His softhearted side

2 5 1
                                    


BEWARE:IT IS WRITTEN BY UNPROFESSIONAL WRITER. LOTS OF ERRORS. PLEASE DON'T JUDGE.

_______________________________
"Ms. Alfonso!" isang nakakarinding tinig ang bumungad pagkapasok ko sa gate ng school

Ayan na naman sya

"Good morning" ngiting-ngiti nyang sabi ng nasa harap ko na sya

"Anong naman ang good sa morning Mr. Patricio?" crossed arms kong sabi

"Ikaw" napairap naman ako sa sinabi nya at nagpatuloy sa paglalakad

This past weeks nagiging close na sya sa akin. Ewan ko sa lalaking to parang tanga parati akong ginagambala sa lahat ng bagay. May lilitaw dito may lilitaw dyan parang isang kabute.

Haysss

Wala naman akong magawa. Hindi ko naman sya pwedeng sabihan na tigilan ako kasi parang ang sama ko naman kung ganun kaya hinayaan ko nalang sya.

"Oi?!" sigaw nya ulit pero hindi ko sya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad

"I'm just kidding"nasa kanan ko na sya ng nagsalita sya ulit

Ang bilis naman nito

"Tatawa na ba ako?" sartiskong sabi ko

"Ikaw bahala" sabi nya

Hindi na ako nagsalita pa ulit at nagpatuloy nalang sa paglalakad

"Veen, Anong gagawin natin sa last visit sa Vicon?" biglang nyang tanong na ikinalingon ko

"Veen?" nakataas kilay na sabi ko

"Oo, Veen. Diba pangalan mo yun?"

"Bakit Veen? Pinayagan ba kitang tawagin ako sa pangalan ko?"

"Bakit? Do I need approval to speak your name?"

"Oo naman! Pangalan ko kaya yun"

"Bakit?Papayag ka ba? Hindi naman diba? So, useless lang" sabay hawi ng buhok nya

Tinitigan ko lang sya

"Saka may pinagsamahan naman tayo, nakita ko nga kung paano tumulo ng dahan-dahan yung laway mo" dagdag nya na may nakakalukong tingin

Namula naman ako sa sinabi nya. Bakit ba hindi nya makalimutan ang pangyayaring yun? Haller! Weeks past na kaya! Uso move-on!

"Ewan!" sigaw ko sa mukha nya sa sobrang inis ko

Napahalakhak naman sya sa asta ko na lalong ikinainis ng ulo ko

Anong bang problema ng lalaking to?

Hindi ko nalang sya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

"Veen!See you!"rinig kong sigaw nya ng nasa malayo na ko.
_________________

Its forty after five ng nakalabas ako ng gate sa school. Uuwi na sana ako ng makita ko yung vendor na nagtitinda ng hilaw na mangga. Nangasim ako kaya napagdesisyonan kong bumili

Nang nakabili na ako ay kaagad akong umupo sa waiting shed na nasa gilid nito

" Ang asim!!"hindi maipintang mukha na sabi ko

"Maasim ba?" biglang lumitaw sa gilid ko si Patricio

Sinusundan ba ko nito?

Imbes na sagutin sya ay nagpatuloy ako sa pagkain ng hilaw na mangga

"Patikim" napatingin naman ako sa kanya. Nakanganga ang gago

Our Untold LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon