MANDY POV...
Di ko maipaliwanag sa sarili ko bakit excited ako laging umuwi ng unit,samantalang dati tamad na tamad ako bored na bored ako. Gusto gusto kong makita si Cassy bago pumasok sa work nito.. Nagtataka na din tuloy ang mga kasamahan ko dahil lagi akong nagmamadaling umuwi..
"Naku nag abala ka pa.." Nakangiting turan ni Cassy ng dumating ako at may dalang isang box ng pizza. Bagong ligo lang ito at nakabihis na abalang naglalagay ng light make up sa mukha..
"Kain ka muna kaya bago ka umalis.." Sabi ko naman habang pinagmamasdan ko siya.
"Wow.." Tuwang tuwa naman si Janelle ng binuksan ko na ang box. Lalo naman akong matuwa sa bata at agad ko itong hinainan. At least medyo maayos na ang loob ng unit mag INA,hindi man puno ng kagamitan simple at komportable namang tignan..
"Alam mo hindi ko talaga alam kung paano ako babawi at mag papa salamat sayo. Sobra na sobra na tong tulong na binibigay mo Mandy.." Seryosong wika nito kaya napatingin ulit ako sa gawi nito...
"Ano ka ba.. Kumain ka na nga muna.." Pangungulit ko naman dito para balewalain ang sinasabi nya.
"Thank you Tita Mandy.. Ilove you!" Malambing namang sabi ni Janelle at hinalikan pa ako sa pisngi.
"Hindi ko tinuruan yang anak ko ah..baka isipin mo-."
"Wala naman akong sinasabi.." Natatawa ko namang turan..
"Oi kamusta pala si Sir Mark mo?" Biglang tanong naman nito.. Hindi ako interesado na pag usapan sya ngayon.. Ewan ko ba.
"Saka na lang natin pagkwentuhan yan.." Sabi ko naman at nagtawanan nalang kami.. Bakit kaya sobrang gaan ng pakiramdam ko kapag kasama ko ang mag ina..
-----------------------------------------------------------
"Tulog na ba sya?" Tanong ko kay Cassy ng sumilip ako sa kuwarto ko,dito kasi pinatulog ang bata dahil off ni Cassy nagpasyahan naming mag bonding na dalawa.. Inuman session lang sa loob ng bahay para maiba naman ang ambiance ko.
"Game." Sabi naman nito sabay kindat pa.. Umalis na ako at inayos ang table sa sala,ayoko din kasing makita nya na nagblush ako sa simpleng kindat lang.. Hindi namalayang sumunod pala agad ito sa akin.. "Beer o brandy." Wika ko nalang ng maramdaman ang presensya nya..
"Lubusin naman natin. Gusto ko yung gumagapang sa kalasingan." Loko talaga to. Alam ko namang biro lang nya ito.. Pinag tulungan na naming ayusin ang mesa..
Tabi kaming naupo sa mahabang couch habang nanonood ng Hollywood movie sa cable channel.
Dapat nga may gimmick ako ngayon kasama ang workmates ko,kaya lang heto absent na naman ako. Usapan na kasi namin ito ni Cassy,nakakasawa din laging labas na lang.."So,saan kayo dati nakatira.? Panimula ko ng paksa,ito pa yung isang propose ko gusto ko silang makilala ng husto. Sa kanya pa ako humarap hindi na sa pinapanood namin..
"Apartment din,isang sakayan ng jeep bago sa work ko,medyo may kalayuan kasi. Tapos, yung yaya ni Janelle hayun nakipagtanan kaya nagpasya akong maghanap ng malipatan malapit sa work ko." Paliwanag naman nito pero hindi naman tumitingin sa akin. Nakatutok lang sa panood..
"A-asan yung father ni Janelle?" Wala naman sigurong masama kong itanong ko ang tungkol dun..
Narinig ko ang paghugot nito ng malalim na paghinga.
Saka ito tumingin sa akin na may pait ang ngiti sa mga labi.."Hayun,nung nabuntis nya ako at tinakwil ako ng parents ko. Pinaglaban ko ang relasyon namin, ilang taon din maghiwalay tapos magkabalikan kami. Ayoko sana kasing lumaki si Janelle na hindi buo ang pamilya niya. Kaya lang wala eh,kahit anong gawin ko. Half Chinese kasi yung papa ni Janelle may kaya talaga sila. Hindi siguro sanay sa hirap at responsibility kaya hayun nauntog na bumalik na sa magulang nya.. Hay!!" Kwento nito.. May ganun pala talagang pangyayari sa buhay at yung mga bagay na ayokong maranasan nararanasan ngayon ni Cassy.. Sobrang tapang niya.
"Ni hindi kayo sinoportahan!" Wika ko na agad naman nitong kinailing..
"At hindi ko kailangan ng tulong nya,kaya kong buhayin ang anak ko mag isa.." Seryoso nitong wika. Sa ganitong sitwasyon umiiral ang pride ng isang tao. Hindi ko naman ito masisi..
"Andito lang ako Cassy,handa akong tulungan ka.." Sabay hawak ko sa isang kamay nito,gusto kong maramdaman nya na nakikisimpatya ako.. Nginitian naman nya ako ng tipid,ngiti ba o ngiwi yung nakita ko.. Sabay bawi sa kamay nito at nagsalin ng brandy sa kanyang baso saka tinungga..
Namayani ang katahimikan.."Nakakahiya na talaga sayo Mandy.. Huwag kang mag alala kaya ko to. Nakaya ko nga dati ngayon pa kaya lumalaki na yung anak ko.." Turan naman nito.. Pero hindi na naman ito tumitingin sa akin..
Kaya nga lumalaki na yung anak nito,lalaki na rin ang gastos. Kung kukuha pa sya ng makakasama ng bata sasahuran pa nya yun.. Willing naman akong tumulong. Hayy ewan bakit sobrang concern na ako sa mag ina,samantalang kelan lang nila sila nakilala.Ako naman ang nagsalin sa baso ko nang alak halos punuin ko iyon at mabilis na tinungga.. Bakit pakiramdam ko nasasaktan ako sa pagtanggi ni Cassy sa alok ko dapat nga wala akong pakialam to think na hindi ko naman sila kaano ano..
"How about you? Bakit mag isa mo sa buhay..!" Nagulat pa ako ng bigla itong kumibo. Akala ko di na ako papansinin.
"Sanay na akong mag isa.. Pinalaki ako ng parents ko na maging independent. Nasanay akong wala sila sa tabi ko." Tugon ko naman. "Lagi lang nilang bilin sa akin huwag akong gagawa ng bagay na ikakasama ko din lang.. Nasa isip ko din lagi yung kinabukasan ko... Kaya heto ako ngayon kahit malayo ako sa kanila alam nilang maayos ang lagay ko.." Matamang nakikinig naman itong mabuti ..
"Nice.." Napangiting wika oa nito.." Buti ka pa..mahal ka ng magulang mo samantalang ako. Ewan ko bakit natiis kami ng anak ko ng ganito.. Kaya gagawin ko ang lahat para sa anak ko,someday makikita nila na maayos kung napalaki si Janelle.. "Bigla tuloy gusto ko syang yakapin para kahit paano maibsan yung sakit na nararamdaman nya...
![](https://img.wattpad.com/cover/173413293-288-k539929.jpg)