sorry for wrong grammar and typos . short ud lang to.
enjoy ;D
---------
Chapter 10
"Hahahahah yung mukha nitong taong to!!"
"Ansaya kaya sa may bayan,daming chix."
"Nasan sila?"
"Akin na!"
"San na gawa Yan?"
Ang ingay naman ng mga tao sa baba. Di ba nila alam na natutulog ako.Arghhh.
Pinilit ko parin namang makatulog ngunit alam kong sasakit ang aking ulo pag pinagpatuloy ko iyon.
Agad naman na akong tumayo sa pagkakahiga at pinusod ang buhok ,nag mumog na rin dahil nakakahiya ang wake up breath.
Agad kong narinig ang hagalpak ng tawa ng mga tao sa baba.Rinig na rinig ang halakhak ni Lei tss walang poise.
Nagmadali pa akong bumaba ng hagdan ngunit ako na mismo ang nahiya dahil sa wala man lang nakapansin sa akin.
"Alam nyo bang panira kayo ng tulog?!" pagputol ko sa walang kwentang kwento ni Terrence.
"Ah gising ka na pala!" sabi ni mom. Pero hindi ko na lang pinansin.
"6 hours kang tulog HIJA. Nahiya kami." sabi ni ate Helena .
Napagtanto kong ang haba pala ng tulog ko.Pero agad kong naalala si Hendric.
Nasan na yun?
Binalak ko pang itanong kung na saan si Hendric Kay Mac.Ngunit nakatuon ang pansin nito sa kwentuhan nina mom at Tita.
Agad namang dumating ang quarter to 8 hudyat ito na oras na for dinner.
Puro tawanan nanaman ang maririnig sa dining area ng bahay na ito.Pinansin din ni Lei ang pagiging tahimik ko ngayong araw.Ngunit pinagsawalang bahala ko nalang iyon.
Nasa kalagitnaan kami ng hapunan ng dumating si Hendric na may dalang cellphone sa kamay nya.
"Anak where have you been?" tanong in Tita Hannah
Sinagot naman iyon in Hendric na dahil daw iyon sa mga tawag sa opisina.
Hinayaan ko nalang ang kwentuhan nila tungkol sa mga napuntahan ni Hendric sa Amerika .
Habang naririnig ko yung kwentuhan nila Hindi ko maiwasang masaktan kasi sa kabila ng masasayang taon ni Hendric sa ibang bansa ay sya namang kalbaryo ko sa buhay.
Habang nakikita kong tumatawa silang lahat.Naiinis ako,kasi parang pinalampas na lang nila. Hello?! ako ang kadugo nila pero parang wala lang sa kanila.
Nawala lang ako sa pagiisip ng bigla akong kalabitin ni ate Helena .
"Uy!" pinadaan pa nya sa harap ko ang palad nya.
"Hmm?" tanong ko naman.
"Sama ka ?" tanong ni kuya Migs.
"San?" tanong ko ulit.
"Night out." simpleng sagot ni Lei
"Ayoko." aamba na sana akong tatayo ng nagsalita si Tita Hannah.
"Anak why don't you enjoy? Masaya ang mga bar dito high class naman dito kaya safe ! Diba dear?" tanong ni Tita Kay Tito.
" Yeah its nice here anak,just enjoy nandyan naman sila.Dito na lang kami ,matanda na kami para sa night out" sabi ni Tito ng nakatingin sa akin.
Nakakahiya naman na umayaw pa ako.Sila na ang nag aya.Kaya tumango na ako.
Napangiti naman ako sa mga kapatid ko dahil nung tumango ako ay nagunahan ang mga lalaki.
Isinantabi ko muna ang problema at tumango Kay Lei.
Nagunahan pa kaming umakyat ng hagdan , naunahan pa ako ni Lei kaya hinatak ko ang paa nya.Kaya naunahan ko sya.hahahahaha
Pumasok na ko sa cr ng kwarto dahil aawayin ako ni Lei.
Nabigla naman ako ng lumabas ako ng cr ay may nakatayo sa gilid ng kama.
"Rim,what's wrong?" tanong nito.
".....wala." simpleng sagot ko.
"Rim..." pagsusumamo nya. Rinig ko ang depresyon nya.
" Pwede ba Hendric stop doing this .Get out ,magpapalit ako." sabi ko at tumalikod na para pumunta sa closet.
Natagalan din ako sa pag binihis dahil naglagay pa ko ng make up.Nag eyeliner,lipstick,nag curl din ako ng buhok.Sinuot ko din ang party dress at pumps na kulay mat red .
Pag baba ko nagtatalo pa sila Ate Helena, ate Medley ,Lei at ang Boys.
"Sa HAUS tayo!"
"Sa Islandia!"
"Sa Covana!"
" No,wag doon"
"Sa Cole !"
Ang ingay nila. Hindi parin sila makapag decide kung saan eh mas maganda sa Covana.
Hindi pa nila ako napapansin dahil nakatalikod pa sila.
Napansin ko naman na laglag ang panga ni dad sa akin.
"What?" tanong ko .Tamang tama namn na napatingin sila sa akin.
Laglag ang panga ng boys at naka ngisi ang girls.
"San ang punta?" tanong ni Migs.
"Tigilan mo nga kaming girls Migs! at by the way ..." singhal ni ate Helena Kay kuya sabay tingin sa akin.
Alam ko na ang itatanong ng mga ito.
"San gusto ko? hmmm? Sa Covana?" Nagsigawan naman ang mga girls sa sagot ko.
Medyo pang tahimik ang bar na iyon.Kaya gusto ko ang dating doon.
Ginamit namin ang dalawang sasakyan.
Ang sasakyan ni Hendric at ang sasakyan ni Kuya Migs.Ang ingay sa sasakyan ni Hendric dahil puro lalaki doon at sa sasakyan ni kuya Migs ay medyo tahimik.Kaya sumakay ako sa sasakyan ni kuya Migs.
Sina Mac at ate lang ang kasama ko doon.Nasa mismong likod ako para tahimik.
Naging tahimik ang byahe namin at mabilis.
Pagkarating namin sa Covana ay maririnig mo na doon ang mga kantahan pero hindi nagwawala.Kumbaga ay parang sosyalan.
Naunang nakarating sina Hendric dahil mabilis sila masyadong mag maneho.
Gusto Kong i-enjoy to ngayong gabi.Minsan lang mag night out.Susulitin ko na to pero behave pa rin.
Pagbaba naman ni Hendric sa sasakyan ay may yumakap agad sa kanya.Isang babaeng mukhang clown na hanggang above the knee na dress with slit.
Dahil tinopak ako ay tinanggal ko ang second layer ng dress ko na hanggang mid thigh .
Kaya mas lalong nahalata ang hubog ko.
Ngayon tignan natin kung hanggang saan ka Hendric.
~*~

BINABASA MO ANG
We Meet Again
Romance(First Generation of Ybañez Series.) Introductory story for the true Ybañez Series. 2014