Nakita kita, pinagmamasdan siya
Masakit, sapagkat mahal kita
Nakita kita, nakangiting mag-isa
Napatawa ako ng mapakla, marahil iniisip mo na naman siya.Nakita kita, nagdadalawang-isip kung siya ay lalapitan mo ba
Tila nilakumos itong puso ko sa sakit, mahal mo nga
Nakita kita, kinakausap mo siya
Kinakausap mo siya ng may ningning sa iyong mga mata.Nakita kita, tumatawa habang kausap siya
Tumulo ang aking mga luha, sana'y ako na lang siya
Nakita kita, hinalikan mo siya
Tila may itak na biglang tumama sa puso ko, tila mawawasak na.Mahal mo siya
Nakikita ko, nakikita kita
Puso ko'y wasak, luha'y 'di papaawat sa pag-agos
Parang may mga palasong tumama, tagos na tagos.Mahal kita, mahal mo siya
Nakikita kita, ako ba'y nakikita mo din?
Sa tingin ko oo, nakikita mo ako
Pero walang saysay, sapagkat ang tinitibok ng puso mo ay walang iba, kundi siya.
BINABASA MO ANG
Verses and Phrases (Tagalog and English Poems Compilation)
PoëzieThis is a compilation of poems (tagalog and english) personally made by yours truly. Please be guided that this is random, so basically, wala po talaga siyang theme. Depende kung ano 'yung pumasok sa isip ko, 'yun po talaga ang naisusulat ko.