"Pakiulit nga? Parang malabo kasi yung narinig ko. Pakiulit naman Nico."
"Asa!" yun lang nilampasan na ako at naglakad palayo.
"Nico, sige na. Sabihin mo na ulit. Nagsorry ka diba?" patuloy lang siya sa paglalakad habang nasa likod niya akong sumusonod sa kanya. Ni hindi niya man lang ako nililingon.
Hay... si Nico talaga. Nahiya pa siya. Sana pala niready ko muna yung voice recorder ng cellphone ko bago ko siya kinausap. Kahit once kasi hindi ko pa siya naririnig na mag-sorry. Kahit kailan.
Akalain mo yun, sakin ata niya unang sinabi ang salitang SORRY. Minsan pala effective rin ang hindi ko pagpansin sa kanya.
Kinukulit ko pa rin siya nang makarating kami sa harap ng SSG office kung saan naghihintay na dun si Kurt.
"Nico, bigla ka na naman nawala sa meeting. Saan ka ba nagpunta?"- tanong ni Kurt kay Nico. Mukhang tapos na ang meeting.
"Dyan lang sa tabi-tabi."
"Tapos na ba meeting niyo?"- tanong ko kay Kurt.
"Oo. So, tara na?" Hinatid nila ako sa bahay. Dito na rin sila pinakain ni mama ng hapunan. Pero umalis din agad yung dalawa pagkatapos maghugas ng pinggan ni Kurt. Kapag nandito kasi sa bahay si Kurt hindi niya kami pinaghuhugas ng pinggan ni mama.
Sorry Kurt pero hindi ko muna sasabihin sayo yung nangyari kanina. I'll just keep it to myself for the meantime. Gusto ko lang namnamin ang sinabi ni Nico. Minsan lang kasi yun magsalita ng galing sa puso. OA pero nung sinabi niyang gusto niyang mag-sorry, I felt his sincerity.
Nasa kwarto ako nang pumasok si mama.
"O, bakit hindi ka pa natutulog?" lumapit si mama at umupo sa side ng kama ko. Nakaupo pa ako ngayon pero sa side table na lang ang ilaw.
"Ah, matutulog na rin po ako." ang totoo iniisip ko pa rin yung sinabi ni Niccolo. Parang ang saya ko lang.
"Kahit hindi mo sabihin nakikita kong malalim ang iniisip mo. May nangyari bang kailangan kong malaman?"
"Wala naman 'ma. Iniisip ko lang yung sinabi ni Nico kanina." tapos ngumiti ako.
"My God!Don't tell me nagtapat na sa'yo si Niccolo?!" Biglang hinawakan ni mama ang kamay ko.
"Ma! Ano ba! Hindi po yun. Tsaka ano naman ang ipagtatapat sakin ni Nico?! Ma, mali yang iniisip mo. Bestfriends lang kami nun. Bawal iyang naisip niyo."
"Kung hindi yun eh, ano?" si mama talaga napakachismosa. Kapag may sinabi, nagtapat agad? Diba pwedeng nag-sorry muna???
"May ginawa kasing kasalanan sakin yun kaya hindi ko siya pinapansin. Tapos kanina biglang nag-sorry siya sakin. At ginawa niya yun sa harap ng maraming tao. It's so not Nicccolo. Kaya masaya ako. Kasi ako ata ang unang sinabihan niya ng sorry." nakita ko ang mukha ni mama na parang... narelieved?
"Ai, yun lang pala. Akala ko kung ano na. Mabuti naman at bati na kayo."
"Ano ba kasing iniisip niyo, mama?"
Ngumiti si mama. "Akala ko kasi sinabi na sayo ni Nico na may gusto siya sa'yo. Mabuti naman at hindi pa pala."
"Ma! Walang gusto sakin si Nico." si mama talaga. Masyadong gumagawa ng issue.
"O sige. Wala na kung wala. Pero Samantha hindi ka na bata. Sa isang taon college ka na. Alam kong matalino ka pero sana hindi puro utak lang ang gamitin, ha?" advice ba to o warning? Mama naman,eh.
"Ma naman. Alam ko na yan, matalino ata ang anak niyo." tumawa si mama. Hinalikan niya ako sa noo atnaglakad na papuntang pinto. Pero bago siya makaalis...
"Tandaan mo ang sinabi ko. Kakailanganin mo yan balang-araw. Goodnight." yun lang at sinara na niya ang pinto. Si mama naman masyado akong pinag-iisip.
BINABASA MO ANG
To hold or to let go
RomanceA story of a promise, friendship and love between three friends. What will happen if they broke the promises they once made? If someone fall for the other? Will they hold on to what they believe in called friendship? Or will they let go and grab the...