Mag-isa na naman akong papasok ng school. Ilang araw ko na ring hindi nakikita sina Kurt at Nico. Hindi rin nila ako tinatawagan. Pero it's okay, may date naman ako mamaya. BWAHAHA! Kailangan ko na 'tong mabalita kina Annie.
Nagulat ako pagpasok ko sa campus kasi may mga hawak na flowers yung mga schoolmates kong babae. Kinikilig rin sila habang nag-uusap. Ano kayang meron? Siguro pakulo na naman 'to ng SSG.
Paakyat na ako ng 3rd floor (nasa 3rd floor kasi ang classroom ng seniors) nang makasalubong ko sina Annie at Alice. Si Annie lang ang may bitbit na flowers.
"Teka, bakit ang daming may dalang flowers? Anong meron?" tanong ko sa kanila.
"Binibigyan kasi ng SSG ng flowers yung mga babae dito. Sila na rin ang nagaarrange." sagot ni Al.
"Bakit?"
"Sa kanila pinapabigay yun ng mga gustong magbigay sa mga taong gusto nilang pagbigyan." Huh? Ang gulo naman.
"Eh, kanino naman galing yan, Annie?" tinuro ko yung hawak-hawak niyang bulaklak. Kinilig naman yung bruha.
"Eh...kay Jeff."
"Kay Jeff? Yung varsity ng basketball?" sweet pala yun? mukha kasing suplado.
"Oo. Mabuti nga hindi pa 'to natutunaw, eh. Kanina pa kasi 'to sinisinghot ni Anita." si Alice talaga KJ. Eh, si Nico lang naman ang nakikita ng mata nito. Ano pa bang aasahan?
"Congrats naman Annie. At huwag ka nang mainggit, Al. May darating din dyan para sa'yo. Teka, saan ba kayo pupunta? Si Ella, asan?"
"Nasa classroom. Hinihintay ka. Pupunta lang kami ng canteen. Bye." umalis na sila at naglakad na ako papuntang room.
Nakita ko naman agad si Ella. At meron din siyang flowers.
"Wow, meron ka din. Sinong nagbigay?" Nagblush naman agad si Ella.
"Si Kurt!" What??!!Si Kurt! Waaahhhh!!!
"Talaga???!!!!O, ano? Niyaya ka na ba niyang maka-date? Ano na? Anong sinabi nya?"
"Relax! Si Kurt ang nagbigay pero hindi sa kanya galing. Kay TJ 'to galing."
"Ai. Akala ko pa naman..." nakakadisappoint naman si Kurt.
"Don't be sad. Okay lang na hindi si Kurt ang makadate ko. Halika dito." pinalapit niya ako sa kanya at may binulong.
"Si TJ na kasi ka-date ko. Niyaya niya ako kanina. Magiging choosy pa ba ako?" Mukhang may ibang crush na si Ella, ah.
Nag-uusap kami ni Ella nang pumasok si Nico sa classroom. Nakatingin lang sa kanya lahat ng tao sa room. Syempre pati ako kasi matagal ko na rin siyang hindi nakita. At namiss ko talaga ang kasungitan ng lalaking 'to. May hawak rin siyang flowers at...papunta siya sa amin ni Ella. Teka, ako ba ang pupuntahan niya? Bakit sakin lang siya nakatingin? Don't tell me...
Sa harap ko nga siya tumigil. Kinabahan ako kasi kanina pa siya nakatitig sakin. Ginagawa lang kasi 'to ni Nico sakin kapag naaasar na siya sakin o inaasar niya ako. Pero hindi ko naman siya inaasar. Naku naman, aasarin niya ba ako ngayon? Valentines na valentines. Walang patawad talaga ang lalaking 'to.
"Para sa'yo." Inabot niya sakin yung bulaklak na hawak niya. At dahil dun, naghiyawan ang lahat ng tao sa room.
"Sakin?" tinuro ko pa sarili ko para sigurado.
"Oo. Para sa'yo." inalog niya yung bulaklak para kunin ko. Hindi pa rin natitigil yung tuksuhan. Sinisiko na rin ako ni Ella kaya kinuha ko na yung bulaklak. Aalis na sana si Nico nang nakuha ko na sa kanya yung bulaklak nang...
BINABASA MO ANG
To hold or to let go
RomanceA story of a promise, friendship and love between three friends. What will happen if they broke the promises they once made? If someone fall for the other? Will they hold on to what they believe in called friendship? Or will they let go and grab the...