Epilogue

691 11 3
                                    

Epilogue

Love doesn't go the way you like it. Hindi to puro kaperpektohan.

Hindi iyan katulad sa mga pelikula na alam mo na ang ending, na malamang ay happy.

Wag tayong pakasiguro. Hayaan nating ilibot tayo ng puso natin sa mas magandang paligid. Wag mo tong ikulong sa piling ng taong pilit. Hayaan mo itong hatakin ka papunta sa tamang tao.

Hindi katulad ng plakadong lupa ang pag ibig. Isa itong daluyong na kailan man ay hindi titigil na sirain ka hanggang sa mapatunayan mong karapat dapat ka para makaasam ng tamang pag mamahal.

Hayaan din natin ang panahon na humilom ng mga sugat ng kahapon. Wag tayong mag palamon sa damdamin nating mas mabilis mag bago kaysa sa lalaking nag papalit ng babae.

Buksan natin ang isip natin sa panig kung saan tayo ay nakakalimot.

Hayaan mo ang puso mo na mag mahal. Hindi natin alam kung iyan ang una't huli mong pag kakataon.

-------

Maraming salamat sa lahat ng nag basa ng kwentong ito. Nais kitang batiin dahil nakarating ka dito.

Maraming salamat muli dahil nagawa mo itong pag tyagaan.

MARAMING THANK YOU❤

We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon