A story of friendship, love and acceptance.
Ako si Sam, short for Samantha, ang nag-iisang babae sa aming tatlong magkakaibigan. Kung merong 3-in-1 na kape, kami ang 3-in-1 na magkakaibigan.
Ako ang creamer, ang nagpapasarap sa kape. Pwedeng wala nito, pero mas masarap pa rin kung meron. Sabi nga ng nakakakilala sa amin, ako raw ang pambalanse sa kanilang dalawa. Kung bakit? Alamin!
Ang ikalawang ingredient ay si Kurt, ang asukal. Ano ba ang lasa ng asukal? Di ba matamis? 'Yan si Kurt, sweet. My friend with the sweetest smile and sweetest personality. Siya na yata ang pinakamabait at pinakagwapong lalaki na nakilala ko. Spoiled ako sa kanya eh, kaya naman crush ko siya (ssshhhhh! quiet lang kayo, secret lng natin 'to ah?) di tulad ni Nico.
Opo, si Nico ang ikatlong sangkap. At ano pa ba ang kailangan sa pagtimpla ng kape maliban sa creamer at asukal? Yes, you got it! Ang kape. Ang kape na bitter. At oo, si Nico nga ang bitter sa aming tatlo. Si Nico na bitter sa kanyang first love, palaging mainitin ang ulo, rebelde sa magulang at parang palaging pasan ang mundo.
Kaming tatlo ang 3-in-1 bestfriends. Ako na ang pangalan ay Sam, si Kurt at si Nico. Siguro nagtataka kayo kung paano kami nabuong tatlo, no? And again, alamin sa mga susunod na kabanata. Magpapakilala rin kami isa- isa. At ito ang aming kwento...
BINABASA MO ANG
To hold or to let go
RomanceA story of a promise, friendship and love between three friends. What will happen if they broke the promises they once made? If someone fall for the other? Will they hold on to what they believe in called friendship? Or will they let go and grab the...