Chapter Thirteen Hanging

2K 79 1
                                    

MANDY POV..

                 Ang bilis ng kabog ng dibdib ko ng makarating ako ng unit at namayani ang nakakabinging katahimikan.. Kahit nanginginig ang aking mga kamay nagmamadali ko paring sinusihan ang doorknob at mabilis itong bumukas..
Madilim ang buong kabahayan ang nabungaran ko sa loob ng unit ko..








              Agad kong binuksan ang ilaw, tumambad sa akin ang malinis na kabuuan ng sala kaya nagmamadali akong tumungo sa loob ng kwarto bakante rin iyon.. Biglang lalong nanghina ang katawan ko ng sandaling iyon. Asan na ang mag INA! Iniwan na ba nila ako? Para akong binagsakan ng langit biglang bumilis ang aking paghinga..  Dahan dahan akong nagtungo sa kama at naupo doon..









                  Iniisip ko palang na hindi ko na makikita ang mag ina parang titigil na rin ang pag inog ng mundo ko..  Marahan akong humiga sa kama at niyakap ang isang unan.. Naiwan ang mabangong amoy ng mag ina na nakasanayan na ng aking pang Amoy..  Bigla nalang akong napahagulgol ng oras na yun,umiyak ng umiyak hanggang naubos na ang luha sa aking mga mata.. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa sobrang pagod..








                      "Ilove you Mandy...." Nagmulat ako ng mga mata at nakangiting mukha ni Cassy ang nakatunghay sa akin. Naramdaman ko ang pagsayad ng labi niya sa labi ko..










                  "Mahal na mahal din kita Cassy." Bulong ko sa pagitan ng aming halik... At napaungol ako..










                     Muli akong nagmulat ng mata at apat na sulok ng kwarto ang nakikita ko.. Napagtanto kung nag iisa lang pala ako at panaginip lang pala!! Parang totoo sinabi kong mahal na mahal ko sya.. Totoo ba tong naramdaman ko mahal ko na nga ba sya?









                        Kinapa ko ang aking cellphone sa loob ng aking bag na katabi ko sa kama.. Sobrang daming missed calls karamihan galing kay sir Mark at may isa galing kay Cassy nanginginig pa akong nag call back ring lang naman ito ng ring .. Cassy sagutin mo naman please! Wika ko sa sarili ko. Naka limang dial yata ako pero wala namang sumasagot..








               Nag iinit na naman ang sulok ng aking mga mata.. Ano bang dapat kung gawin sobrang hopeless na ako. Gusto kong makita ang mag ina,gusto kong makausap si Cassy gusto kong  masiguro sa sarili ko tama ba tong naramdaman ko sa kanya... Naulinigan kung tila may nag do door bell sa labas dalangin ko agad sana si Cassy na yun.. Sana bumalik ito para sa akin.. Nagmadali kung inayos ang sarili ko at lakad takbo ako na tumungo sa may pinto..










               "Sir M-mark!" Dismayado kong sabi ng tuluyang mabuksan ang pintuan..









                  "Ah- nag aalala kasi ako sayo hindi mo sinasagot ang mga tawag ko. Akala ko napano ka na.." Wika nito. Ni hindi pa pala ako nakapagpalit ng damit nawala na sa isip ko..








                "Ahm.. Halika pasok ka.." Alok ko naman dito,kailangan ko din kasi ng makakausap ngayon.. Niluwangan ko ang pintuan para tuluyan itong makapasok sa loob.. Naglakad ito patungo sa may sala agad ko namang sinara ang pinto..
"A-anong gusto mong inumin?" Alok ko rito,tuliro parin ang isip ko. Napailing naman sya. "Nakatulog kasi ako pagdating ang sakit talaga ng ulo ko.." Sabi ko naman dito.. Mataman lang naman itong nakatitig sa akin.









           "Mag isa mo lang? Asan na yung mag INA na kasama mo dito?" Sunod sunod nitong tanong.. Umupo ako sa single couch sa tapat nito bago ako nagsalita..









                "Hindi ko na sila nadatnan pag uwi ko.." Mahina kong pagkakasabi.. Narinig ko ang pag buntong hininga nito....










                "Mandy.... Nandito naman ako." Nabigla naman ako sa sinabi nito.. Seryoso itong nakatitig sa akin.. "Hindi mo ba natatandaan yung mga sinabi mo kagabi?" Sinabi...may sinabi ba ako sa kanya? Wala akong maalala.." Marahil lasing ka na that time.." Shit wala talaga akong maalala..









             Namayani ang katahimikan....








                  "Tanggap kita Mandy.. Kahit ano ka pa.." Makahulugang sabi nito.." Mandy hindi kayo pwede-"









               "Sir Mark..." Putol ko sa sinasabi nito.. Pero wala naman akong mabigkas na salita pagkatapos..









                 "Mahal kita Mandy,sana bigyan mo ako ng pagkakataon para iparamdam sayo na totoo ang hangarin  ko.. Kahit na hindi ako ang nilalaman ng puso mo,kahit isang babae pa ang kakompitensya ko.."  Lalo yatang sumakit ang ulo ko sa sinabi nito..











            "Sir Mark... Pasensya na pero ang dami kong iniisip ngayon. Gusto ko sanang magka usap muna kami ni Cassy.." Diritsa kung sabi total base sa pananalita nito alam na nya ang ugnayan namin ni Cassy... Marahil sa sobrang sama ng loob ko at kalasingan ko kagabi nasabi ko sakanya ang lahat...










               "Okay I understand,basta andito lang ako okay..." Sincere naman nitong sabi... Marahan nalang akong napatango... Ilang saglit pa ay nagpaalam na rin ito...






                 Habang mag isa na naman ako ang dami na namang pumapasok sa isip ko.... Kung babalik pa kaya si Cassy,sana man lang nagpaalam ito.. Paano pala kung ako lang itong nakakaramdam ng ganito,paano kung  para sa kanya laro lang pala ang lahat.. Dahil bago ko naman sya nakilala alam ko sa sarili ko na straight ako at alam kung straight din sya... Bakit ba ganito ang nangyari..!










                    Hindi din lang ako makapag isip ng maayos habang nandito ako sa unit ko.. Lalo lang akong masisiraan ng ulo.. Siguro kailangan ko munang lumayo,gusto kong mag out of town para na din maka pag isip ng husto, ng mga bagay bagay.. Gusto ko sa pag balik ko okay ako,parang sa mga lalaking nagdaan dati sa buhay ko... Sabay napa hugot ako ng malalim nabpaghinga.. Paano kung si Cassy pala ang karma ko sa lahat ng lalaking sinaktan ko noon dahil sa ayoko ng commitment.  Ngayon lang ako nasaktan ng ganito...

"LOVE ME" (GIRL TO GIRL )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon