Finding Him

1 2 0
                                        


BEWARE:IT IS WRITTEN BY UNPROFESSIONAL WRITER. LOTS OF ERRORS. PLEASE DON'T JUDGE.

_______________________________

Patricio

Nagulat ako ng makita ko sya. Akala ko wala sya? Bakit sya nandidito? Bakit hawak nya ang kamay ko? Paano? Kailan?

"Veen" tawag nya sa aking pangalan

"B-bakit?"

"Can we talk?" namumungay na mga mata nyang sabi

No.

"P-pasensya na pe----"

"Iniiwasan mo ba ako?" putol nya sa sasabihin ko

Kinabahan naman ako sa tanong nya. Masyado bang halata?

"H-hindi" pagsisinungaling ko

Hindi sya nagsalita at tinitigan lang ako na syang ikinakaba ko

"M-mauna na ak-------" pinilit kong alisin ang kamay nya na nakahawak sa akin ngunit mas lalo nitong hinigpitan ang pagkahawak sa aking kamay

"Bakit Veen?" napatigil ako sa aking ginagawa ng nagsalita sya

"H-huh?"

"May mali ba akong nagawa?" nakakunoot-noo nyang sabi

Napatahimik ako sa sinabi nya. Wala. Wala kang maling nagawa. Ako yung may maling ginawa. Mali yung gustuhin kita na may mahal kang iba.

"Veen? Sabihin mo, anong mali ang nagawa ko upang maitama ko. Ayaw kong magkakaganito tayo" nalulungkot na sabi nya habang dahan-dahan na inaalis ang kamay nyang nakahawak sa akin

Ilang minuto kaming hindi nagsalita at nagtitigan lamang.

"Wala"sa wakas na utal ko

"Wala?" takang tanong nya

"Wala kang nagawang mali" napayuko ako ng ulo

"Pero bakit? Bakit ganito ka? Bakit pakiramdam ko umiiwas ka? Parang lumalayo ka. Hindi ko alam kung ano ang pagkakamaling nagawa ko pero sana mapatawad mo ako dahil ayokong magkaganito tayo"

"Bakit?" hindi ko maiwasan na tanong

"Bakit?"tanong nya pabalik

" Bakit ayaw mo kong mawala? Ano ba tayo?"

Ano nga ba tayo?

"Dahil importante ka"

"Bakit ako importante?"

"Dahil...." tumigil sya sa pagsasalita kaya napaangat ako ng tingin

"Dahil ano Patricio?" umaasa na sabi ko

"Dahil----"

"Jam!" isang sigaw ang tumawag sa pangalan nya na kaagad nyang ikinalingon

Mula sa kanyang likuran ay nakita ko si Brix papalapit sa amin. Napangiti ako ng mapait

Dumating na ang totoong nangmamayari sa kanya

"Hon" rinig kong utal nya na ikinawasak ng wasak kong puso

Hindi ko alam na may ikiwawasak pa pala ito

Masakit malaman na may ibang pagmamayari ang taong mahal mo ngunit mas masakit pa rin na ipamukha ka sayo

Our Untold LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon