MPP:chapter 8

4K 73 14
                                    

Alex POV*

"Okay. Bahala ka kung ayaw mo. Nagsa-suggest lang naman ako eh" ani niya sabay alis sa harapan ko at lumapit sa kinauupuan ni Sir Clyde.

Hindi ko talaga gagawin ang bagay na iyon. May iba pa namang sigurong paraan basta wag lang yun!..

Bumalik ako sa kinauupuan ko na kanina habang matalim ang tingin sa madaldal na kaibigan ni Sir Clyde. Napapangiti na napapailing sya sa inasal  ko kaya naman inirapan ko na lang sya at hindi na pinansin pa.

"Sir Clyde takas ba sa mental 'yang kaibigan mo?" pabulong na tanong ko kahit na alam kong hindi nya ako masasagot.

"Anong binubulong-bulong mo dyan Miss liit?"kunot-noong tanong nya.

" Wala. Bakit? May narinig ka ba ha?"pabalang kong sagot.

"May narinig ako pero di ko naintindihan kasi nga binulong mo lang." confirmed! may lahing aso nga sya! Kalalaking tao napakatsismoso.

"Alam mo kung wala ka ng gagawin pa sa isla na 'to, mas mabuti pang bumalik ka na lang kung saang lupalop ka nanggaling."balewala kong sabi sa kanya dahil inuubos nya talaga ang pasensya ko.

" Pinapaalis mo na ako?"manghang tanong nya sakin.

"Hindi naman sa ganun...pero parang ganun na nga."

"Why? Para magawa mo na yung paraan na sinabi ko?" nakangising aso na tanong nya sakin kaya naman sinamaan ko sya ng tingin.

"Sir Clyde tara na po sa loob dahil baka makapatay pa ako ng asong ulol dito." nakangiting sabi ko sa kanya at itunulak ang wheelchair nya papasok ng bahay habang naiwang nakatulala  yung manyak na baliw na yun na para bang di sya makapaniwala na nasabi ko yun.

"Hoy! Miss liit!" tawag nya ng mahimasmasan pero di ko na sya pinansin pa.

Dinala ko Sir Clyde sa living room at binuhay ang TV at iniwan sya doon para makapagluto ng kakainin namin para sa lunch.

"Woiii!"

"NaNaYmOnAlAgLaG!" jusko! Sakit talaga sa puso ang aabutin ko nito kung sya palagi ang kasama ko.

"Sorry... Anong niluluto mo?" Hindi rin naman sya makulit eh no? Takte! Para syang bata!

"Umalis ka dyan kung ayaw mong tadtadin kita at isahog dito sa niluluto ko."

"Grabe ka Miss liit. Ang harsh mo sakin. Nagtatanong lang naman ako eh." nakangusong sabi nya kaya itinutok ko sa kanya ang kutsilyong ipinanghihiwa ko kanina.

"Ikaw na lalaking madaldal ka umalis-alis ka sa harapan ko habang nakakapag-timpi pa ako."

"Woah! Easy ka lang Miss liit." Sabi nya nang nakataas ang dalawang kamay na para bang sumusuko na.

"Alis." ani ko habang nakaturo sa pinto.

"Ayaw ko." kibit-balikat nyang sagot habang nakasandal sa pintuan ng ref.

Hinayaan ko na lang sya dahil kung patuloy akong makikipag-usap sa kanya eh baka maubos na talaga ang pasensya ko at maisahog ko sya sa niluluto kong pinakbet(tapos yung jowa ng readers may kabet.😄✌)

.....

"Psst!"

"Hoy!"

"Miss liit!"

"Ano na naman ba?!" putek naman oh! Kailan ba kasi aalis ang damuhong 'to ng matahimik na ang buhay ko?! My god! Sarap nyang itapon sa planet 51-_-

"Bakit ba galit na galit ka sakin ha? Meron ka ba?" seryusong tanong nya sakin. Manyak talaga amputek!-,- pati ba naman buwanang dalaw ko naitanong pa nya? Wala ba talaga syang ideya kong bakit ako galit sa kanya? O nagmamaang-maangan lang sya?

"At talagang nagtanong ka pang manyak ka? Ha! Kung wala ka rin namang sasabihing matino mas mabuti pang manahimik ka na lang dyan o kaya naman ay matulog ka dun sa sofa!"pikong sagot ko sa kanya. Alas nuwebe na kasi ng gabi at si Sir Clyde naman ay tulog na. Ako naman andito sa balkonahe nagpapahangin ng biglang sumulpot 'tong damuhong 'to.

" Please stop calling me manyak coz I'm not that kind of man. And bakit sa sofa ako matutulog?"

"Abay alangan namang sa guestroom eh kwarto ko yun."

"Kwarto mo yun?" takang tanong nya.

"Oo. Bakit?"

"Eh dun ako natulog kagabi nung dumating ako dito."

"Anong sabi mo!?!"

"Uh? Sa guestroom ako natulog kagabi? Grabe kaya pala amoy babae dun. Ikaw pala gumagamit nun?"

"Tsk. Alangan namang matulog ako sa tabi ni Sir Clyde."

"Pwede rin haha. Para mas madali mong gagawa yung paraan na sinasabi ko." taas babang kilay na ani nya habang nakangiting aso.

"Pwede ba! Hindi ko nga kasi sabi gagawin yun eh!!"

"Bakit ba kasi ayaw mo? Anong malay mo makatulong yun at makabalik na sya sa dati di ba?"

"Bakit ba ako ang kinukulit mo na gumawa ng bagay na yan? Eh di ba may girlfriend si Sir Clyde?" tanong ko na nagpatamik sa kanya.

........

A/N:

If may gusto kayong sabihin or itanong... Chat nyo lang ako sa RP account ko.

XHIARAZIEL WRITES

Same profile po. Thank you.😊

My Paralysed PatientTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon