Chapter Three Heart Beat

2.6K 94 1
                                    

MANDY POV...

                Hindi ko alam kung ilang segundo kaming nagkatitigan bago ako napatikhim..
"Pasok ka,tuloy.. Nakatulog na si Janelle." Wika ko sabay talikod agad namang na kasunod ang babae sa likod ko at ito na rin ang nagsara ng pintuan..


            Alas dos na ng madaling araw ng naalimpungatan ako sa sunod sunod na doorbell sa labas. Agad naman akong bumangon at tinungo ang pintuan,tumambad sa harapan ko ang magandang babae naka suot ito ng pure black ..blouse,blazer, slacks pati sapatos at may suot itong I'd. Mas matangkad sa akin ng konte.



            Hanggang balikat ang medyo blond nitong buhok,light make up. Maganda ang hulma ng mukha nito hawig nito si Rhian Ramos. Bakit ko ba ito tinititigan..


             "I'm Cassy nga pala mommy ni Janelle." Nagkatitigan ulit kami pero ako naman ang unang nagbawi ng tingin.  Dito na kami sa salas natulog ni Janelle dahil iniisip kong baka nga biglang dumating ang mommy ng bata. Kasya naman kami sa mahabang couch.. Sarap parin ng tulog ng bata..




            "Mandy nga pala.." Pakilala ko naman. Gusto mo ba ng coffee or tea..milk!" Alok ko rito. Habang nilapitan ang anak na natutulog at lumuhod ito sa harap ng bata  marahang hinaplos ang pisngi.



          "No thanks.. Pasensya ka na sa abala ha. Naistorbo ka tuloy namin ng anak ko." Nakita ko naman sa mga mata nito na sincere ang kanyang sinasabi..
Kaya nagtimpla parin ako ng coffee para sa aming dalawa.. Sya naman at umupo na sa tabi ng anak na natutulog tila pagod na pagod ito..



            "Saan ka ba nagwowork?" Tanong ko rito sabay abot ng mug na may lamang coffee sa kanya.. Pagkatapos ay umupo ako sa single couch.



              "Oh thanks.." Sabi nito pagka abot ng mug." Sa call center ako,dyan lang sa pangalawang kanto. Kaya lumipat kami dito ng anak ko para malapit sa work ko."  Sabay lapag nito ng mug sa table..



              "Madalas bang naiiwan si Janelle mag isa?" Interrogation ko.. Wala naman sigurong masama concern lang naman ako sa bata..
Nakita kong napangiwi naman ito tila nahihiya.




              "Actually first time lang.. Wala pa kasi akong nakuhang kapalit dun sa yaya niyang huli. Iniwan ko naman yung isang phone ko sa kanya in case makakatawag sya sa akin. Tinuruan ko naman sya kung paano nya gamitin." Paliwanag nito..




                "Kahit na Cassy..bata yan eh! Paano kung taga DSWD ang nakarinig sa iyak ng anak mo di kukunin nila yung bata..pwede ka pang makulong.." Kung pagsabihan ko ito parang ang tagal na naming magkakilala samantalang wala pang isang oras kaming nagkakilala..




           "Hahanap agad ako ng yaya niya,hindi ko naman hahayaang mag isa sya.." Sabi naman nito. Kaya lang iniisip ko parin kung hanggang kailan hindi naman agad agad na makakanap ito. Kawawa naman si Janelle..



              "Anong oras ba ang duty mo?"Ewan at bigla kung na itanong.. Concern kasi ako sa bata..





             "4pm to 1am ang duty ko ngayon. Every cut off nag iiba kami ng oras ng duty." Sabi naman nito. Bahagya naman akong napa isip." Sana bago magpalit ng duty makahap na ako ng mag alaga kay Janelle." Pabulong pa nitong sabi..


                 "Pwede namang  dito muna sa Janelle tuwing may duty ka.." Bigla ko nalang nasabi iyon.. Paano ba to wala nang bawian..




               "Really? Di nga..hindi ba nakakahiya naman sayo.." Sabi naman nito. "May trabaho ka din maabala ka pa namin.."




                "Hanggang 4pm lang naman ang pasok ko sa work.. Atleast habang nasa trabaho ka panatag ka na may pag iiwanan kay Janelle habang wala pang nahahanap na yaya nya. At pag weekend wala naman akong trabaho.." Wika ko pa.. Paktay kang Mandy ka magiging yaya ka ngayon. Wika ko naman sa sarili ko..




          Sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi ni Cassy namangha tuloy ako lalo sa taglay nitong ganda.. Ano ba yan ano ba tong na iniisip ko




            "Thank you so much Mandy.." Bigla nalang itong tumayo sa kina upuan at sinunggaban ako nito ng mahigpit na yakap.. Hindi naman ako agad naka react sa ginawa nito.." Thank you talaga." Sabay halik pa sa pisngi ko. Hindi ko maipaliwanag biglang nag init yata ang aking mukha." Hulog ka ng langit promise." Bulong pa nito bago kumalas sa pag yakap sa akin..






             "Tulog na tayo.. Lalo ikaw puyat ka pa.. Mabuti pa buhatin ko nalang si Janelle hatid ko na kayo sa unit niyo." Alok ko pa.. Seriously? Kailan pa ako naging concern ng ganito sa bata.. Hindi talaga ako makapaniwala sa sarili ko...






          Dahan dahan ko nang kinarga si Janelle samantalang si Cassy naman ang nagbukas ng pintuan.




              Binuhat ko si Janelle hanggang maihatid sa loob ng kwarto nila. Maayos naman ang loob ng kwarto maaliwalas nga dahil konte lang ang gamit..






              "Thank you talaga Mandy ah.!." Walang katapusang pasasalamat nito." Sya nga pala ilang taon kana..?" Tanong nito ng hinatid ako sa may pintuan nila.






              "25.." Tipid ko namang tugon..




                "Okay.. Ako 23 palang,aga ko kasing lumandi,yan tuloy single Mom. Tinakwil pa ako ng parents ko." Sabi nito sabay buntong hininga. Bigla naman akong naawa rito. Ngayon naintindihan ko na ang sitwasyon nito, may ganun pala talagang magulang kayang itakwil ang anak dahil sa pagkakamali..








            Bago ako tuluyang umalis,kinuha pa nito ang contact number ko.. Naiiling naman ako ewan napapangiti nalang akong mag isa hanggang nakahiga na ako sa kama.. Inabot na pala kami sa 4am na nagkwentuhan ni Cassy..





                   Kailangan ko nang matulog kapag ganitong oras malamang pauwi palang galing galaan. Ewan ko bakit parang ang saya saya ko ngayon hindi ko maipaliwanag sa sarili.. Pinikit ko na ang aking mga mata pero agad ding nagmulat ng mukha ni Cassy na nakangiti ang nakikita ko..WEIRD...

"LOVE ME" (GIRL TO GIRL )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon