MPP :CHAPTER 21

2.6K 96 35
                                    

ALEX POV*

*YAWNNN*

"Oh my god!"yan agad ang nasabi pagmulat ng mga mata ko.

"Nasaan ako? Bakit parang nag-iba yata ang kwarto ko?" tanong ko sa sarili ko habang inililibot ang tingin sa paligid ko dahil hindi ko alam kung nasaan ako. At base sa tanawin sa labas isa lang ang alam ko at yun ay ang nasa syudad na ako. Wala na ako sa isa....

" W-WAIT! WALA NA AKO SA ISLA? T-TEKA ANO BANG NANGYAYARI? NA-ABDUCT BA AKO HABANG TULOG AKO?!P-pero kung na-abduct nga talaga ako ibig sabihin... Nanganganib ang buhay ko?!"  kinalma ko muna ang sarili at mulling inilibot ang tingin sa kwartong kinaruruonan ko. Hindi naman mukhang warehouse ito na karaniwang pinagdadalahan ng mga biktima gaya ng sa mga pilikula dahil sa katunayan mukhang nasa loob ako ng isang bahay na mala mansion sa ganda at lawak ng kwartong ito.

Bumangon na ako at hinanap kung saan parte ang banyo dito para makapaghilamos at maayos ko na rin ang sarili ko para naman presentable pa rin akong tignan kahit na medyo natatakot ako. After kong matapos sa morning ritual ko(charot)at lumabas na ako ng kwartong 'to. Hmm... Mukhang master bedroom yung kwarto na pinanggalingan ko Naglakad-lakad na rin sa desenyo ng pinto nito na kakaiba sa ibang pinto na mukhang normal lang.

Naglakad-lakad ako hanggang sa makarating ako sa may hagdanan at ganun na lang ang Inis ko at the same time ay napanatag na rin ako ng makita ko kung ang walang-hiyang nilalang ang kumidnap sakin habang tulog ako.

"CLYDE!!!!!!!"

"Fvck! What the hell Alex bakit ka biglang sumisigaw dyan?" tanong nya ng maka-recover mula sa pagkagulat ng biglaang pagsigaw ko.

"WAG MO KONG WINA-WHAT THE HELL, WHAT THE HELL DYAN!WALANG HIYA KA!!!"

"H-hey calm down and please stop shouting okay?" pagpapakalma nya sakin pero hindi ako nakinig sa kanya. Nag simula na akong bumaba sa hagdan pero ang mga mata ko ay masama ng nakatingin sa kany.

"Calm down, calm down ka dyan siraulo ka!Alam mo bang sobrang natakot ako ng pag-gising ko hindi ko na alam kung nasaan lugar na ako bwesit ka akala ko nakidnap na ako habang na tutulog ako". Dere-deretso Kong pagsasalita habang pababa ako ng hagdan. Habang sya naman ay palipat-lipat ang tingin nya sakin at sa laptop nya.

"Tapos malalaman ko na ikaw lang pala ang saralin na walang hiya ka." sabi ko sabay pingot sa tenga nya ng makalapit na ako sa pwesto nya pero biglang napatigil ako at pakiramdam ko ay parang namula ang buong mukha ko sa hiya ng mapatingin ako sa laptop nya. May ka-meeting pala ang mukong kaya pala ganun na lang ang reaksyon nya ng sumigaw ako. Agad ko namang binitawan ang tenga nya dahil sa kahihiyan.

"Uhh?.. Hehe sorry sa isturbo hehe sige tuloy nyo na yang ginagawa nyo pasensya na ulit hehe.."sabi ko sa kanya at sa mga ka-meeting pagkatapos ay dali-dali akong umalis doon. Hindi ko na ulit tinignan kung ano ba ang reaksyon ni Clyde dahil natatakot ako na baka galit lang ang makita ko sa kanya kaya after ko humingi ng paumanhin ay agad na akong umalis.

Dinala ako ng mga paa ko sa kusina at bigla akong nakaramdam ng gutom kaya nag tingin-tingin ako ng pwedeng lutuin. Nagki-crave ako sa chicken curry  kaya nag hanap ang ng mga ingredients na gagamitin ko. Buti na  lang at nandito lahat ng kailangan ko kaya nag simula na akong magluto after kong mai-prepare lahat.

Inayos ko na rin ang hapagkainan ng matapos akong mag-luto. Umupo muna ako habang hinihintay na matapos si Sir Clyde sa ginagawa nya. Hayysst sana hindi sya nagalit sa ginawa ko sa kanya kanina sa harap ng mga  ka-meeting nya. Ghad!hindi ko mapigilang mamula kapag naaalala ko ang kahihiyan na nangyari sakin kanina.

"Hi."

"AYIMPAKTONGBAKLA! Ano ba! Wag mo nga akong ginugulat at baka masapak kita dyan." pano ba naman kasi sa may  tenga ko pa nagsalita tsk.

"Haha sorry 'bout that... So?" Umupo sya sa kaharap ng pwesto ko bago ulit sya nagsalita. "What do you think?" sabi nya na ipinagtaka ko.

"What do you mean? Uhmm... Sorry nga pala sa nangyari kanina.''paghingi ko ng paumahin sa kanya habang nakatungo dahil nahihiya pa rin ako.

"Naahh. Forget it. It's nothing. So... What do you think about this house?" tanong nya habang naglalagay ng pagkain sa pinggan ko.

"W-wait teka ako na nyan." pagpigil ko sa kanya dahil naiilang ako sa ginagawa nya.

"Let me. Just answer my question.''wala na akong nagawa kundi hayaan sya sa ginagawa nya.

"Uhm... Maganda naman sya pero masyadong malaki. Kanino bang bahay' to?"

"Mine. So should I buy the small one?" siguro dito sila titira nila Emerald kaya tinatanong nya ang opinyon ko.

"No. I mean kung bubuo ka ng pamilya pero masyado pa rin itong malaki. Pero ayos na rin ito. Dapat hindi ka masyadong gumagastos ng pera." napansin ko ang ngiti nya sa sinabi ko samantalang sa kaloob-looban ko para na akong pinipira-piraso.

......

A/N: wish granted. ;)

My Paralysed PatientTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon