Chapter 17: Days to Remember

3.9K 115 4
                                    

Our first day went by so smooth. We spent the whole day on dada's private resort. We had barbeque party at night. Nagyaya rin si Winey na magswimming sa dagat kaya kahit na nanyeyelo ang lamig ng tubig, sinamahan namin sya. We all enjoyed the coldness of the water under the dark sky except for Cose na nasa buhanginan lang, tahimik na nakaupo. Tan was also not around. Matapos maghapunan kanina ay nauna ito sa silid nya.

We stayed for two hours outside at malapit nang mag-alas-onse ng gabi nang maisipan naming magpahinga.

According to dada, we will be having a long day for our second day here kaya mas mabuti raw kung wag muna naming sagarin ang aming mga sarili sa tubig dagat.

Even though we went to bed by 11 in the evening, I was not able to sleep easily. My mind's still thinking about the situation I'm at. Naguguluhan ako sa kung ano ba ang dapat kong gawin. For the past 15 years, I've been very careful in everything that I do. Ayokong magkamali. Ayokong makasakit ng tao. Ayokong magkaproblema. Sa loob ng labinglimang taon, nagawa kong mabuhay nang walang inaagrabyadong tao .. but why does the situation right now makes me feel like I am stepping on my twin? Tan's existence in my life confuses me. Kung bakit kasi sa lahat na pwede kong makasama ng gabing yon, bakit ex pa ng kambal ko? It all started that night. Kung di dahil sa nangyari, hindi sana ako naguguluhan ngayon.

WE woke up earlier the next day. Alas-syete pa lang ng umaga ay tapos na kaming mag-almusal. Lahat ay eksayted na sa mga lugar na aming pupuntahan.

"Handa na ba ang lahat?" Dada asked while ordering two of his people to take our bags on the van. "Kulang ng isa ah?" I looked around us to check who is not yet down.

"I'll call Tan." Ani ko nang mapansing wala pa sya. "Mauna na po kayo dada sa sasakyan. Susunod kami."

"Sige, Aivanah. You guys double-time, okay? Baka matagalan sa paghihintay ang bamgkero natin. " Tumango ako bilang sagot at umakyat na sa taas.

Habang naglalakad papuntang silid ni Tan, di ko mapigilang kabahan. We haven't talked ever since that confrontation in the beach yesterday. Hindi ko alam kung paano ko sya haharapin o kakausapin ngayon.

I knocked on the door three times. Wala akong sagot na natanggap kaya sinubukan kong buksan. Thankfully, it's unlock.

My forehead knitted when I saw him lying on his bed while watching a movie on the flat-screen television.

"Anong ginagawa mo?" I raised my brow while crossing my arms. Nakatayo lang ako sa pintuan.

"Isn't it obvious? I'm watching." He pointed the television. Anong klaseng arte na naman itong pinapakita nya? Why does he sound so frigid?

"Narinig mo naman siguro ang sinabi ni dada kanina diba? We are going island hopping at 8am. Past 7 na kaya dapat nakaayos ka na."

"I know. I heard him say that."

Dinilaan ko ang mga labi ko dahil sa inis. The way he answers me is pissing me off.

"Why are you sulking right now? Para kang bata. Tumayo ka na nga dyan at mag-ayos. Everyone's waiting for you." Nilapitan ko sya sa kama nya at inagaw ang remote ng TV. I turned it off.

"Why did you turn that off?"

Fuck the cold treatment!

"Tumayo ka na dyan at magbihis." I demanded. Umupo ako sa silyang nasa gilid. Nakacross pa rin ang mga kamay.

"Ayoko. Hindi ako sasama."

"What?" My eyebrows met. "Anong hindi ka sasama?"

"Hindi nga ako sasama." He stood up from his bed and tried taking the remote control from me. Inilayo ko ito sa kanya. Tumayo na rin ako.

That One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon