumusta ka? Kumusta ang mga pagbabago?"

"I think I'm better than before, dada. Ngayon alam ko na kung hanggang saan ang dapat kong gawin. My limitations, kumbaga."

"Mabuti naman kung ganoon. I assume you now understood your parents lalo na ang daddy mo."

Dahan-dahan akong tumango.

"I really thought they blamed me for kuya Alle's death. Hindi ko nakikita na lahat pala na ginagawa nila ay dahil sa gusto nilang protektahan kaming pareho ni Ivanah. Masyado akong nabulag kaiisip na ako nga ang dahilan."

He tapped my head.

"You're a grown-up woman now, Aivanah. Sa estado mo ngayon sa buhay, sa klase ng pag-iisip na meron ka, dapat alam mo na ang mga bagay-bagay. The past has helped you become the person that you are now. Wag mong hayaang maulit ang mga kahapon, okay?"

I nodded amd gave dada a quick hug.

"Salamat po kasi hindi kayo nagsawa sa paggabay sa akin."

"Ikaw pa ba. Eh parang anak ka na namin ng nana mo."

"Did I miss something? Bakit may yakapan na kayo dito?"

Dada and I laughed when Nana caught us. Isinama na lang namin ulit sa isa pang yakap si Nana.

"Miss na miss ko po kayo lalo na ang mga luto nyo." Ani ko sabay higpit ng yakap.

"Sus itong batang 'to talaga. Hala, puntahan mo na muna yung si Tancsc."

"Bakit? Asan po ba sya?" Inikot ko ang tingin. Kanina lang tinutulungan nya si Cosen sa pag-aayos ng maliliit na bombilya na magsisilbing ilaw namin dito sa pool area, bakit parang ang bilis naman ata nyang mawala?

"Baka pumunta sa dalampasigan. Nakasalubong ko sya kanina nang palabas sya."

"Ah, sige nana."

Pansamantala muna akong nagpaalam sa kanilang dalawa at sinundan si Tan sa dagat.

Mabuti na lang at hindi na matarik gaya ng dati ang daan pababa sa dagat. I managed to make it down there in just a few minutes.

Agad kong nakita si Tancsc na naglalaro ng bato sa kamay. Hindi muna ako lumapit. Inenjoy ko muna ang panonood sa kanya.

"Shit!"

I almost jumped in place nang tumunog ang cellphone ko. When I checked who called me, nakita ko ang pangalan nya.

Nakakunot ang mga noo ko habang binabagtas ang espasyong pinagigitnaan namin.

"I didn't know you're already at my back. Tatawagan pa sana kita para papuntahin dito." Ani nya at ibinalik sa bulsa ang cellphone. Ang kanina pang pinaglalaruang bato ay itinapon na nya sa dagat.

That One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon