Naaalala ko pa, mahal
Mga sandaling ikaw'y kapiling
Mga katagang binibitawan mo, na sa aki'y nagpapaligaya
Na nagpapatunay na ako ay mahal mo
Ngunit lahat ng iya'y, naranasan ko lang
Noong minsang naging tayo.Mahal, alam kong katuwaan lang
Pero itong puso ko'y tumitibok ng totoo
Mahal, alam kong masasaktan ako sa huli
Ngunit akin paring pinilit, sapagkat mahal kita
Mahal kita, kaya pinatos ko na
Bahala na. Basta ba't maranasan ko
Na kahit minsan, ay maging tayo.
BINABASA MO ANG
Verses and Phrases (Tagalog and English Poems Compilation)
PoetryThis is a compilation of poems (tagalog and english) personally made by yours truly. Please be guided that this is random, so basically, wala po talaga siyang theme. Depende kung ano 'yung pumasok sa isip ko, 'yun po talaga ang naisusulat ko.