#5 - Larawan

51 2 0
                                    


Hawak-hawak ko na naman
Itong iyong kupas ng larawan
Nagbibigay tuwa sa puso kong wasak
Pinagmamasdan ito, habang luha'y pumapatak.

Nakangiti ka habang hawak-hawak mo ang isang bulaklak
Ako ay napapangiti, napupuno ang puso ng galak
Ngunit, naalala ko, wala ka na pala
Napatawa ako ng mapakla, ang sakit, ang sakit-sakit.

Nasaan ka na mahal?
Bakit mo ako iniwan?
Larawan mo na lamang ba ang pupuno sa alaala?
Alaalang, hindi na madudugtungan pa.

Verses and Phrases (Tagalog and English Poems Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon