Nakangiti habang nakapikit ang mga mata
Sapagkat iyong mukha ang nasa alaala
Hawak-hawak at ipinapatugtog ang iyong gitara
Habang sinasabayan ng malamig mong pagkanta.Ngunit unti-unting napalis ang mga ngiti
At napalitan ng mumunting hikbi
Iminulat ang mga mata
At sa gilid nakita ang iyong gitara.Bakit mo ako iniwan mahal?
Bakit hindi tayo nagtagal?
Bakit ipinagkait sa atin ang saya?
Bakit napakapait maiwan ng mag-isa?Itong gitara mo na lamang ang siyang aking alaala
Gitarang ginamit mo sa tuwing ako'y hinaharana
Ako'y nalulungkot sa iyong paglisan
Ngunit anong magagawa kung ito ang ating tadhana.
BINABASA MO ANG
Verses and Phrases (Tagalog and English Poems Compilation)
PoesíaThis is a compilation of poems (tagalog and english) personally made by yours truly. Please be guided that this is random, so basically, wala po talaga siyang theme. Depende kung ano 'yung pumasok sa isip ko, 'yun po talaga ang naisusulat ko.