#4 - Tagahanga

37 3 0
                                    

Tagahanga. Ako'y isang hamak na tagahanga mo lang
Habang ikaw ay nandoon sa entablado nakatayo
Ako nama'y nandito, nanonood mula sa malayo

Idolo. Ikaw ay aking iniidolo
At hindi ko mawari kung bakit sa dinami-dami ng mga taong naroroon sa kinatatayuan mo, ikaw ang napansin ko
Naghaharumentado itong puso sa galak nang iyong hinawakan ang mikropono.

Awitin. Sa saliw ng iyong awitin lahat ng tao'y napatayo
Namangha ang lahat, at ako'y kasama roon
'Di ko alam kung bakit kinikilig, samantalang hindi lang naman ako ang inaawitan mo.

Pag-ibig. Nang dahil sa iyong awitin, ako'y iyong napaibig
Sa simpleng kumpas ng iyong mga kamay kasabay ng pagbuka ng iyong mga labi, ako'y hulog na hulog na
Bakit ganito? Hindi kita lubusang kilala ngunit ang puso ko'y tila ikaw ang matagal ng hinahanap.

Nakakatawa. Nakakatawa dahil simula noong una kitang nakitang umawit, iyong mukha't pustora ay hindi na maalis sa isipan ko sinta.
Nakakatawa dahil ako'y palaging andiyan sa tuwing umaawit ka sa iba't ibang lugar
Tunay nga, na ako ay iyong tagahanga.
Tagahangang alam kong hanggang dito lang, sapagkat napakalayo ng agwat nating dalawa.
At kailanman, mga linya natin ay hinding-hindi magtatagpo, anuman ang gawin ko.
Ngunit huwag mag-alala, sapagkat ako'y mananatili rito
Hinding-hindi magsasawang makinig sa mga awitin mo.

Verses and Phrases (Tagalog and English Poems Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon