MPP:Chapter 2

5.3K 91 2
                                    

Alex POV*

     Sakay ng private plane na pag mamay-ari ng mag asawang Henderson ay nakarating ako sa isla.Pero bago ako umalis ay binilinan ako ni Mrs.Henderson na alagaan ko daw ng mabuti ang anak nya.Tss parang tunay ah!sumagot nalang ako ng "oo"para makaalis na rin ako.Sabi pa nya kami lang daw ng anak nya ang tao doon sa isla ok lang naman sakin marunong naman ako ng gawaing bahay.Tapos linggohan daw sila magdadala ng supply ng pagkain at gamot para sa anak nya.

Pagpasok ko sa loob ng bahay,
namangha ako kasi ang ganda tama lang ang laki para sa dalawa o tatlong tao,walang second floor at dalawa lang ang kwarto.Binuksan ko yung nasa bandang kaliwa na pinto... walang tao,siguro ito ang magiging kwarto ko.Inilapag ko sa sahig ang dala kong malita at lumabas.

Pagbukas ko ng pinto bumungad sa akin ang medyo may katandaang katulong naka unipormi kasi sya ng pang katulong.Ngumiti sya ng makita ako sabay sabing"Sumunod ka sakin"tumango  ako at sumunod sa kanya.

Binuksan nya ang katabing kwarto at pumasok kami.Doon ko nakita ang anak ng mag asawang Henderson.May mga kunting galos pa sya na nakuha nya siguro sa aksidente.

"Katawan lang nya ang paralisado,
pero hindi sya nakakapag salita...Nakaka-kain naman sya yun nga kailangan mo syang ibangon...Kailangan lang wag mo kalimutang lagyan sya ng diaper para hindi ka mahirapan kapag lilinisan mo sya ng dumi nya..."mahabang sabi nya.

"Ahm..Ano pong pangalan nya at tsaka nakakarinig po ba sya?"tanong ko kay..?"Tsaka ano rin pong pangalan nyo?hehe?"nahihiyang dagdag ko..

"Hahaha..Sya si Clyde...Clyde Henderson..Hindi ko alam kung nakaka rinig ba sya..Isang linggo pa lang naman kasi ako dito kaya hindi ko pa alam..At ako nga pala si Aling Miling yun kasi tawag nila sakin eh.."Yun pala pangalan nya.
Napabaling naman ako kay aling miling ng mag salita sya.

"Oh? sya akoy aalis na ikaw na bahala sa kanya hija."

"Sige po..Ingat po kayo"nakangiti g sabi ko sa kanya at kumaway..

Pagkaalis nila aling miling ay napatingin ako sa orasan...Pasado alas dyes na pala ng gabi.
Haayyy.Lumapit ako kay Sir Clyde na natutulog at umupo sa upuan na nasa katabi ng kama.Tinitigan ko sya hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako....

......

Nagising ako ng tumama ang sikat ng araw sa mukha ko...Napatingin ako kay Sir Clyde at nagulat ako ng makitang nakatitig sya sa akin...Agad akong napatayo,sumunod naman ang tingin nya sakin..

"Ahm pasensya na po sir...Hindi ko po kasi namalayang nakatulog pala ako.Pasensya na po..."hinging paumanhin ko sa kanya hinintay ko syang magsalita at pagalitan ako pero napatampal ako sa aking noo ng maalalang hindi nga pala sya nakakapag salita.Tumigin ako sa kanya at nakatingin parin sya sakin parang nagtataka kung sino ako kaya nagpakilala ako..

"Ako nga po pala si Alex Aragon 24 years  old ang inyong personal nurse."Pakilala ko sa kanya..nakatingin pa rin sya sakin kaya napaisip ako kung naririnig ba nya ako kaya naman para malaman ko Ang sagot eh tatanongin ko sya..

"Ahm ganito na lang po... para malaman ko kung naririnig nyo po ako ay kisap nyo po mata nyo ng dalawang beses"nagaantay ako kung gagawin nya ba ang sinabi ko pero nakatingin lang sya sakin hanggang sa....

KUMISAP SYA!!!!NG DALAWANG BESES HUH!!!!so meaning NARIRINIG NYA AKO!!!napangiti ako sa kanya at napatingin sa orasan.Nanlaki ang mata ko ng makitang 8:37 na ng umaga kaya naman nag paalam ako sa kanya na magluluto muna ako ng umagahan naming dalawa pagkatapos ay dali dali akong pumunta sa kusina at nag luto..

Natapos na ako sa pagluluto,naligo rin ako ng madali bago naghanda ng kakainin nya.Kumatok muna ako bago ko buksan ang pinto naabutan ko syang nakatingin sa bintana bago bumaling sa kinaroroonan ko.Ngumiti ako sa kanya at inilapag ang dala sa lamesa na katabi rin ng kama pagkatapos ay napatingin sa kanya.Napakamot na lang ako ng pisngi ko habang nakatingin  sa kanya medyo malaking tao kasi sya,hindi ko naman sinasabing mataba sya dahil hindi naman talaga sa katunayan eh matso sya pero ako maliit lang kaya sa tingin ko eh mahihirapan ako sa kanya.

Lumapit ako sa kanya at dahan dahan syang ibinangon at isinandal nilagyan ko rin ng unan sa likod nya para hindi sya masyadong mahirapan.Ng matapos ay napahinga ako ng malalim..Grabe ang bigat nya promise..

Kinuha ko na yung pag kain at siniguradong kaya nya ang init bago isubo sa kanya.Ng matapos syang kumain ay ipinainom ko ung gamot nya at hinayaang nakaupo muna sya.

Iniligpit ko ang pinagkainan nya at nag paalam ulit ako sa kanya na kakain muna ako at maghuhigas ng pinggan.Pagkatapos ay bumalik ako sa kwarto nya kumatok ulit ako bago pumasok.Naabutan ko ulit syang nakatingin sa bintana.Lumapit ako sa kanya.

"Ahm sir?"lumingon sya sakin.Napakamot ako ulit sa pisngi ko bago nagsalita"Paano po pala kayo pinapaliguan ni aling miling?"tanong ko.Nakatingin lang sya sakin.Hayst!ano ba naman alex alam mo namang hindi nakakapag salita yung tao kahit kailang talaga napakatanga mo.!sita ko sa sarili ko."Ah..Hehehe..Sorry po Sir..Tatawag nalang po ako kay aling miling..Saglit lang po."paalam ko at lumabas ulit

May telepono naman dito at may number naman na binigay si aling miling bago sya umalis.Tumawag daw ako sa kanya pag may hindi ako alam na gagawin.Kaya naman kinuntak ko sya.Pagkaapat na ring ay sinagot na nya.

"Hello,hija?"

"Ahm...itatanong ko lang po sana kung paano nyo sya paliguan"

"Ah yun ba?maglagay ka ng maligamgam na tubig sa plangganita at kumuha ka ng towel dun sa drawer nya tapos punasan mo na buong katawan nya.Ganun lang ang ginagawa ko bihisan mo rin kaagad at baka malamigan sya"

"Okay po.Maraming salamat po.Pasensya na rin po sa abala..."

"Walang anuman hija..Sige na at akoy marami pang gagawin" pagkatapos nyang sabihin yun ay binaba na rin nya ang telepono.

Ginawa ko naman ang mga sinabi ni aling miling.Pakatapos ay nagpaalam ulit ako sa kanya na maglilinis lang ako sa labas.

.........

A/N:
Salamat po sa nag babasa nito kung meron man..

My Paralysed PatientTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon