Chapter 25: A Kiss, A Kiss

4K 109 5
                                    

DALAWANG araw makaraan matapos akong makalabas ng ospital, bumalik na sa States sina daddy at mommy. Gustohin man nila ay di sila maaaring magtagal sa Pilipinas dahil may kompanya silang pinapatakbo.

Dad also ended my assistantship in the marketing department. Lahat na mga files na nagawa ko ay ipinasa ko na kay Cose para wala sing maging problema. Tinapos na rin nya ang special project ko with Trigs Malls at inilipat na ito sa isang bagong team sa Cofer. Winey also resigned from her work. Hindi lang ako sigurado kung dahil kay dad o may ibang rason kung bakit umalis sya.

Now, she's looking for a new job. Binabalak nya sa katunayang magtayo na lang ng sarili business pero natatakot syang baka di nya makaya. Her adoptive parents can help her financially but she's scared she'll drag the money down.

"Sigurado ka bang kaya mong mag-isa rito? We can call for Igs you know." Ngayon, lalabas si Winey para kitain ang kaibigan daw nya. She'll leave me in our condo for the whole day.

"Ano ka ba. Okay lang ako. Wag na nating abalahin si Igon. May trabaho pa yung tao eh."

"But you can't still move your right arm tsaka medyo di pa ayos yang paglakad mo. Baka maaksidente ka kung ikaw lang mag-isa." Napabuga ako ng hangin sa sinabi nya.

"You're overreacting, Wine. I'm fine. Tsaka di naman ako masyadong maggagagalaw."

"You sure?" I nodded and pushed her out of my bed. "Go now baka kanina ka pa hinihintay ng kaibigan mo." she sighed in defeat.

"Fine. Call me if anything happens, okay?" I nodded. Sinundan ko ng tingin ang paglabas nya ng silid ko. When I heard the door opened and closed, bumalik na ako sa paghiga.

Looking back at the past days, masyadong maraming mabibilis na pangyayari. I already settled with my parents. Ivanah and I have talked about our issues. She said what she wanted to say. Kung titingnan, mukhang maayos na ang lahat sa pamilya ko .. all because Tan told them about everything.

After that night kung kailan inamin ko lahat na nangyayari sa buhay ko, lahat na nararamdaman ko, hindi na kami ulit nagkaroon ng panahong mag-usap ulit. The last time I saw him was when I woke up after the accident. The next days that followed, hindi na sya nagpakita. I don't exactly know what happened to him after the accident but dad told me he went back to the States for some business affairs.

I want to text or maybe call him ever since I got better, but I couldn't muster up the courage to do it. Gusto kong pasalamatan sya. It was all because of him- dahil sa ginawa nyang pagkausap sa pamilya ko, nagkaroon ng ilaw at naliwanagan ang lahat.

"I miss you." Bulong ko habang nakapikit ang aking mga mata.

Seconds later, I heard the beeping of my phone. Someone has sent me a message. I checked where it came from and swear, nakalimutan kong may pilay ang katawan ko nang agaran akong bumangon.

"Shit!" I cussed in pain. Nang medyo mawala na ang sakit, binalikan ko ang cellphone ko at binuksan ang text mula kay Tan.

'I DON'T KNOW WHAT'S  YOUR FAVORITE FLAVOR.'

What is he saying? Ang random naman nitong text. Did he missend? Kunot-noo akong nagtipa ng tanong.

'What flavor are you talking about?'

'ICE CREAM.'

'Ice cream?'
'Hmm .. I love cookies'n'cream'

'COOKIES N CREAM THEN'

Why is he talking about ice cream now?

That One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon