Valentine Ball: My First dance (Kurt's Point of view)

15 1 0
                                    

Nakasabay ko papasok si Lia, ang secretary ko sa SSG. Wala rin siyang kadate kasi nagkasakit yung date niya sana kaya dito na lang sa table namin ko siya pinaupo.

Muntik na akong malate kasi pumunta pa ako sa bahay nina Sam. Balak ko kasing sorpresahin siya. Balak ko ring yayain siya para makadate ko. Pero hindi ko nagawa kasi may nauna na pala sakin. Naging busy kasi ako these past days para sa ball at pati na rin sa retreat ng seniors. Hindi ko na siya naaasikaso.

Parang bumigat nga yung pakiramdam ko nung nalaman kong iba ang kadate niya. Okay lang sana kung si Nico, pero hindi. Yung stalker niya pa.

FLASHBACK

Hindi muna ako dumiretso sa ball. Tumigil ako sa may playground sa loob ng village nina Nico at Sam. Umupo ako sa swing kung saan una kong nakilala si Samantha. Inaamin kong nasaktan talaga ako nang nalaman kong hindi niya ako hinintay na tanungin siyang maging date.

Pinangako ko pa naman sa sarili ko na siya lang ang ididate ko sa huling ball na dadaluhan ko.

At hindi ko alam kung bakit ganito ako kaapektado. Kung tutuusin, simpleng bagay lang yun pero para sakin hindi. Si Sam kasi ang pinakaespesyal na babae sa buhay ko. Wala nang iba. Mahal na mahal ko ang babaeng yun. Naiintindihan ko na hindi niya na ako nahintay pero masakit pala.

Mga ilang sandali pa akong nanatili sa playground. Kinapa ko ang phone ko para tawagan ang co-officers ko kung ready na ba ang lahat pero naiwan ko pala sa kotse. Kaya naglakad na ako papuntang kotse.

Kinuha ko muna ang phone ko bago ko paandarin ang kotse. Nakita kong may mga missed calls si Sam. Binasa ko rin ang mga text niya. Nandun na sila. Pinaandar ko na ang sasakyan.

END OF FLASHBACK

Hindi rin nagtagal pagkaupo namin nagsimula na ang program. Napapansin kong palaging tumitingin sa direksyon ko si Sam. Maya-maya pa, nag-setup na yung bandang tutugtog ngayong gabi. Tatayo na sana ako para yayain siyang maging first dance pero biglang tumigil ang tugtog at may nagsalita...

“I dedicate this song to my date, Ms. Samantha Florencia."

Nagsimula na siyang kumanta. At sa isang saglit, sinasayaw niya na si Sam. Siguro masayang- masaya siya ngayon dahil napansin na siya ni Samantha. Hindi ko alam kung bakit niya palaging sinusundan si Sam pero ang alam ko lang, hindi safe ang kaibigan ko sa kanya.

Tumayo ako at naglakad papunta sa kanila. Hindi nila ako nakita kaya tinapik ko siya sa likod. Wala na siyang nagawa kaya binigay niya na lang sakin ang kamay ni Sam.

Sinasayaw ko siya ngayon pero wala pa rin sa amin ang nagsasalita. Ngayon ko lang napansin kung gaano siya kaganda ngayon. Ibang-iba ang ayos niya ngayong gabi kaysa sa karaniwang Samantha na nakikita ko araw-araw.  She’s neither pretty nor beautiful. She’s also not gorgeous. All I can say is, she’s stunning! Siya na siguro ang pinakamagandang babae ngayong gabi.

“Kurt...ah...”

Tinitigan ko siya. “I'm sorry, Samantha."

"Bakit? Kurt, ang alam ko kasi ako ang-"

"I'm sorry kasi hindi ako ang naging date mo ngayon. Hindi rin ako ang first dance mo ngayong gabi. I'm sorry dahil nahuli ako." Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya. It’s as if there’s something about her eyes that makes me feel uneasy.

"Huwag ka ngang ganyan. Ako ang dapat nagsosorry sa'yo kasi hindi ko nasabing may date na ako. Sobrang guilty na ako kanina kasi ang tagal mong dumating. Akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo. Tapos pagdating mo parang wala lang nangyari. May kasama ka na rin palang date. Kinokontak kita pero hindi ka sumasagot. Tinawagan ko na nga si mama kaya nalaman kong dumaan ka sa bahay. I'm sorry, Kurt." Nagulat ako sa mga sinabi niya. At nakita kong umiiyak siya. Iyakin talaga ‘to kahit kailan. Huminto muna ako para punasan ang mga tumulong luha.

Ang hina talaga nito. Paano na lang kapag nawala na ako?

"Tama na. Ayokong umiyak ka dahil sakin. Huwag mo nang isipin yung kanina. Last year na natin 'to dito kaya gusto ko maging masaya ka. Huwag ka nang umiyak. Ang ganda mo pa naman ngayon tapos sisirain mo lang ng luha mo. I'm sorry kung pinag-alala kita. Hindi na mauulit. Tahan na." Hala. Naiyak pa lalo. Alin ba sa sinabi ko ang nakakaiyak? Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko. Naisip ko na lang gawin ang palagi kong ginagawa kapag umiiyak siya. I hugged her.

Napakaiyaking bata. Kaya hindi ko ‘to iiwan kasi ako lang ang nakakapagpatahan sa kanya. "Huwag ka nang iiyak ulit sa harap ko. Pumapangit ka kasi. Baka pagsisihan ko pang minahal kita."

Napalayo ako sa kanya nang tapakan niya ang paa ko. Masakit kaya yun. Naasar ata. Namalayan ko na lang, hindi na siya ang kasayaw ko.

To hold or to let goTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon