MPP:Chapter 10

4.2K 96 60
                                    


Zack POV*

"Wala akong tiwala sayo!"

"Wala akong tiwala sayo!"

"Wala akong tiwala sayo!"

"Wala akong tiwala sayo!"

Yan ang paulit-ulit na umi-echo sa utak ko ng sabihin sakin ni Miss liit yan. Napailing na lang ako ng ulo at napagpasyahan na tawagan ang secretary ni Clyde.Nang matapos ko syang kausapin or should I say utusan ay napangisi ako. Pumunta ako sa kwarto ni Clyde. Pagpasok ko ay nakita ko itong gising kaya naman lumapit ako at umupo sa upuan na naroon sa katabi ng kama nya.

"Congrats bud! I hope na hindi ka magalit sakin after this. Para rin naman sayo 'to. Gusto lang kitang tulungan kaya sana tulungan mo na rin yung sarili mo. Have fun bud!" Hindi ko alam kung naririnig nya ba ako pero bahala na.

.....

"Sir nandito na po ako." yan ang bungad sa akin ng secretary ni Clyde pagkasagot ko ng tawag nya.

"Yung mga papers na ipinaasikaso ko sayo okay na ba?"

"Yes po Sir."

"Okay, wait me there."

"Uh? Nandito na po ako sa harap ng pinto Sir." dali-dali akong tumayo at nagtungo sa pinto ng sabihin nya iyon.

"Seriously George? Kanina ka pa ba dyan?"

"Parang ganun na nga po Sir." napapakamot sa batok nyang sagot sabay bigay nya ng brown invelope.

"Ba't hindi ka kumatok kung kanina ka pa dito?" tanong ko sa kanya habang inuusisa ang papeles na kakailanganin ko.

"Kanina pa rin po ako kumakatok Sir."nakangiting sagot nya pero mahahalata mong pagod na sya.

"Oh? I'm sorry for that. Nakaidlip ako eh. Wait me here. Sasabay na ako sayo pagbalik sa syudad." sabi ko at nagmamadaling umalis sa harapan nya.

Pumunta muna ako sa guestroom na kwarto pala ni Miss liit at alam nyo na kung ano ang kasunod na nangyari. Tsk. Ibang klase talaga ang babaeng yun. Matapos akong saraduhan ng pinto ng maliit na 'yon ay dumiretso naman ako sa kwarto ni Clyde. Tulog sya ng pumasok ako kaya naman naghanap ako ng papel at ballpen. Nang makita ako ay agad akong gumawa ng sulat na sigurado akong bubuhay sa umaga ng babaeng maliit na yun. Hahahahahahaha.

Miss liit;

Alam ko na wala kang tiwala sa akin dahil ngayon pa lang tayo nagkakilala.  At hindi rin kita masisisi kung magagalit ka sakin pagkatapos mong mabasa 'to pero gusto ko lang rin tulungan ang kaibigan ko. Oo alam ko, hindi advisable ang naisip ko pero... Why not try it di ba? And yung pinapirmahan ko sayo kontrata yun. It's not a marriage contract. But... If maging successful yung naisip kong paraan... You two will marry each other. Yan ang nakalagay dun at kapag may isang tumutol sa both parties may kaukolang bayad iyon. 10 billion! Nga pala Miss liit, may box akong iniwan na magagamit mo sa paraan na naisip ko. And if di mo kaya or pinanghihinaan ka ng loob na gawin yun... May mga capsule dyan. Pampalakas ng loob yun. So yun lang naman. See you after five months Miss liit. Have fun!

                                  From:Zackthegwapo

Nang matapos at itinupi ko na ito at ipinatong sa mesa kasama ang box  na sinasabi ko. Nasa loob din ng box na iyon yung mga capsule na gagamitin  nya. MWUAHAHAHAHAHAHA!!!

....

A/N:

Sorry guys kung maiksi lang at kung matagal kayong nag intay. Busy kasi ako sa trabaho eh. Hope you all understand. Thanks!

Fb acc: XHIARAZIEL WRITES

IF I-A-ADD NYO PO AKO MAG MESSAGE NA RIN PO KAYO NG "MISS MALIIT NA MASUNGIT" PARA MAKIKILALA KO KAYO.

PS: DON'T USE YOUR REAL ACC.

My Paralysed PatientTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon