MPP:Chapter 3

4.9K 80 6
                                    

Alex POV*

       Mahigit isang buwan na ng maging personal nurse ako ni sir clyde...Nung una medyo mahirap pero katagalan ay nasanay na rin ako..at ngayon ay nandito si aling miling nagdala kasi sya ng supply namin na pang isang buwan daw dahil matatagalan daw bago sya makabalik.

"Ahm.Aling miling may wheelchair po dito si sir.Gusto ko po kasi syang ilabas ng bahay para naman po hindi po sya lagi nakahiga..."

"Wala hija..Pero may dala ako ngayon."

"Talaga po!!!"

"Oo nga.Nandun na sa kwarto dun ko pinalagay."

"Salamat po aling miling"

"Walang anuman hija...Oh sya akoy aalis na...Tumawag ka na lang kung may kaylangan ka pa"

"Opo,salamat po ulit"inihatid ko sya hanggang sa pinto at hinintay na makaalis sila.

Nang makaalis sila ay patakbo akong pumasok sa kwarto ni sir clyde pero syempre kumatok muna ako..Nakangiti akong lumapit sa kanya at umupo sa upuang katabi ng kama.."Ah sir clyde?...Gusto nyo po bang lumabas?"tanong sa kanya.

Sa mga nakalipas na araw ay napagkasunduan namin na kapag sang ayon sya ay kikisap sya ng dalawang beses kapag hindi naman ay iiwas sya ng tingin.

Sumang ayon naman sya na lumabas kaya kinuha ko yung wheelchair sa gilid tapos lumapit ako sa kanya at dahan dahan syang ibinangon at iniupo sa wheelchair ng matapos ay napa palakpak ako.

"Grabe sir clyde ang bigat nyo po feeling ko magkaka muscle ako sa sobrang bigat nyo....."Sabi ko sa kanya   kung kanina ay nakatingin sya sakin ngayon naman ay umiwas sya ng tingin kaya naman napangiti ako bago ko sya inilabas.

Nang makalabas kami ay dinala ko sya sa balkonahe  tapos umupo ako sa kaharap nyang bangko.Tumitig muna ako sa kanya bago ko napag pasyahang sabihin sa kanya ang narinig kong pag uusap na mga magulang nya bago ko tanggapin ang trabahong ito.

"Ahm sir clyde...May gusto po sana akong sabihin sa inyo.."agaw pansin ko sa kanya,,sa dagat kasi sya nakatingin kahit na malayo yun mula rito sa kinakatayuan namin."Tungkol po ito sa mga magulang nyo....At sa trabaho ko bilang personal nurse nyo..."

..............

Clyde POV*

Nang sabihin nyang tungkol sa mga magulang ko ay hindi ko na sana sya pakikinggan pero nang idugtong nya ang tungkol sa pagta trabaho nya  sakin ay itinuon ko sa kanya ang atensyon ko..

"Hindi ko po sana tatanggapin ang trabahong ito ...... dahil malayo po itong isla sa syudad....Pero nang marinig ko po ang pinag usapan ng magulang nyo...Na sana...Namatay na lang daw po kayo  dun sa aksedente.... At para daw po  kanila na lahat ng kayamanan nyo..."sabi nya nang nakayuko.Tss sa nga namatay nalang ako para hindi na ako naghihirap ng ganito...Pero pag nangyari yun hindi naman nila makukuha ang yaman ko dahil sinabi ko kay Zack na abogado/kaibigan ko na lahat ng pera at business ko ay idonate nya sa ampunan pero magtira ng para sa kanya na 20%.

"Nang marinig ko po iyon ay nagtaka po ako...kasi bakit po sila ganun...eh anak po nila kayo...Kaya po tinanggap ko itong trabahong ito para tulungan kayong makabalik sa dati nyong katayuan..."siguro sinabi nya lang yan dahil naawa sya sakin-.."Hindi ko po sinasabi ito dahil naawa ako sa inyo.Sinasabi ko po ito dahil gusto ko kayong tulungan..."tss.Itong babaing ito parang alam nya lahat ng iniisip ko ah..napatigil ako ng may makitang luha na tumulo sa kanyang mga mata"Mga magulang ko po kasi namatay dahil sa car accident.....Wala po akong nagawa dahil bata pa ako ng mangyari yun.Kaya sana po tulungan nyo rin po ang sarili nyo...."Pagkatapos nya sabihin yun ay umalis sya pero nagpaalam na may kukunin lang daw sa kusina...

Haayyy...

Napahinga na lang ako ng malalim actually gusto ko rin naman bumalik sa dating ako pero kapag naaalala ko ang katarantaduhang ginawa sakin ng kapitid at girlfriend ko ay nawawalan ako ng gana..Pero kapag nakikita kong nahihirapan si alex  dahil sakin ay sinisisi ko ang sarili ko....Hindi ko alam kung bakit ayaw ko syang makitang nahihirapan.Kaya naman mula ngayon tutulungan ko na ang sarili tulad ng sinabi nya.Hindi naman kasi ako totally paralysed.Kamay at yung lower part ng katawan ko lang ang paralisado kaya sa tingin ko makakabalik din ako sa dati.

Bumalik na si alex at dinala ako sa loob ng bahay diristo sa kusina siguro naghanda sya ng dinner namin kaya ang tagal nya.Sinusubuan nya ako tapos sinusubuan din nya ang sarili nya.Magka iba naman kami ng plato at kutasara pero kung gugustuhin ko ay sa isang plato nalang sana kami kumain para...Damn!bakit ganun? parang....

"Sir.Sir clyde?...Oy sir clyde...ok lang po ba kayo?"shit!napatitig pala ako sa kanya.Oh man!

"Ayaw nyo na po ba?"tanong nya kaya dahan dahan akong tumango.Nanlaki naman ang mga mata nya dahil dun.

"Hala! sir clyde!!tumango po ba talaga kayo?!?"gulat na tanong nya kaya tumango ulit ako ng dahan dahan.

.............

Alex POV*

Hanggang ngayon ay natutuwa pa rin ako sa ginawa ni sir clyde kanina pero napalis ang tuwang iyon ng maalalang kailangan ko pala syang punasan ulit bago sya matulog.Nako po torture na naman ito.

Kasi naman makikita ko na naman ang ANO nya.
Mabuti na lang hindi ako natutukso.Promise hindi talaga...medyo lang...Ang laki kaya ng ANO nya kahit tulog.Hehehe.

"Ahmm.Sir clyde  sana naman po gumaling na kayo...Para po kayo nalang ang gumawa nito aa sarili nyo...Kasi naman po....nakakailang eh..."Ang laki po kasi ng ANO nyo...gusto ko sana idagdag  pero ang awkward naman yata.

.........

My Paralysed PatientTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon