Chapter 26: Two Years

4.1K 100 6
                                    

Two years later ...

'Vanah, nasaan ka na ba?'

Isang text galing sa kaibigan kong si Parrisue Kath Mendoza, Parri for short, ang natanggap ko habang naiipit sa traffic dulot ng isang aksidente sa kalsada.

'Everyone's here already.'

'Teka wag mong sabihing di ka pupunta ha!'

"Kuya, wala na po bang ibang daan?" Tanong ko sa personal driver kong si Kuya Lendon. Hindi ko na muna pinansin ang texts ni Parri. It's 9:50 in the morning and 10 pa naman ang event.

"Malapit na po, ma'am. Kararating lang po ata ng mga police."

"Hay naku, ang Pilipinas talaga di pa rin nag-iimprove." Tumingin ako sa labas ng kotse kung saan maraming pasahero ng jeep ang pinili na lang na maglakad. Dahil sa mga di naiiwasang aksidente sa kalsada, maraming malilate sa trabaho, maraming schedule ang maapektuhan.

"Malapit na rin naman tayo sa Trigs Malls kuya, diba?"

"Opo, ma'am. After ng crossing po, Trigs na."

Kinuha ko ang purse na nasa tabi ko matapos marinig ang sagot niya.

"Kung ganoon, lalakarin ko na lang po."

"Hala ma'am, nakaheels po kayo tsaka baka madumihan yang suot nyo." May bahid ng pag-aalala nyang turan. I smiled to assure him.

"No, kuya. I can manage. Magkita na lang po tayo mamaya after ng event."

"S-sige po, ma'am."

HINDI ako isang modelo, mas lalo na hindi isang artista para pagkaguluhan ng mga tao pero malaki ang naging epekto ng pagiging fashion icon ko sa social media para makilala nila.

The moment I stepped out of my car, youngsters quickly recognized me. Hindi naman sa pagmamayabang pero sa dalawang taong lumipas, marami akong naging bagong mga kaibigan at mga di-inaasahang fans.

Two years ago, I left the Philippines to fulfill my twin's wish and also to do what I must do for myself. Iniwan ko ang mga kaibigan ko, ang sarili kong pamilya at ang taong mahal ko para ayusin ang sinira kong buhay.

It might sound a bit odd but literally losing yourself is depressing and definitely not healthy. Hindi ko batid sa sarili ko na sa labinglimang taong lumipas matapos mamatay ang kuya Alle, unti-unti ko na palang nabibitawan ang pagkatao ko. I remembered what my psychiatrist, Dr. Matios, told me during one of my consultations.

"You focused too much on other people that you no longer see yourself."

Akala ko noong una, walang masama kung itutuon mo ang buo mong atensyon sa mga taong mahalaga at mahal mo, pero hindi pala. Hindi tama na unahin ang ibang tao, at pabayaan ang sarili.

"You can protect the people you love without isolating yourself from your own protection."

Dapat pala na isipin din natin yung ating nga sarili. Ang buhay na meron tayo ay biyaya at hindi lahat nakakatagal sa mundong ito. Taking so much risks for other people is never good. Lahat ng sobra ay hindi tama. Selfless risking for others is enough to entirely lose yourself.

"You think that everything about them is what matters to you- that their happiness is your happiness, too. Little did you know, yourself will never be satisfied."

Dr. Matios kept on reminding me that true happiness is happiness from within. Hindi raw sapat na napapasaya ko o naprorotektahan ko ang ibang tao nang di man lang inaalala ang sarili ko.

That One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon