Yun lang at parang kailangan ko nang tawagan si mama para dalhin ako sa ospital. Bigla kasing bumilis masyado yung tibok ng puso ko. Parang naghalo rin ang init at lamig sa loob ng katawan ko. And with just a blink of an eye, pinagpawisan ako. Parang nagkaroon ako ng instant waterfalls sa loob ng katawan ko. Tama ba ang narinig ko? Tama rin ba ang interpretation ko?
Tell me, imagination ko lang yun diba? O siguro joke lang ni Kurt? Mamaya tatawa na yan.
Para hindi magkaroon ng awkward moment na naman, nagkunwari akong tapakan ang paa ni Kurt. Napalayo naman siya sakin ng konti kaya hindi na kami magkayakap. Eksaktong nagpalit naman ng tugtog at sinayaw naman ako ni TJ, yung date ni Ella. Kasayaw na rin ni Ella si Kurt. Nakita kong nag-wink pa sakin si Ella.
Hindi naman kami masyadong nag-usap ni TJ. Nagtanong lang siya ng mga paborito ni Ella. Parang sumagot lang nga ako ng slumbook, eh, pero para sa kaibigan ko. Kasi most of time, si Kurt lang ang naiisip ko.
Pagkatapos naming sumayaw, hinatid na ako ni TJ sa table. Nakaupo na rin doon si Travis. Umupo na ako sa tabi niya.
Nakakapagod din pala ang magsayaw ng naka-heels.
Napansin kong walang ibang sinasayaw si Travis. Nakailan na akong balik pero hindi pa rin siya umaalis sa pwesto niya. Napansin ko ring hindi siya mapakali.
"Travis, are you okay? Bakit parang tensed na tensed ka? May hinihintay ka ba?"
"Ah, wala. Wala 'to. Nag-eenjoy lang ako." Nag-eenjoy? Eh parang natatae na nga siya dyan sa upuan niya, eh.
Hindi ko na rin siya tinanong pa nang tinanong kasi occupied pa rin masyado ang isip ko tungkol sa narinig ko kanina. Pagkatapos kasi akong isayaw ni Kurt hindi ko na siya nakausap pa.
Kapag walang sumasayaw sakin nauupo na lang ako at pinapanood ang mga nagsasayaw sa dance floor.
"Dito ka lang muna, Sam. Magc-CR lang ako." tumango ako at umalis na si Travis.
Nahalata ko namang kanina pa nakaupo si Nico sa tabi ko. Parang wala siyang sinasayaw mula pa kanina. Kaya niyaya ko siyang magsayaw.
"Nico, tara, sayaw tayo." tumingin siya sakin.
"Ikaw na lang. Ayoko."
Tumingin ako sa dance floor.
"Sira ka ba? Anong gagawin ko dun mag-isa? Hindi talaga nag-iisip." Sweet kaya yung kanta. HALLER! Isasayaw ko sarili ko? May pagkatanga talaga 'to minsan.
"Bahala ka." Ano bang problema nito? Kung ayaw niyang mag-enjoy bakit pa siya pumunta dito?
"Tara na. Huwag nang pakipot!" Hinila ko siya hanggang sa gitna ng dance floor at nilagay ko na ang dalawa kong kamay sa mga balikat niya.
Psh! Ayaw daw. Nagpahila naman. Pakipot talaga.
Nagpalit naman ang kanta nung nagsayaw na kami.
Sometimes the snow comes down in June
Sometimes the su goes round the moon
I see the passion in your eyes
Sometimes it's all a big surprise
Cause there was a time when all I did is wish
You'd tell me this was love
It's not the wayI hoped or how I planned
But somehow it's enough
"Bakit hindi mo sinayaw yung ka-date mo?"
"Can't you see? May kasayaw siya ngayon, o." tumngin pa siya kung nasaan si Alice. At may kasayaw nga yung babae.
BINABASA MO ANG
To hold or to let go
RomanceA story of a promise, friendship and love between three friends. What will happen if they broke the promises they once made? If someone fall for the other? Will they hold on to what they believe in called friendship? Or will they let go and grab the...