Nandirito na naman ako mahal
Nag-iisa, sa lugar kung saan kita unang minahal
Sa lugar na pinuno natin ng saya
Pero pinuno rin ng lumbay at pighati.Nasaan ka na?
Naaalala mo pa kaya?
Masaya ka ba?
Masaya ka na ba?
Kasi mahal, ako hindi.Taon na rin ang lumipas
Ngunit itong puso ko'y ikaw parin ang laman
Pinipilit ko naman
Ngunit tanging hindi ko lang talaga kaya.Sa bawat taong nakakasalubong ko
Mga ngiti mo ang pilit na hinahanap ko
Sa bawat taong nakakausap ko
Boses mo ang nais marinig.Hanggang ngayon,
'Di ko pa rin tanggap
Bakit ba biglaan ang iyong paglisan?
Ni hindi ka man lang nagbigay ng paalala.Pero ano pa nga ba ang magagawa ko?
Nangyari na ang nangyari
Sana masaya ka na
Diyan sa mundong wala ako
Sa mundong kapiling Siya.
BINABASA MO ANG
Verses and Phrases (Tagalog and English Poems Compilation)
PoetryThis is a compilation of poems (tagalog and english) personally made by yours truly. Please be guided that this is random, so basically, wala po talaga siyang theme. Depende kung ano 'yung pumasok sa isip ko, 'yun po talaga ang naisusulat ko.