Chapter 3: Sine

5.4K 140 9
                                    

Magdadalawang linggo na akong nakakulong sa silid ko. Lumalabas lang naman kasi ako tuwing magpapasama si Wine na magshopping o mamasyal sa mall. Kung nasa bahay naman ako, di ako masyadong lumalabas sa sala dahil palaging may bisita si Ivanah. Our parents are always in the company. May sarili kompanya kasi ang pamilya namin na ipinamana pa kay Daddy ng kanyang lolo (it's a company that produces canned goods in and out of the country; Cofer CGs). Tuwing gabi ko lang naman sila nakikita. Minsan, nakakasabay namin sa hapagkainan pero kadalasan ay di na. Pero mabuti na rin na di kami nagkakasabay. Nauuwi lang kasi sa sagutan pag nagsasama-sama kaming apat.

Kung masyado naman akong bored sa kwarto ko, naiisipan kong magswimming sa pool area basta walang ibang tao.

However, kahit na Sabado ngayon at alam kong may mga bisita na naman si Ivanah, hindi ako pwedeng manatili dito sa kwarto. Today is Dada's birthday. I need to buy him a cake and gift.

Nag-ayos na ako ng simpleng suot na babagay sa mainit na panahon ngayon. I wore a white romper with straight locks. Simplehan lang ang dating pero malakasan ang vibes ng suot ko. Nag- apply na rin ako ng very light make up.

As soon as I opened my room's door, ang ingay na nagmumula sa sala ang unang sumalubong sa akin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


As soon as I opened my room's door, ang ingay na nagmumula sa sala ang unang sumalubong sa akin. They're having a movie marathon. Sa tingin ko mga kaklase ito ni Ivanah. Nasa anim ata lahat sila na nasa sala ngayon, apat na babae at dalawang lalake. Di ko pa bilang yung ibang nagswi-swimming sa pool area.

Kung may ibang daan lang sana papuntang labas ng bahay ay doon na ako dumaan para di ko na kailangan pang makita ang mapanghusgang tingin ng mga kaibigan ni Ivanah.

Nangangalahati pa lang ako sa hagdan ay agad ko nang narinig ang pagtawag ni Ivanah.

"Aivanah! Where are you going? Are you out for another trouble again?" Pinigilan ko ang sarili kong sumbatan ang kakambal ko. Minsan talaga sumusobra na rin itong isang to eh. Pasalamat sya at masyadong maganda ang gising ko ngayon.

"Yes, twin. Why? Wanna come with me?" I smirked. Buti lang talaga at wala sina dad kundi baka ako na naman ang makawawa. "Just kidding." I smiled at her at inikot ang tingin sa mga kaibigan nya. "Oh, don't mind me guys. It's just me, Aivanah." I waved goodbye to Ivanah at dumiretso na ako sa garahe.

My forehead knitted when there are no cars in the garage. Pumasok ako ulit sa bahay at dumiretso kay Nana na busy sa paghahanda ng pagkain.

"Nana, bakit wala sa garahe yung kotse ko?" I asked. Apat ang kotse sa bahay na to. Tig-iisa kami.

"Ha? Wala ba? Teka." Nana called Ivanah's attention. Lumapit si Ivanah sa amin.

"Oh, yes. I forgot. I let my friend borrow it for a while. They went out to buy some crackers and drinks." Nawala ang ngiti ko sa sinabi niya.

"You didn't ask for my permission, Iv." May inis sa boses ko.

"Ops, do I have to?" Muli kong pinigilan ang sarili ko. She's really getting on my nerves!

That One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon