Chapter Fifteen Fast Rewind

2.2K 77 0
                                    

CASSY POV...

                 Nung gabing umalis si Mandy, para makapag usap kami ni  Gerick.. Sa totoo lang ayoko syang umalis ng mga oras na yun gusto ko andun sya habang kausap ko ang ama ng anak ko. Kaya lang pumayag na lang din ako dahil sabi niya babalik din ito kaagad..
Humingi lang naman ng sorry si Gerick dahil sa pagiging duwag daw nito at para sabihing ikakasal na sya isang arranged marriage na kaugalian ng mga Chinese. Malugod ko naman iyon tinanggap dahil ang totoo wala na akong nararamdaman para sa kanya.. Dahil may bumihag na sa masalimuot kong puso,kahit nga sustento na inaalok sa akin ni Gerick hindi ko na iyon tinanggap ayoko ng ma involved pa sa pamilya nya..




                   
                   Pero ang isang bagay ang ikinagulat ko,pina pahanap daw ako ng daddy at mommy ko at pinapauwi na kami ng anak ko.. Masaya ako sa binalita sa akin ni Gerick at excited na akong ibalita ang lahat ng yun kay Mandy.. Gusto ko sanang umuwi kami ng Cebu at isasama ko sya gusto ko syang ipapakilala sa magulang ko wala akong paki alam kahit itakwil man nila akong muli. Basta ang alam ko sa sarili ko matatag na ako sa dami ng pinagdaanan ko sa buhay.. At mahal ko si Mandy..




                Kaya lang kasabay ng magandang balita ay ang malaman kung may relasyon na pala si Mark at Mandy. Sobrang sakit lalo pa at ng gabing iyon umuwi pala si Mandy sa bahay ni Mark kaya pala nagmamadali itong umalis ng gabing iyon.. Nasaktan na naman ako sa pangalawang pagkakataon, siguro nga hindi naman sya seryoso sa anumang meron kami. Marahil laro lang ito para sa kanya at triple ang sakit na naramdaman ko kumpara ng tinakwil ako ng pamilya ko ng iwan ako ng ama ng anak ko.. Dahil sya na ang pamilya ko sila na ni Janelle ang buhay ko.



               Umalis kami ni Janelle ng gabing yun at hindi alam kung saan kami pupunta. Ang nasa isip ko ng sandaling yun gusto ko munang umuwi ng Cebu pero bago pa kami umalis ng anak ko. Pumunta pa ako sa trabaho nya gusto ko lang sana syang kausapin kaya lang sabi ni Mark sa akin umuwi daw si Mandy ng probinsya nila at susunod daw ito  para ipaalam ang nalalapit nilang kasal?




                  Tila nawalan na ako ng pag asa  kaya hindi na ako bumalik pa at andito na ako ngayon sa Cebu kasama ang pamilya ko.. Gusto nga nila akong mag aral ulit.. Well namiss ko din mag aral,namiss ko ang kotse ko ang marangyang buhay ko.. Pero parang may kulang sa aking pagkatao hindi na ako magiging masaya tulad ng dati..




                   And pagkatapos ng dalawang linggo bigla nalang nag message sa akin si Mandy na gusto daw nya akong makausap for what para invite sa kasal nya.. No way para narin nya akong pinatay kung gagawin niya iyon sa akin.. Kaya lang ako naman si tanga gusto ko rin syang makita kahit sa huling pagkakataon man lang.. Dahil maimpluwensya ang pamilya ko sumakay agad ako ng private jet papuntang Manila at mag check in muna sa hotel. Wala naman akong problema kay Janelle dahil sobrang alaga ito ng mommy at daddy ko.. Bukas kami magkikita ni Mandy.. Gusto kong ipakita sa kanya na hindi ako affected at iparamdam kung masaya na ako dahil tinanggap na akong muli ng parents ko..

-----------------------------------------------------------

                  Sinandya kong magpalate sa usapan namin.. Mas okay na nga yun mainip sya at umalis na para hindi na kami magkita bigla kasi akong kinabahan. Bakit kasi sa Manila bay pa ang naisipan nyang meeting place namin..
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko itong nakaupo sa isang bench at matamang naghihintay.. Sa totoo lang sobrang miss ko na sya pero sa tuwing maisip ko ang sinabi ng Mark na yun sa akin napapalitan ng galit tong naramdaman ko.




                "Mandy.." Malamig kung tawag dito,nagpasya na akong lumapit sa kanya para matapos na tong pag uusap namin.. Agad naman itong lumingon at nakita ko ang pananabik sa kanyang mga mata.
Agad itong tumayo sa kinauupuan at mabilis na humakbang palapit sa akin.. At bigla nalang akong niyakap ng mahigpit,gaganti na sana ako sa yakap nito ng may maalala kaya agad ko itong itinulak..




               "B-bakit kayo umalis bakit hindi nyo man lang akong hinintay na makauwi." Sabi nito,maniniwala na sana ako sa drama nya pero pinatigas ko ang kalooban ko..  Hindi na ako magpapadala pa..




              "Kung may gusto kang sabihin sabihin mo na kaagad.." Wika ko na tila hindi interesado sa sasabihin nya.. At Napa halukipkip pa ako..






                    "Nasan si Janelle bakit hindi mo sinama?" Tanong parin nito.. Malapit na talaga akong mabanas sa totoo lang..




               "Mandy.. Kung may sasabihin ka go.. Busy ako okay!" Iritado kung turan. Biglang nag seryoso ang mukha nito..




                   "Ilove you Cassy..." Napasinghap ako bigla sa pinagtapat nito.. Really ha? Pagod na ako sa larong to...



                Napatawa naman ako ng pagak.. Sabay iling..



                 "Matagal ko na sana itong sinabi sayo,kaso natakot ako sa sarili ko dahil buong buhay ko alam kung straight ako.. Pero binago mo ang pananaw ko Cassy, I started to love you but I'm afraid of commitment.. I'm so sorry.." Umagos  ang luha sa kanyang mga mata... Malapit ng lumambot ang puso ko pero hindi maari.




                   "Yun lang ba ang sasabihin mo?Salamat sa pag care mo sa amin ni Janelle gusto ko lang din ibalita sayo na tinanggap na ako ng parents ko.. Kailangan ko din kasing makabalik kaagad ng Cebu eh.!" Sarkastiko kong sabi...
Hindi naman ito nagsasalita mataman lang itong nakatitig sa akin..
"Kung wala ka ng sasabihin aalis na ako.." At mabilis na akong tumalikod akmang hahakbang na sana ako palayo...

"LOVE ME" (GIRL TO GIRL )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon