MPP:chapter 9

4.6K 97 37
                                    


Alex POV*

"Bakit ba ako ang kinukulit mo na gumawa ng bagay na yan? Eh di ba may girlfriend si Sir Clyde?" tanong ko na nagpatamik sa kanya. Huminga sya ng malalim bago magsalita.

"Sa tingin mo ba kukulitin kita na gawin ang bagay na yun kung may girlfriend sya?" seryusong tanong nya sakin.

"Narinig kaya kita kanina. Kaya huwag mo akong pinaglolo-loko dahil di ka na nakakatuwa."

"Tss. Tsimosang maliit."

"Abat talagang---"

"Oppss! Wag ka ng tumanggi Miss liit. Sayo na rin nanggaling na narinig mo yung sinabi ko kay Clyde."

"Tsk. Di ka talaga matinong kausap! Makatulog na nga lang!"

"Oy! Teka lang! Magseseryuso na ako promise."

"Seneryuso ka ba? Ha?"sinamaan nya ako ng tingin pero inirapan ko lang sya.

"Tsk."

"Oh? Ano ka ngayon? Haha bleehh."

"Happy ka na nyan ha?" masungit nyang tanong na tinawanan ko na lang sya ulit.

"Di ba halata? Hahaha goodnight, tulog na ako mukhang wala ka nang sasabihin eh."natatawang paalam ko dahil napikon ko sya. Malapit na ako sa pinto ng bigla syang magsalita.

" Bakit ayaw mong pumayag?"tanong nya na nagpatigil sakin. Humarap ako sa kanya at napabuntong hininga na lang ako bago bumalik sa kinauupuan ko kanina.

"Bakit ayaw ko?" tanong ko sa kanya.

"Yeah. Curious ako eh." sagot nya at saka tumingala sa kalangitan.

"Okay. Sasagutin ko yang tanong mo dahil baka mamatay ka sa sobrang pagka-curious mo dyan." napatingin sya sakin at tinaasan ako ng kilay kaya natawa ako. Wengya! Bakla nga yata 'to. HAHAHA!!😂

"At bakit naman ako mamamatay ng dahil lang dun?" taas-kilay nyang tanong.

"Because curiosity kills the cat?" patanong kong sagot.

"Am I look like a cat?"

"Nope. But you're acting like one haha"

"Tss. Nonsense. Just answer my damn question." okay? mukhang galit na sya.

"Oo na. Eto na nga di ba? Tss. Unang-una,hindi tayo sigurado kung effective ba yang paraan na sinasabi mo."

"Kaya nga susubukan mo di ba?"

"Tsk. Wag ka ngang sumabat." in is kong sabi sa kanya kaya naman umakto sya na parang isiniper?yung bibig nya. Inirapan ko muna sya bago ako magpatuloy."Pangalawa, gagawin ko lang ang bagay na yan sa magiging asawa ko. Pangatlo, nurse lang nya ako."

" Yun lang ba yung pumipigil sayo? Kayang kaya ko yang gawan ng paraan."confident ngang sagot.

"Anong yun lang? At saka isa pa, oo sige sabihin na nating magawaan mo nga na paraan yun eh pano kung mabuntis ako ha? Aba! Hindi pa ako handa para maging Ina!"

"Magagawan ko rin ng paraan yan." natatawa nyang sagot.

"Tsk. Dyan ka na nga! Di ka talaga matinong kausap!"

"Haha goodnight Miss liit!"

"Tse! May pang-apat pa pala!"pahabol kong saad ng nasa may pintuan na ako

"Oh? Ano yun?"

"Wala akong tiwala sayo!" singhal kong sagot sa kanya sabay sarado ng pinto nang hindi manlang tinignan ang naging reaction nya.Tsk. Bahala sya kung nasaktan sya sa sinabi ko. Dumaan muna ako sa kwarto ni Sir Clyde para tignan kung tulog pa rin ba sya.Nang masiguro kong tulog na sya ay nagtungo na ako sa guestroom na syang kwarto ko.

......

*tok

*tok

*tok

Naalimpungatan ako ng may marinig akong mahinang katok nagmumula sa pintuan ng kwarto ko kaya naman tinignan ko ang orasan na malapit sa kama ko. Tumayo ako at pupungas-pungas na binuksan ang pinto."Anong kailangan mo? Alas tree pa lang ng madaling araw nangbubulabog ka na agad?"nakapikit kong tanong dahil antok na antok pa ako.

"Sorry kung nagising kita. Paalis na kasi ako."

"Oh? Edi lumayas ka na. Shooooo! Alis na!" nakapikit-matang taboy ko sa kanya dahil gusto ko ng bumalik sa kama ko at matulog na ulit.

"Oo na. Aalis na pero permahan mo muna 'to."sabi nya sabay abot ng papel?at ballpen. At dahil sa kagustuhan kong makaalis na sya para makabalik na ako sa pagkakatulog ko ay pumerma na lang ako kung saan nakita ko ang pangalan ko? At hindi na binasa pa ito.

" Oh!Layas na!"

"Salamat!" ngising-ngisi ngang sabi pero di ko na sya pinansin at pinagsaraduhan ko na sya ng pinto at bumalik sa kama para matulog ulit.

KINA-UMAGAHAN*

Pagpasok ko sa kwarto ni Sir Clyde ay may napansin akong nakalagay sa lamesang malapit sa hinihigaan ni Sir Clyde na isang maliit na box at isang papel na nakatupi. Kinuha ko yung papel at binasa ang nakasulat dito. Nang matapos kung mabasa ang sulat na nilalaman ng papel na iyon ay pinigilan ko ang sarili ko na mapasigaw at nag-ngingit-ngit na tinignan ang maliit na box na nasa harapan ko.

.......

A/N:

If may gusto kayong sabihin or itanong... Chat nyo lang ako sa RP account ko.

XHIARAZIEL WRITES

Same profile po. Thank you.😊

My Paralysed PatientTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon