MPP:Chapter 1

7.5K 78 1
                                    

Alex POV*

  Naglalakad ako patungo sa locker room para magpalit ng damit,katatapos lang kasi ng shift ko bilang nusre sa pinaka-kilalang ospital sa buong asia ang Lee's Hospital.Wala akong mga magulang,namatay sila sa isang car accident 16 years old pa lang ako at wala akong kapatid,hindi ko rin  alam kong may mga kamag-anak pa ako.Magmula nun ako na ang bumuhay sa sarili ko.Nagsikap akong makapagtapos ng pag-aaral kaya nurse na ako.Wala rin akong kaibigan dahil sa panahon ngayon mahirap ng mag-tiwala.

   Palabas na sana ako ng ospital ng may tumawag sakin.

"Alex! hey! wait lang!"nilingon ko naman kung sino ang tumatawag sa akin.Si Patricia pala nurse din sya.

"Oh?Bakit?"tanong ko

"Pinapatawag ka kasi ni Ms.Lee."

"Ah ok."bakit kaya ako pinatawag eh sa pagkakaalam ko wala naman akong ginawang mali...

Pagkarating ko sa tapat ng pinto ni Ms.Lee sya yung may-ari nitong ospital...Kumatol muna ako bago ko buksan ang pinto bumungad sakin ang tatlong tao,ang isa ay si Ms.Lee tapos yung dalawa ay mag-asawa yata.

"Amh..Pinapatawag nyo daw po ako"medyo kinakabahan ako kasi ang sungit makatingin nung babae

"Ah yes.please sit down"umupo naman ako.Kaharap ko ngayon yung mag-asawa yata

"This is Mr. and Mrs. Henderson..."pakilala nya dun sa dalawa, so mag asawa nga sila."And this is Nurse Alex Aragon."Tumayo naman ako inilahad ang kamay pero tinignan lang nila iyon kaya binawi ko nalang at tumungo bago umupo ulit.

Nagsalita naman yung babae"Wala na bang iba"nakataas kilay na tanong nya kay Ms.Lee

"Wala na po madam.Sa pagkakaalam ko kasi sya lang po ang walang pamilya na nagta-trabaho dito kaya sya lang po ang pwede para po dun sa hinihiling nyo."mahabang sagot ni Ms.Lee.Nangunot naman ang noo ko dahil sa narinig

"Amh...Mawalang galang na po...Pero ano po ba ang gagawin ko kaya nyo po ako pinatawag"

"Oh!sorry.Pinatawag kita dahil alam kong ikaw lang ang walang pamilyang maiiwan kapag tinanggap mo ang alok nilang trabaho bilang personal nurse ng anak nilang paralisado."paliwang ni Ms.Lee sa akin.

"Personal nurse ng paralisadong tao?"pag-uulit ko sa sinabi nya.

"Oo.Ikaw ang magiging nurse nya dun sa isla kung papayag ka."dagdag pa nya

"Bakit po sa isla?.Di ba dapat po sa ospital sya."Nagtatakang tanong ko

"Wag ka nang maraming tanong.Hindi namin kailangan ang opinyon mo"masungit na sabi sakin ni Mr.Henderson.

"Sorry po..."hinging paumanhin ko.

"So?"nakataas kilay na tanong naman ng asawa nya sakin.

"Ah....Ahm..Pwede po bang pag isipan ko muna."

"Ok.Take your time.And tell me if you agree or not."Si ms.lee na ang sumagot."You can go now"dagdag pa nya.Tumayo na ako at nag paalam na sa kanila.

Pagkalabas ko agad akong nagtungo sa comport room.Naiihi kasi ako.Patapos na ako ng may marinig akong pumasok.

"Sana hindi na sya gumaling para habang buhay na sya doon sa isla"napatigil ako ng marinig ko boses ni mrs.Henderson

"Yeah..I hope so"tinig naman iyon ni mr.Henderson.

"Sino kaya ang pinag usapan nila"tanong ko sa sarili ko pero napatigil ulit ako ng malala ko ang anak nilang paralisado.

"Bakit ba kasi hindi pa sya natuluyan ng maaksidente sya.Bwesit naman oh.
Eh di dapat sana sa atin na lahat ng yaman ng batang yun."Dagdag pa ni Mr.Henderson.Hmm.Siguro yun din ang dahilan kung bakit nasa isla ung anak nilang paralisado.Napailing naman ako.Tsk.Tsk.Mga tao nga naman basta pera kahit na kamag anak mo pa eh walang patawad.Yan ang dahilan kung bakit ayaw kong makipag kaibigan.

Lumabas na rin ako ng marinig kong sumara ang pinto ng makalabas sila.Ngayon alam ko na ang disisyon ko sa alok nila.Tatanggapin ko ang trabaho at gagawin ko lahat ng paraan para mapagaling ang anak nila kahit dun pa ako tumanda ayos lang..

Maaga pa naman kaya bumalik ako sa opisina ni Ms.Lee.Kumatok ulit ako saka ko binuksan ang pinto.

"Oh?bakit bumalik ka?akala ko umalis ka na,may nakalimutan ka ba?tanong ni Ms.Lee.

"Wala po akong nakalimutan...Bumalik po dahil tinatanggap ko na po ang alok nyong maging personal nurse ng anak nyo"sagot ko habang nakatingin sa mag-asawang Henderson.

Tumayo ang mag asawa at bumaling kay Ms.Lee"It's settle then.Pack your things nurse alex because you are leaving this evening."Sabi ni Mr.Henderson tumango ako at hindi nag tanong,at nag paalam na uuwi muna para makapag handa ng dadalhin ko.Hindi ako sigurado kung gagaling pa ang anak nila dahil wala pa naman akong nababalitaan na gumaling mula sa pagka paralysed pero gagawin ko ang lahat.Oo malabo pero hindi naman imposible di ba?

.....

A/N:
Ang mga pangyayare po sa kwentong ito ay mula po sa aking sariling kaisipan.At pasenya na kung may katulad man pero hindi po ako nanggaya...Thank you...

My Paralysed PatientTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon