Chapter 23: Fall

3.6K 100 14
                                    

DALAWANG araw na ang nakalipas matapos kung sabihin ang lahat na tinatago ko kay Tan. Sa nagdaang mga araw, di ko sya nakita. I haven't heard of his whereabouts. Hindi ako sigurado kung anong klase ang epekto ng pag-amin ko sa kanya. I just hoped that everything now will be fine.

Kasalukuyan akong nakaharap sa computer sa office table ko nang biglang magvibrate ang cellphone ko sa mesa. I checked who sent the message. Umarko ang kilay ko ng makita ang pangalan ng kambal ko.

'Let's talk. Meet me in the lobby.'

Nandito sya sa kompanya?

"Nababaliw na ba sya?" Di ko mapigilang itanong sa cellphone na hawak ko. Wala pa ring nakakaalam na Cofer ako at lalong-lalo na wala akong sinasabihang may kambal ako dahil kailangan kong itago ang pagkatao ko.

Tumipa ako ng sagot sa kanyang mensahe.

'Meet me outside of the company. Please don't come here. No one knows I am a Cofer!'

Isang minuto pa lang ang nakalipas nang agad syang makasagot.

'Now they know.'

What the fuck!

Mabilis pa sa kabayo akong tumakbo palabas sa departamento namin. Nakasalubong ko si Cose sa daan pero di ko sya nagawang lingunin nang tawagin nya ang pansin ko.

Dad has not given me the signal yet. Hindi ako pwedeng makilala ng mga empleyado ng Cofer unless he tell me to introduce properly. Bwisit. Ano na naman itong ginagawa ni Ivanah? Is she trying to pull some stunts to ruin me again? Ugh.

"Ma'am Aivanah!" Pagkalabas na pagkalabas ko ng elevator sa lobby, agad kong narinig ang pangalan ko. I looked around to see who's calling me. My jaw dropped and my heart started beating so fast when I realized it wasn't me whom they're calling.

Halos lahat na malapit sakin na empleyado ay nakatitig sa babaeng kapapasok lang ng kompanya.

Ivanah's wearing a dress that best distinguishes me from her. Looking at her from afar, I couldn't tell who is who.

"Will you stand there forever?" Her voice raised in irritation nang tingnan lang sya ng isa sa mga empleyadong napadaan sa lobby. Hindi ko pa makita kung sinong empleyado yun pero malaki ang pakiramdam ko na kilala ko iyon.

"Woah!" The guy raised his both hands in surrender. Kumunot ang noo ko sa ginawa nya pero mas kinabahan ako nang bigla itong natawa sa harapan ni Ivanah. "Wow! Ibang klase. Mapapaniwala mo akong brat ka sa pa-english na yun ha." That voice .. fuck! Si Warren!

"What?" tumaas ang kilay ng kakambal ko. "Don't you know who you're messing with?" Imbes matakot, natawa pa lalo si Warren.

"Whatever, Aivanah. Late ka na sa trabaho ah? Tara, sabay na tayo." Pabirong itinapon ni Warren ang braso nya sa balikat ni Ivs.

"GET YOUR FILTHY HAND OFF ME!" Sigaw nito na nagpatigil sa paggalaw ng mga empleyado sa paligid. Kahit na si Warren ay nagulat din sa pagsigaw nito. He moved backwards. Napapailing itong napakamot sa ulo.

"M-may problema ka ba?" He asked in an annoyed tone.

"You." Nakataas ang kilay na sagot ni Ivs.

"Aivanah, akala ko ba okay--"

Hindi ko na pinatagal pa ang eksena. This must be stop.

Nilampasan ko ang mga ususera't ususerong nanonood sa animo'y pelikula. When they saw me, I heard gasps and whispers.

"Warren." Pagtawag ko sa kanya. When he turned to see, his jaw dropped. Pabalik-balik ang tingin nya sa aming dalawa ni Ivanah.

"A-anong--"

That One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon