#11 - Hindi ko Mawari

18 2 0
                                    


Hindi ko mawari
Kung bakit katahimikan ay naghari
Sa pagitan nating dalawa
Nawala ka ng biglaan at tila nagsawa.

Hindi ko mawari
Ikaw'y inibig ko ng may puri
Inisip ko mula umpisa
'Di ko talaga mawari kung bakit nagtapos.

Atensyon ko sa'yo nakatuon
Ni hindi ako lumingon
Ngunit bakit sa aking pagpikit at pagmulat
Ikaw'y biglaang nawala, di na maabot.

Bigla-biglaan kang nanlamig
Pati boses mong minsa'y kay lambing ng himig
Hanggang sa tuluyang bumitaw
Ako parin ay nakatanaw.

Mahal, ano ang aking nagawa?
Bakit biglaan kang nagsawa?
Binigay ko naman lahat ng kaya ko
Hindi parin ba sapat ang lahat ng ito?

Mahal, hindi ko talaga mawari
Kung bakit ganoon ang nangyari
Lahat ng pagmamahal, sa iyo inialay
Ngunit bakit tila lahat walang halaga?

Hindi ko na alam, mahal
Sumuko ka na, pero kaya ko pa
Pero dahil nakikiusap kang huwag na
Sige. Sige, ako'y mamamaalam na.

Sana'y maging masaya ka na
Sa buhay na tinahak na wala ako
Mahal kita kaya pinapalaya na kita
Sana'y maisip mo pa rin ako, sinta.

Verses and Phrases (Tagalog and English Poems Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon