"Ang ganda talaga ng anak ko! Nagmana ka talaga sakin! Siguradong marami sa'yong magsasayaw. Basta tandaan mo, ang unang magyaya sa'yo huwag mong tatanggihan, ah? Tsaka mag-ingat ka dyan sa heels mo. Tapos dapat ang make-up mo bukas yung babagay dito sa gown mo." Suno-sunod na sabi ni mama. Nagsusukat kasi ako ng gown ko ngayon kasi bukas na yung ball. Parang mas excited pa nga si mama kesa sakin, eh.
"O, sino palang ka-date mo? Si Kurt o si Nico?"
"Wala po. Wala pong nagyaya sakin." Bakit ganun? Kahit isa kasi sa mga schoolmates ko walang nagyaya, eh. Ni isa. HUHUHU.Ganun ba talaga ako kawalang-appeal? May date na kaya si Kurt? Si Nico? Ayos lang kung hindi sila ang magyaya sakin kasi para sa mga kaibigan ko yung dalawang yun.
Sino kaya ang ididate ni Kurt kina Annie tsaka Ella? Idate na kaya ni Nico si Alice? Ako, sinong ka-date ko?
Bahala na. Kung walang kadate, eh wala. I'll just enjoy the night. Last na 'to kaya enjoy na lang.
"Wala man lang nagyaya sayo sa dalawang yun? Imposible."- sabi ni mama na mukhang may iniisip kasi hinihimas-himas niya pa yung chin niya.
"Ma, hindi imposibleng mangyari yun. Tsaka okay lang sakin kung hindi ako ang yayain nila."
Humarap ako sa salamin at tiningnan ang sarili ko. Nasa likod ko naman si mama.
"Sigurado na akong ikaw ang magiging Valentine Princess ngayong taon. Magsisisi talaga ang dalawang yun na hindi ka nila dinate. Huwag mong kakalimutan yung cam mo bukas. Make sure to capture all magical moments." sabi ni mama habang nakahawak siya sa mga balikat ko at tinitingnan ako sa salamin. Kung proud siya sakin, mas proud ako sa kanya kasi napakasupportive niyang ina kahit overprotective na siya minsan.
"Ma masyado niyo naman akong pinapaasa. Tama na nga 'to. Baka madisappoint lang ako kapag hindi ako nagkaroon ng award."
Nagtawanan kaming dalawa. Pero naging seryoso ulit yung mukha ni mama.
"Sayang. Hindi ka man lang nakita ng kuya at papa mo ngayon." niyakap niya ako mula sa likod. Alam kong nalulungkot pa rin si mama hanggang ngayon. Pero anong magagawa ko? Pati ako nalulungkot rin.
"Ma, sigurado akong masaya na ngayon sina papa at kuya. Malulungkot pa ba sila sa ganda kong 'to?" tumawa naman si mama.
Pagkatapos kong magsukat, kumain na kami ng hapunan.
After washing the dishes...
Dumiretso na ako ng kwarto. Sabi kasi ni mama matulog raw ako ng maaga para wala akong eyebags bukas. Pupunta pa kasi ako bukas ng umaga sa school. Tutulong kasi kami nina Alice sa pag-ayos sa gym (venue for the ball). Tinatamad sana ako pero pinilit ako nung tatlong yun kasi ako raw ang way nila para makita sina Nico at Kurt.
Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng biglang tumunog yung phone ko.
Text lang pala ni Ella. Nireremind niya akong pumunta bukas.
Pipikit na uli ako nang tumunog na naman yung phone ko. This time it's a call.
From Travis.
Bakit kaya tumatawag si Travis?
Answer Call...
"Hello?"-ako
"Hello, Sam?"
"Speaking. Bakit ka napatawag, Travis?"- ako
"Ah, matutulog ka na ba?"
"Medyo? Sabi kasi ni mama kailangan matulog ng maaga para sa event bukas."-ako
"Ganun ba?O, si-sige. Bukas na lang."
"Anong bukas na lang? May kailangan ka ba?"-ako
"Nakakahiya, eh. Bukas na lang siguro."
"Ano ba yun? Sabihin mo na. Baka kasi hindi kita makausap bukas kasi magiging busy kami. Ngayon mo na lang sabihin."-ako
"Kasi...ano...ahhmmm...ano kasi..." narinig ko siyang tumikhim.
"Travis?"-ako
"May...may date ka na ba bukas?" OH EM. Sigurado ba ako sa narinig ko?
"Ah, wala eh."-ako. Niyayaya niya na ba ako? Pero imposible, eh. Si Travis 'to. Maraming may gusto sa kanya sa school.
"Pwede bang ako na lang ang date mo?"
Wait. Niyaya niya nga ako. Anong isasagot ko? Yes? Sure? Of course? Pwede? Oo? Why not?
"Ah..."-ako
"Sam, pwede ba? Kung hindi, okay lang."
"Okay lang! I mean...sige." -ako
"Sige? Meaning, ako na ang date mo? Wala na bang bawian yan?"
"Wala na?"-ako. Babawiin ko pa ba yun? Nakakahiya naman sa kanya, no. Pakipot pa ba ako? Eh, si Travis kaya yan. Matalino, mabait, at gwapo.
"Salamat, Sam. Susunduin na lang kita bukas ng gabi. Ako lang ang date mo, ha?"
"Okay.Sige na. Matulog ka na. Babye."-ako
"Goodnight. Siguradong hindi ako makakatulog nito."
"Ha?" Bakit?
"Wa-wala. Goodnight!" Kita mo 'to. Bigla na lang akong binabaan. Pagkatapos niyang makuha ang gusto niya sakin? Hmp! Joke lang. I'm so happy na kasi, eh. May date na ako bukas!
BINABASA MO ANG
To hold or to let go
RomanceA story of a promise, friendship and love between three friends. What will happen if they broke the promises they once made? If someone fall for the other? Will they hold on to what they believe in called friendship? Or will they let go and grab the...