MPP:Chapter 17

2.5K 90 33
                                    

Alex POV *

"CLYDE!!!" dinig kong sigaw nung babae mula sa kusina at kasunod noon ay ang tunog ng pagka-bagsak ng kung ano sa lapag kaya naman dali-dali akong pumunta doon para alamin kung anong nangyari.

"Shit!" dinig kong sambit ng manyak sa likod ko at sumunod rin sya sakin.

"What a scene" yan agad ang pumasok sa isip ko ng makarating kami sa kusina.

Pano ba naman kasi nakahawak yung magandang babae na hindi ko alam kung sino sa pingi ni Sir Clyde at halos magkahalikan na silang dalawa sa sobrang lapit ng mukha nila sa isa't isa.

"What happened?"tanong ni manyak dun sa babae.

"I- I don't know maybe nagulat sya nung pumasok ako?" kinakabahan nyang sagot kay manyak.

"I told you Emerald. Don't do anything na ikakapahamak nya. Bakit ba ang kulit mo!" nagulat ako sa biglang pagtaas ng boses ng manyak na to at ganun din naman yung babae na nagngangalang Emerald na kunting kunti na lang ay paiyak na talaga sya.

"S-Sorry... I'm just too excited na makita sya. S-Sorry."mababang boses na paumanhin nya. Yumuko sya at gumilid ng lumapit ako kay Sir Clyde. Bago ako tumungo para aalayan si Sir Clyde ay sinilip ko yung mukha nung Emerald at napansin kong may luha na talaga sya.

Nang maitayo ko na si Sir Clyde ay bumulong ito sakin ng "D-don't...let...her...c-come...near... me" kaya naman nagtataka ko syang tinignan pero yumakap lang ito sa akin at ibinaon ang mukha nya sa leeg ko. Bale ang posisyon ko ngayon ay nakaharap ako kay Zack and Emerald kaya naman nakita ko ang pagtataka sa mukha nila dahil sa ikinilos ni Sir Clyde.

"Ahm... Hehe" awkward kong tugon sa nagtatanong nilang mga mukha.

"Alex?" patanong na pagtawag ni manyak sa pangalan ko pero ngumiti lang ako ng pilit.

Iuupo ko na sana ulit si Sir Clyde pero ayaw nyang bumitaw sakin."Sir Clyde naman." pero umiling lang sya at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sakin. Kaya naman nagtataka kong tinitigan yung babaeng maganda. Ngitian ko lang sya ng mapansin kong naiilang na sya sa pagkatitig ko.

"Uhm... Miss...pwede bang dun ka muna sa sala?"

"Huh?"gulat na may halong pagtataka nyang tugon sa pakiusap ko sa kanya.

"Oh? Narinig mo naman yung sinabi nya di ba? Dun ka na! Shooooo! Alis dito!" sabat naman ni manyak. Hmm bakit parang mukhang bitter 'tong manyak na 'to? Anmeron?

"Hey!Don't shout at her!" sabi naman nung lalaking di ko kilala na lumabas sa kung saan.

"A-aahh okay lang ako Barry." mahinang sabi ni Emerald at marahang hinila ang lalaking nagngangalang Barry sa sala.

Nakasunod lang ang tingin namin ni manyak dun sa dalawa pero napansin ko ang pag irap ng manyak na'to. Hayst sino ba ang mga yun? At bakit parang bitter na bitter 'tong lalaking nato?

"Hey dude what's wrong?" akmang lalapit na sana si manyak samin pero pinigilan sya ni Sir Clyde bago pa man sya makalapit kaya naman grabe na ang pagtataka na makikita mo sa mukha nya.

"Sir Clyde ano bang nangyayari sayo?" tanong ko sa kanya ng hindi na ako makatiis dahil sa totoo lang naiilang na ako sa pwesto naming dalawa.

"They smell like shit." diretsong sagot kaya naman nanlalaki ang mata namin ni mata sa pagkamangha dahil nakadiretso na sya sa pagsasalita pero ano daw?

"What?!" biglang sigaw ni manyak ng makahupa sa sya pagkabigla hahaha mukhang di nya matanggap ahh hahaha. "Hoy Clyde anong smell like shit-smell like shit ka dyan huh? Umayos ka kaliligo ko lang bago ako pumunta dito."paktay nagmaktol na ang manyak pfft..

"But I still can't take your smell."uhh?anmeron? Wala naman akong naaamoy na mabaho or something. Ano bang nangyayari sa lalaking to?

" I still can't take your smell my ass tsk. Ang sabihin mo gusto mo lang talagang yakapin yang miss maliit na yan! Oops my bad."aba't talaga namang idadamay pa ako ahh.

" Hoy manyak pwede bang itigil mo na yang kakadada mo dyan para kang babaeng manok na putak ng putak."hmp akala nya ha tsk.

"Haayyst! Hindi ako bakla!"

"Oh? Wala naman akong sinabi na bakla ka ah? Bangag ka ba?"

"Nevermind."sabi nya at lukot ang mukhang pumunta doon sa sala kasama nung dalawa na kung sino.

" Oh ayan Sir Clyde wala na sila baka naman gusto mo nang humiwalay dyan sa leeg ko"pagbasag ko sa katahimikan ng kami na lang ang maiwan dito sa kusina.

"Stay still."

"Ano-ahhh aray Sir Clyde ano bang trip mo huh?" huhuhu ang sakit ng leeg ko ghadd..sinamaan ko sya ng tingin pero nginisihan nya lang ako at humiwalay na sya sakin. Bwesit.

..........

My Paralysed PatientTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon