Chapter 8: The First Fight

1 0 0
                                    

Rina POV

CALL:

"Opo ma! Andito na po ako. Wow ma! Ang laki pala nitong Han International University. Ang ganda dito ma. Thank you ma. I love you." Malambing kong sabi kay mama.

"I love you too anak. Mag aaral kang mabuti ah." Mama said.

END CALL

Habang naglalakad ako may nakabangga sa braso ko.

"Hmm sorry Miss." Sabi nung lalaking nakabangga sakin habang nakayuko.

"Ahm okey lang. Ako nga pala si Rina. Dun ako sa room number 12. Alam mo ba yun? Pwede mo bang ituro sakin kase first time ko lang dito hindi ko pa alam ang pasikot sikot." I said.

"Room number 12? Sa Room number 12 din ako. What a coincidence. I'm Jino. Let's go?!" Tanong nung lalaki.

"Hmm.. Talaga?! Okey tara na!" Nakangiti kong sabi.

Ahm wait! Bakit naiintindihan ko ang sinasabi nya? At bakit kaya ko ring magsalita ng korean? Ang weird! Pero okey na rin yun!

Naglakad na kame papunta sa room number 12. At habang naglalakad kame ay may bigla akong nabanggang babae. Dahil sa pagkakabangga ko ng braso nya ay biglang natapon sa damit nya yung Starbucks na iniinom nya.

"What the f*ck!" Nakatinging sigaw nung babae sa akin.

Lalong nanlaki ang mata ko nang makita ko na si SC yung nasanggi ko. O my gosh! Anong gagawin ko? Si SC! Bakit si SC pa. Idol ko pa naman sya. Hayy ang ganda nya talaga.

"Hey! What are you looking at?" Mataray na sigaw ni SC.

"OmyGosh! I'm really sorry Miss SC. It's my fault I'm so sorry!" Pakiusap ko habang pinapagpagan yung damit nya.

Nagulat ako nang hawakan ni SC ng mahigpit yung kamay ko pagkatapos ay tinulak nya ako na naging dahilan ng pagkakaupo ko sa sahig.

"So stupid!" SC said with matching pag irap pa sakin pagkatapos ay naglakad sya palayo.

"Ayos ka lang?!" Nagaalalang tanong ni Jino.

Aba! Sobra naman ata sya! Nagsorry na nga ako eh! Hayy... Totoo pala na masama ang ugali nya. Idol ko pa naman sana sya. Buti nalang kame lang tatlo ang nandito sa hallway kaya hindi ako napahiya.

"Sandali!" Sigaw ko.

Hindi tumitigil sa paglalakad si SC kaya hinabol ko sya at nang maabutan ko sya ay hinawakan ko nang mahigpit yung braso nya.

"Bakit mo yun ginawa?" Galit kong tanong habang hawak hawak ko ang braso nya.

"Can you please don't touch me?!  You're wasting my time! Look what you did to me?!" Mataray nyang sabi sabay alis ng kamay ko sa braso nya.

"Sumusobra kana ahh!" Sigaw ko.

"Tama na yan Rina. Umalis na tayo." Jino said.

"No! Sumusobra na tong babaeng to eh! Hindi porket artista ka, pwede mo na akong ganyanin!" Sigaw ko.











__________________________________

Jino POV

"Sinisigawan mo ba ako?!" Tanong ni Sarang.

Hayy itong si Sarang talaga. Lahat na lang nakakaaway nya. Dapat kase hinayaan nalang sya ni Rina mukang good mood pa naman si Sarang. Pero bilib din ako sa tapang ni Rina huh!

The Other Kingdom : AgarthaWhere stories live. Discover now