Samantha’s POV
“Samantha Florencia, I think I had a crush on you.”
Papatayin kita Niccolo! Anong karapatan mong ipahiya ako ng ganito?! Nakakainis ka talaga! Dinamay mo na naman ako!
Namalayan ko na lang na naputol ko na pala yung ballpen kong kanina ko pa hawak-hawak.
Kinakantyawan na kami ng mga kaklase ko. Yung iba naman na kaklase kong babae ay halos mamuti na ang mata kakairap sakin. Hindi ba alam ng lalaking ito na dinala niya ako sa kapahamakan sa sinabi niya?!
Sigurado akong magiging tampulan na kami nito ng tukso ng mga kaklase ko. Sigurado rin akong mainit na ang dugo sakin nitong bakla naming teacher. At sigurado rin akong kakalat sa buong school ang mga sinabi niya!GRRRR!!! Siraulo talaga ang lalaking ‘to. Imagine, naisip niyang idamay ako sa kalokohang ‘to para hindi siya mapahiya? Napaka!
Sa sobrang pag-iisip ko kung paano ko magagantihan mamaya si Niccolo, hindi ko na namalayan na tapos na pala ang klase. “Sam, huwag mo masyadong isipin ang mga sinabi ni Nico.” Tinapik ako ni Kurt. Siguro napansin niya na rin na masyado akong naapektuhan. Pwes, magkukunwari na lang akong walang nangyari at wala akong narinig. Tama! Magkukunwari na lang ako para hindi ako maasar ulit ni Nico. “Ha? Alin ba yun? Hindi ko kasi narinig,” pagsisinungaling ko.
“Ganun ba? O siya, basta huwag mo nang patulan si Nico, ha? Sigurado akong gusto ka lang niyang asarin.”
“Oo naman. Tsaka wag kang mag-alala, wala akong narinig.” Kung akala mo Niccolo bright idea na ‘yang naisip mo, NAGKAKAMALI KA!
"Kaya pala naputol mo na yang ballpen mo, o!" tinuro niya yung kamay ko na marami nang mantsa ng tinta. Naku naman! Bakit ba hindi ko namalayan?! Dali- dali akong pumunta ng C.R. habang wala pa yung susunod na teacher.
Hinugasan ko ng mabuti yung kamay ko para mawala yug tintang kumapit na dito. Pagkatapos ay pumasok ako sa isang cubicle para umihi. Palabas na sana ako nung narinig kong may pumasok at guess what, pinaguusapan nila si Nico at... ako?! Sa pagkakarinig ko taga- kabilang section sila. Sinasabi ko na nga ba at kakalat yun sa buong campus. Ang tsismis nga naman parang tinta lang ng ballpen, ang bilis kumalat.
Hindi muna ako lumabas at nakinig muna sa usapan nila. Alam kong hindi tama ang ginagawa ko ngayon pero tama rin ba na pag- usapan ang tao habang hindi nila alam? Well, alam ko pero hindi pa rin tama. At hindi lang basta pag-uusap ang ginagawa nila. Sinisira nila ang pangalan ko. Sabihin ba namang malandi ako? At kay Nico puro lang magagandang salita? Eh sino kaya ang malandi sa'min???
"Bakit ba kasi sa kanya pa ngka-crush si Nico? As in Duh! Hindi pwede! Akala ko ba bestfriends lang sila? If I know, ginagamit niya lang ang pagiging bestfriends nila para mas mapalapit pa siya dito."- girl 1. Tama ka. Magkaibigan lang kami!
"Ang gwapo gwapo ni Nico. Marami naman sa kanyang nagkakagustong magaganda pa kesa dun sa Samantha na yun pero bakit? Bakit? Hindi sila bagay!"-girl 2. Hindi talaga kami bagay kasi nga wala naman talagang meron samin!
"Balita ko isa pa lang daw ang naging girlfriend ni Nico, eh. At hindi pa raw siya nakakamove on. I think magiging rebound lang siya." OO! hindi pa siya nakakamove on sa first love niya kaya tigilan niyo na ang patsitsismis samin!
Hindi ko na kaya 'to! Bigla akong lumabas sa cubicle at nakita ko sa mga mukha nila ang pagkagulat. O, ano, Tameme kayo ngayon? Nganga na lang? Kanina eh ang dadaldal niyo tapos ngayon parang natahi na mga bibig niyo?
Tinitigan ko isa isa ang mga mukha nilang parang kinakabisado lahat ng hugis, laki at haba ng pores, wrinkles at pimples nila. Siguro naman nahihiya na sila sa pagbabackstab sakin. Tama ako , taga-ibang section nga.
"Mga walang magawa!" yun lang ang sinabi ko at lumabas na ako ng C.R. Kalokang mga froglets! Bumalik na ako sa classroom na parang walang nangyari.
Mabuti na lang wala pa yung teacher namin sa sunod na subject. Tinanong ako ni Kurt kung bakit ang tagal ko sa C.R. "Ang dami kasing palaka dun. Nakakapagtaka nga, hindi naman maulan pero nagkalat ang mga palaka. Mag-ingat ka Kurt. May katabi ka rin palang palaka riyan, eh." sabay turo sa palakang tulog na katabi niya. Alam niyo na siguro kung sino.
Nang mag-lunch break nagpaalam sakin si Kurt na mahuhuli raw silang kumain kasi may meeting pa sila ng co-officers niya sa SSG. Iba na talaga kapag officer, napaka-busy. Kasama niya si Nico na officer din. Akalain niyo yun, isa po siyang Auditor. Nagtataka nga ako kung bakit binoto siya ng schoolmates ko eh ang tamad tamad niya naman.
Pinauna niya na lang akong kumain. Kaya kasama ko ngayon sina Alice, Ella at Annie, ang aking girlfriends. O, diba hindi po ako loner sa school. Aside from my two bestfriends, marami rin akong girlfriends. Hindi sila tulad ng mga froglets na yun na ang aarte. Hindi rin nila ako hinuhusgahan. In fact, close rin sila kay Kurt pero ilag sila kay Nico.
Bestfriends sila Ella at Annie simula pa elementary. Si Alice naman nakilala ko nung sabay kaming magtake ng entrance exam dito sa SDA (St. Damiane's Academy).
Nakaabot na rin pala sa kanila yung nangyari kanina. Pero syempre kinwento ko sa kanila yung buong pangyayari kaya hindi na nila ako tinukso. Tsaka sa simula pa lang nang magkakilala kami nung 1st year eh klaro na sa kanilang magkakaibigan lang kaming tatlo nina Nico. Pero alam rin nilang may konti akong pagkacrush kay Kurt.
Kung di po niyo natatanong, si Ella at si Annie ay may gusto din kay Kurt. At si Alice naman ay kay Nico. Kinukumbinsi ko nga siyang mali ang napili niyang lalaki pero nagbubulagbulagan. Iba rin ang tama ng isang 'to kay Niccolo. Pero hindi ko rin siya masisisi. Niccolo is one of the most popular and most good-looking guy in the campus. Maraming babae talaga ang may gusto sa kanya. Imposible namang hindi niya alam. Pero hindi rin talaga siguro. Manhid kasi ang isang yun, eh.
Habang kumakain, nagkwentuhan lang kami sa nalalapit na retreat ng batch namin. Dito kasi sa school ginagawa ang retreat sa every batch na gagraduate na. This year, sa Tagaytay ang retreat namin. excited n ako! Hindi pa kasi ako nakakapunta dun. Sana maging masaya 'to! SSG ang mag-oorganize ng reatreat kaya tiyak na busy-busihan na naman nito sina Kurt.
Malapit na kaming matapos kumain nang dumating si Kurt at Nico at nakiupo sa table namin. At may dala na rin silang pagkain. "O, tapos na ba meeting niyo, Kurt?" tanong ko kay Kurt. Ayoko kasing tingnan si Nico kasi maaasar lang ako. At balak kong isnabin lang siya habang mainit pa ang dugo ko sa kanya.
"Hindi ba halata?" sagot ni Nico. Siya ba ang tinanong ko? Hindi naman ah? Maliwanag pa sa bagong bumbilya na si Kurt ang tinanong ko. Si KURT! Ni hindi ko nga siya tiningnan. Tapos siya ang sasagot?
Tinanong ko ulit si KURT. "Bakit ang bilis niyo ata, Kurt?" O, ayan. Si kurt ang tinatanong ko ah.
"Ah---" - Kurt
"Paki mo?" Samantha, pigilan mo lang ang sarili mo. Wala kang mapapala kapag pumatol ka sa unggoy na 'yan. Relax lang. Cool. Chill.
Tiningnan lang ako ni Kurt at ngumiti. Nararamdaman niya rin siguro na kumukulo na ang dugo ko sa katabi niyang unggoy. "Kulang kasi ang pumuntang officers. Mamaya magpapatawag ulit ako pag-uwian. Hintayin mo kami."
"Sige." Ngumiti rin ako sa kanya. Nahagip ng mata ko na nakatingin samin si Nico habang sumusubo. Kaya umiwas ako ng tingin at saktong napatingin ako kay Alice na tulala naman kay Nico. Ganito ang posisyon namin sa mesa.
Kurt Ako Alice
Nico Ella Annie
Sinipa ko ang paa niya dahilan para mapatingin siya sakin. Tinawanan ko naman siya. Siguro nakita rin nina Ella at Annie ang nangyari kaya napatawa na rin sila ng mahina. Syempre pademure ang bet ng dalawang 'to kasi kaharap nila si Kurt.
Napatingin naman samin sina Kurt at yung unggoy. Sinabi ko na lang kay KURT na nagbibiruan lang kami. At kahit anong mangyari hindi ko kakausapin at titingnan man lang ang unggoy na 'to. Kapag siya kasi ang nantrip ayos lang, pero kapag ako parang kakainin niya na ako ng buhay? Ano 'to lokohan? Kaya manigas siya dyan.
Author's Corner:
Pasensya na po kung medyo wala pang patutunguhan ang story. But I'll try my best to think of more energetic scenes.Haayyyyy....
BINABASA MO ANG
To hold or to let go
RomanceA story of a promise, friendship and love between three friends. What will happen if they broke the promises they once made? If someone fall for the other? Will they hold on to what they believe in called friendship? Or will they let go and grab the...