Chapter Eleven Her Own

2.4K 80 6
                                    

MANDY POV...


                  "Kaano ano mo si Mandy?"








               "Tita Mandy po."









              "Hindi mo sya mommy?"









                   "May Mama po ako,si Mama Cassy."









                 "So,kaano ano mo si Tita Mandy at si Mama Cassy?"










                 "Love ko po silang dalawa."










                  "Hannah..." Saway ko na rito at pinanlakihan ko ng mata. Interviewhin ba naman ang 4years old na bata.. Sinama ko kasi si Janelle dito sa work ko dahil pang araw naman ang schedule ni Cassy 9am to 6pm ang oras nito ngayon..  Mabait naman si Janelle at super behave ito..










                   "Mandy huwag ka na kasing magkaila, normal na yan sa panahon ngayon.." Bulong nito sabay ngiti ng makahulugan.. Hindi ko nalang ito pinansin.. Wala naman kaming commitment ni Cassy so wala talaga.. Ayoko kasi talaga ng commitment at sa tingin ko ganun din si Cassy masaya kami kung anong namamagitan sa amin ngayon..










              "Tumigil ka na nga dyan..baka marinig ka ni sir Mark." Saway ko pa dito.. Pero alibi ko lang yun,syempre nasa trabaho parin kami at ayokong pag usapan ang mga ganyang bagay..











              "So anong status niyo ni Sir Mark..?" Biglang tanong naman nito.. Mabait si sir Mark wala naman akong masabi sa kanya, swerte nga ang babaeng mamahalin nito.. Kaya lang hindi na siguro ako yung babaeng yun.. Gusto ko sya pero ah basta naguguluhan ako..










                 "M.U." Tipid kong tugon kahit hindi naman.. Sana hindi nito ipagkalat baka malaman pa ni sir Mark. Hindi naman kasi lingid sa kanila na lumalabas kami ni sir Mark na kami lang dalawa..









               "Naks...yun oh! Bagay naman kayong dalawa." Parang kilig na kilig pa nitong wika... Kaya natawa na lang ako.." Pero pansin ko talaga sayo hindi kana sumasama sa gimmick." Biglang sabi nito..
Hindi ko rin alam sa sarili ko,bigla nalang nawalan ako ng interest na lumabas ng gabi para gumimick. Mas gusto kong kasama ang mag INA..












               Nagulat pa ako ng biglang hablutin ni Carla ang braso ko at naglakad sa malayo konte kay Hannah at Janelle.. Ano naman problema nito..










             "May sasabihin ako sayo." Pabulong nitong wika tila ayaw iparinig sa iba ang gusto nitong sabihin.." Ito walang ibig ipakahulugan  ha.. Basta sabihin ko lang ang nakita ko." Seryosong sabi nito at luminga linga pa sa paligid dito sa locker room.
"Kumain kasi kami sa isang restaurant kasama ang dalawa kong pinsan nung isang gabi.. Hanggang may mahagip ang paningin ko iniisip ko pa kung sino at saan ko sya nakita.."














                  "Sino ba?" Curious ko namang tanong..











                    "Yung nanay ng kasama mong bata.. Alam ko Mandy kahit hindi mo inoopen sa amin may unawaan kayo ng babaeng yun,Ewan ko lang ah! Pakiramdam ko lang.. Lalo na ng makita ko yung wall paper ng phone mo picture niyong tatlo at ang sweet nyo pa..."













               "C'mon Carla.. Ano bang pinagsasabi mo.." Deny ko naman sa sinasabi nito..  Kahit sa totoo lang tamang hinala naman ito..










                "Okay fine.. Ituloy ko nalang ang sinasabi ko sayo.. Andun kasi nga yung Cassy ba yun may kasama syang guy mukhang seryoso ang pinag usapan nila at take note hindi sila makaharap sa table kundi magkatabi.. At nakawak pa yung kamay nung guy sa isang kamay niya.. Mukhang hindi naman aware si Cassy na may nakakilala sa kanya.." Kwento nito.. Hindi ko maintindihan pero parang biglang may tumusok ng matalim na bagay sa dibdib ko ng sandaling iyon  pero hindi ko naman yun pinahalata kay Carla..











                "Ano ka ba.. Ano namang pakialam ko dun! Normal lang yun single mom naman sya wala namang masama kung makipagdate sya..." Patay malisya ko namang sabi kahit na sa totoo lang ang sakit parang pinipiga ang puso ko..











                "Okay..nasabi ko lang naman.." Natatawang wika nito.. Hinampas ko naman ito sa braso kunyaring hindi ako apektado sa sinabi nito at nakitawa rin..










                   Pakiramdam ko ngayon ay niloko ako,pinagtataksilan ako kahit hindi ko naman dapat ito maramdaman.. Parang gusto ko tuloy puntahan ngayon si Cassy sugurin at komprontahin kung sino ba yung lalaki nya.. Pero wala naman akong karapatang gawin yun dahil ako naman ang nag desisyon sa sarili ko na ayoko ng commitment...













             Hindi na ako halos nakapag concentrate sa trabaho ko ng araw na yun.. Buong oras na dumaan iniisip ko ang mga sinabi ni Carla sa akin.. Bago umuwi nagmall muna kami ni Janelle, tuwang tuwa naman ang bata gusto ko lang din kasing aliwin ang sarili ko.. Naggrocery na rin kami para mabawasan man lang tong inis kung nararamdaman ngayon.. Kumain narin kami ng dinner saka ko nagpasyang umuwi .. Past 9 na ng makarating kami ng condo..











               "Ginabi yata kayo.." Bungad ni Cassy ng makapasok kami sa loob ng unit.. Agad namang sumalubong si Janelle sa mommy nya.. Hindi ako kumibo at dumiritso ako sa kusina para ayusin ang pinamili namin... Sinundan pala nya ako dito sa kitchen.." Nagluto na rin ako ng dinner." Sabay yakap nito sa akin mula sa likuran habang inaayos ko ang pinamili sa divider. "Kain na tayo nagugutom na kaya ako."












              "Pinasyal ko lang yung bata sabay grocery narin." Matamlay kung sabi.











               "Ang dami pa nga nating stock eh.." Wika naman nya tila  hindi ramdam ang inis ko sakanya..










             "Magbibihis muna ako." Wika ko naman at kinalas ang pagkakayakap nito sa akin.. Naglakad na ako patungo sa loob ng kuwarto, akala ko pa naman nagpa iwan na ito sa labas pero napapitlag pa ako ng may yumakap ulit sa baywang ko ng nahubad ko na ang aking blouse.. Saka kinintalan ng mumunting halik ang aking balikat.











               "Cassy..." Saway ko naman dito.. Naiinis parin kasi ako. Pero hindi parin ito tumigil sa ginagawa lalo ng maramdaman kung tinanggal nito ang hawk ng bra ko sabay dakma ng dalawang palad niya sa dibdib ko at marahang hinimas..











               "Ang tagal niyo naman kasi.. Namimiss kita." Malambing nitong wika.. Napasinghap naman ako ng patuloy nitong menamasahe ang dibdib ko..










                  "Cassy..mamaya biglang pumasok dito si Janelle." Saway ko ulit dito... At huminto na sa ginagawa ito..











              "Sige na nga magbihis kana,ihanda ko lang yung dinner.." Yamot nitong wika saka mabilis akong hinalikan sa labi bago lumabas ng kwarto... Napabuntong hininga nalang ako. Simpleng lambing lang nito nawawala ang inis ko sa kanya...

"LOVE ME" (GIRL TO GIRL )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon