Chapter Sixteen Dare To Love You

4.2K 121 51
                                    

CASSY POV....



                   "Pinaglaruan tayo ni Mark Cassy.." Napahinto ako bigla sa sinabi nito pero hindi ko parin ito hinarap muli... Joke ba to? Ano bang gusto nila ng Mark na yun..









                 "Nung gabing umalis ako sobrang sakit ang naramdaman ko nun sobrang nag selos ako ng makita ko si Janelle masaya syang  kalaro ang Papa nya..  Sana ako na lang yun,sana ako lang yung magpapasaya sa inyong dalawa." Narinig ko ang paghikbi nito.. "I was upset that night ewan halo halo yung nararamdaman ko ang sakit ng dibdib ko. First time ko lang maramdaman ang ganun! Kaya nagbar ako nagpakalasing,akala ko isang tunay na kaibigan si Mark kaya tinawagan ko sya para sana may karamay ako.. Na block out ako sa sobrang kalasingan paggising ko umaga na.. I swear walang nangyari sa aming dalawa.. Nagmamadali nga akong umuwi that morning  pagkatapos wala na pala akong maabutan.." Narinig ko ang patuloy nitong paghikbi.. Gusto ko na sanang maniwala sa sinasabi nya kaya lang paano naman yung sinabi ni Mark na umuwi siya sa province nila. Hindi man lang nya kami hinanap...










                     Hindi ko na natiis at bigla ko ulit itong nilingon dun ko nakita na hilam na ng luha ang kanyang mga mata..









                "Pumunta ako sa banko at sabi ni Mark umuwi kadaw sa inyo dahil ibabalita mo sa pamilya mo na ikakasal na kayo?."
Narinig ko itong napamura sa sinabi ko..











               "Kulang pa pala yung sampal ko sa kanya kahapon.." Nangigigil nitong sabi."Ayoko na tuloy syang makasama sa trabaho mas mabuti siguro kung  magpalit na lang ako ng ibang branch.." Sabi pa nito.." Masaya ako na nag kaayos na kayo ng pamilya mo.." Sabay baling nito sa akin kahit umiiyak ito nagawa parin nya akong ngitian ng totoo." At least nakabalik ka na sa marangyang buhay mo pati na rin si Janelle." Marahan nitong pinahid ang luha sa kanyang mga mata.












                 "Masaya na akong nasabi ang naramdaman ko para sayo.. Alam ko namang straight ka." Nagawa parin nitong tumawa.. "At masaya din ako na kahit galing ka pa ng Cebu nagawa mo parin akong puntahan kahit naman kung tutuusin hindi mo na yun pag aaksayahan ng panahon.. Thank you.. Siguro ito na ang huli nating pagkikita.." Pilit parin nitong pinipigil ang luha sa kanyang mga mata..









               Ano daw?huling pagkikita... Parang biglang sumikip ang dibdib ko sa sandaling ito. Biglang bumalik ang lahat ng masasayang sandali na kasama ko sya... Sa totoo sobrang miss ko na sya ang yakap nya ang bawat halik nya ang paglalambing nya..











               Gago ang Mark na yun,humanda sya sa akin...










             "Bye Cassy.." Narinig ko nalang na sabi nito at tumalikod na sa akin.. Di ba ako yung mag wawalk out dapat,bakit biglang nagbaliktad ang sitwasyon..



  




                    "Siguro ito na ang huli nating pagkikita." Paulit ulit itong nag eecho sa utak ko..











                "Mandy..." Tawag ko rito pero tila wala itong narinig... "Mandy hindi ko kayang mawala ka.." Lakas loob kung sabi saka lang ito huminto sa paghakbang.. "Natakot din ako baka masaktan lang akong muli at sobrang nasaktan lang kasi ako sa mga pinagsasabi ni Mark sa akin.. Alam mo naman yung pinagdaanan ko diba?" Sabi ko pa.. Humakbang na ako palapit sa kanya ng tuluyang makalapit ay yumakap ako ng mahigpit mula sa kanyang likuran..












               "Mahal na mahal kita Mandy.." Bigla nalang lumabas sa bibig ko ang mga katagang iyon.. Ilang saglit din ang ganung ayusin namin ng biglang kalasin nito ang pagkakayakap ko sa kanya pumihit ito paharap. Ikinulong nito ang magkabilang pisngi ko ng kanyang mga palad at agad akong siniil ng halik sa aking mga labi na agad ko din itong tinugon.. Wala na kaming pakialam sa mga taong naka paligid sa amin ngayon kung nakatingin man sila well mainggit sila..










                    Pagkatapos ng matamis na halik na pinag saluhan namin agad kaming nagyakapan ng mahigpit halos ayaw na naming magbitaw pa..  Sobrang mahal ko sya at naramdaman ko na yun nung una ko palang syang makita hindi ako makapaniwala sa sarili ko sya pala ang taong matagal ko nang hiniling sa itaas. Yung isang taong mamahalin ako ng buo,mamahalin ang anak ko at mamahalin kung sino man ako hindi dahil sa may kaya ang pamilya ko..










                    Nang maghiwalay kami sa pagka yakap agad nitong hinawakan  ang kanang kamay ko ng sobrang higpit .. Tila ayaw na nya akong pakawalan pa..at nagsimula na kaming humakbang patungo kong saan..









                 "Anong iniisip mo?" Biglang tanong nito sa akin. Habang magkahawak kamay kaming naglalakad sa gilid ng Manila bay.











                 "Sobrang mahal kita." Sabi ko naman. Dahil yun naman talaga ang tumatakbo sa isip ko ngayon.." Eh ikaw?" Balik tanong ko naman dito!












                      "Ikaw ang good karma ko.." Natawa naman ako sa kanyang sinabi.. Siguro iniisip din nya ang mga napag daanan nya noon.. Well kahit ano pa yun kung naging slut man sya sa paningin ng iba. Nakaraan na yun ang tanggap ko sya ng buong buo..
"Uuwi ka din ba ng Cebu ngayon?" Biglang lungkot naman nyang wika.. Hindi ako kaagad nakakibo,gusto ko syang isama kaya lang may pasok sya sa work bukas...










             "Gusto mong makita yung bagong bahay natin?" Biglang sabi ulit nito.. Bagong bahay umalis na ba ito sa unit namin?..









            "Saan naman yun!" Sabi ko nalang.











            "Basta halika.." Masayang wika nito at hinila na ako.. Natatawa nalang ako habang nagmamadaling naglakad hila hila ang kamay ko..








_________The End......


























































"LOVE ME" (GIRL TO GIRL )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon