The preparations

31 1 0
                                    

"Samantha!!! Bilisan mo na riyan! Kahit kailan ka talagang bata ka! Malilate na kayo!" my usual alarm clock. Well, hindi na siya maituturing na alarm clock kasi naman gising na gising na ako, no. Si mama kasi hindi makapaghintay. Hindi pa naman kami late ni Kurt, eh.

At bago pa mabasag ang eardrums ko, lumabas na ako ng kwarto dala ang bag ko at dumiretso sa kusina para mag-almusal. Nagulat ako nung hindi si Kurt ang nadatnan kong kumakain sa kusina, kundi si Niccolo. Teka, bakit si Nico ang nandito? Si Kurt lang naman ang palaging sumasabay sakin pagpasok.

"O, ano pang tinatayo-tayo mo dyan. Kumain ka na at baka malate pa kayo." sabi sakin ni mama habang inaayos ang gamit niya.

Tumingin lang sakin si Nico sandali tapos pinagpatuloy niya na ulit ang pagkain niya.

"Asan si Kurt? Bakit ikaw ang nandito?" tanong ko habang kumakain kami.

"Hindi siya makakapunta dito." hindi tumitinging sabi sakin ni Nico. 

"Ah, ganun ba?" kumain na ulit ako.

Sa school...

As usual, samin na naman nakatingin ang bawat estudyanteng nadaraanan namin. Red carpet lang ang peg, no.

Nakita kong palapit samin sina Alice.

"Good morning! Bakit kulang kayo? Nasaan si Kurt?"- tanong sakin ni Ella

"Ah, wala pa ba siya dito? Hindi siya pumunta sa bahay, eh."- sagot ko

"Maiwan na kita." said Nico with a cold voice. Minsan talaga hindi ko maintindihan ang isang 'to. Masyado kasi siyang makulit minsan, misan naman masyadong mainitin ang ulo.

"Anong problema nun?"- tanong ni Alice.

Napaewan na lang ako kasi hindi ko rin alam.

Buong araw na excused si Kurt. Si Nico naman half-day papasok. Iba na talaga pag-officer. Busy sila ngayon kasi malapit na ang Valentine's Day. And we have an annual celebration for that.

Meaning may activity ang buong school organized by the SSG Officers. It's a whole day activity kaya walang pasok. Last year nagkaroon ng booths every club and organization. Kanya-kanyang concept. Sa gabi naman, nagkaroon ng ball. And all of the students must attend. It's a tradition of the school to have a Valentine ball.

And this year shall be a memorable Valentine's day for me and for all the fourth year students. Last na kasi 'to. Kaya save the best for last.

Kailangan ko nang masabi 'to kay mama para makahanap na kami ng isusuot kong ball gown. Two weeks na lang kasi Valentines na. Ano kayang motif ngayon? Last year is masquerade ang theme and dark colors ang motif. 

Halos lahat yun na rin ang pinag-uusapan. 

Naglala-lunch ako ngayon dito sa canteen. Kasama ko sina Alice, Ella at Annie. Hay naku, 'tong tatlong 'to. Kung kiligin wagas! Nalaman kasi nila na wala pang date sina Kurt at Nico. Hayan, nagtatalo-talo na sila kung sino ang magiging ka-date ni Kurt, actually hindi kasama dun si Alice. Kasi loyal daw siya kay Nico.

Taon-taon na rin yan umaasang tatlo. At taon-taon rin walang dinidate sina Kurt at Nico. Siguro naman swertihin na sila ngayong taon, no. Pero pano sina Annie at Ella? Sino kaya ang pipiiin ni Kurt? 

"Ganito na lang. Kung sino ang pinakamaraming malilibre sakin yun ang ilalakad ko kay Kurt!" sana naman kumagat sila.HEHEHE

"Talaga??!!!O, Sige! Ano bang gusto mo???- Annie

"Gusto mo Sam ako na lang ang magbabayad ng ball gown mo tsaka libre na rin yung hair and make up??!!!"- Ella

"Tumigil na nga kayo!!! Hoy Samantha! Tinuturuan mo pa ang dalawang 'to manuhol?!" Si Alice talaga panira ng diskarte. "Kayong dalawa, nagpauto naman kayo?! Mga desperada!" 

"Alice naman. Napaka-KJ mo! Dapat nga maintindihan mo kami kasi isa ka ring umaasa, no!" sabi ni Ella pagkatapos sumubo ulit.

"Hindi naman ako kasing-desperada niyo no!" Alice ulit

"Sobra ka magsalita Alicia! If I know gagawin mo rin ang lahat para mapansin ni Nico. Sobra ka kayang makatitig dyan."- Annie.

"Oops! Baka magsabunutan na akayong tatlo dyan. Relax lang girls. Ganito na lang, sasabihin ko agad sa inyo kapag may niyaya na si Kurt tsaka si Nico, okay? Para mapagplanuhan niyo na kung anong gagawin niyo dun sa babae." tango naman sila. Ang mga kaibigan ko talaga, puro topakin.

Natapos na ang lunch...

Tapos na rin ang first subject sa hapon...

Tapos na rin ang 2nd sub...

At uwia na...

Nasa room pa rin ako kasi baka maabutan pa ako nina Kurt. Nagpaiwan na ako kina Ella.

Itext ko kaya yung dalawa?

Wag na lang siguro, baka makaistorbo pa ako.

Pero...

Gusto ko silang itext...

Itext o hindi?

Itext o Hindi?

Text o hindi?

Magtatype na sana ako nang biglang gumalaw ang cp ko!

Ai, nagvavibrate lang pala.

Someone's caling...

Unknown number...

Accept call...

"Hello?"-ako

"Hello, Sam!" Aba, kilala ako? (Malamang Samantha. Tinawagan ka nga diba?) Malay mo naman nanghula lang ng pangalan. (At Samantha ang naisip?Mag-isip ka nga!) Sino ka ba, ha? (Ako ang iyong konsensya...)

"hello, Sam? Si Kurt ito. Nakihiram lang ako ng phone, lowbat na kasi phone ko. Uwian na ba kayo?"

"Kurt?...Ah, oo na."

"Asan ka ba? Ihahatid kita sa inyo. Hintayin mo ako dyan. Saan ka?"

"Ah, wag na. Marami ka pa atang gagawin. Tsaka...ahmm..ano...pauwi na rin ako. Wala na ako sa school. Malapit na nga ako sa bahay, eh."

"Ganun ba?O, sige. Mag-ingat ka. Nandito pa ako sa SSG Office,eh. Kasama ko si Nico pero lumabas lang sandali. Pasensya ka na. Hindi  na nga kita nasundo sa inyo kanina, hindi pa kita nahatid ngayon."

"Ano ka ba? Okay lang. Para yun lang,eh. Sya, sige na. Ieend ko na 'to. Baka masnatchan pa ako ng phone. Naglalakad kasi ako papasok ng village, eh. Sige, bye!" binaba ko na bago pa magsalita si Kurt. Nakakasama naman ng loob. Ngayon lang sila naging ganito ka-busy, ah.

Kinuha ko na ang bag ko sa upuan at naglakad na palabas ng classroom. At sa paghakbang ko palabas ng pinto...

Nagulat ako kasi may lalaking nakasandal sa pader sa gilid ng pinto.

"AAAAHHHHHHHH!!!!" yan na po ang sigaw ko.

Biglang napaayos ng tayo yung lalaki at napaharap sakin na gulat na gulat din. Si Travis lang pala.

"Naku naman, Travis!!! Ano bang ginagawa mo dyan? Ginulat mo naman ako masyado." Mukhang humiwalay nga yung kaluluwa ko sa katawan ko, eh.

"Ah...so-sorry  Sa-sam." Taga- kabilang section pala si Travis. Dahil dalawang section lang naman ang batch namin eh magkakakilala na halos ang lahat. At dahil palakaibigan naman ako, pinapansin ko naman si Travis kahit hindi kami naging magkaklase kasi mabait naman siya.. Tsaka nakasama rin siya ni Nico sa pageant.

"Sorry rin, napasigaw ako. Sobrang nagulat kasi ako sa'yo. Bakit ka ba nandyan? May hinihintay ka sa section namin, no? Sorry pero ako na lang ang nandito, eh. Kanina pa kami uwian." siguro may nililigawan 'to samin, tapos tinakasan lang siya nang uwian na. Hihihihi. Kawawang Travis.

"Ah, ikaw talaga ang hinihintay ko Sam." ako naman pala, eh.

To hold or to let goTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon