BEWARE:IT IS WRITTEN BY UNPROFESSIONAL WRITER. LOTS OF ERRORS. PLEASE DON'T JUDGE.
_______________________________
Lumipas ang mga araw na ganun ang ginawa ko. Ang uwiwas sa kanya. Tuwing nasa malapit sya ay kaagad akong umaalis kung nakakasalubong naman kami sa daan ay kaagad akong umiiba ng direksyon. Ganun ang pangyayari sa nakalipas na tatlong araw na napagdesisyonan kong umiwas sa kanya upang kalimutan ang nararamdaman ko. Pero hanggang kailan? Hanggang kailan ko sya maiiwasan? Hanggang kailan mawawala ang nararamdaman ko sa kanya? Kailan?
Today is Wednesday . As usual, nasa school ako, naglalakad patungo sa department. Papasok na sana ako sa classroom ng may lumabas na isang lalaki na nagpatigil sa mundo ko
"Patricio" I murmured
Si Patricio
"Ms. Alfonso" utal nya na mukhang nabigla rin ng makita ako
God. I miss him. Namiss ko ang pagtawag nya sa akin. Namiss ko ang boses nya. Namiss ko ang mga mata nya. Namiss ko ang matangos nyang ilong. Namiss ko ang mapupulang labi nya. Sobrang miss ko na sya na parang gusto ko syang yakapin ng mahigpit ngayon. Ilang linggo ko ba syang hindi nakita? Ilang linggo ba? At bakit miss na miss ko sya ngayon?
"Ms.Alfonso" pukaw nya sa akin
Hindi ako nagsalita at tinignan lang sya ng maigi
I miss you
"Are you ok---" hindi pa man natapos ang sasabihin nya ng may narinig akong sumigaw
"Jam!"
Lumingon ako sa pinaggalingan nun. At sa aking paglingon ay sya ring pagwasak ng aking puso.
Si Brix
Mabilis itong lumapit sa gawi namin saka pumulupot sa braso ni Patricio. Napatingin naman ako dun ng ilang sandali
Oo nga pala, Bakit ko ba nakalimutan?Bakit ko nakalimutan na wala akong karapatan?Wala akong karapatan mamiss sya. Walang akong karapatan dahil may girlfriend na sya. Dahil pagaari na sya ng iba kaya nga ako umiiwas sa kanya ng dahil dun. Pero anong ginagawa ko?
Hindi rin nagtagal ang pagtitig ko dun saka napagdesisyonan kong tumalikod upang umalis. Ang sakit kasi. Ang sakit ipagmukha na hindi mo pagaari ang taong gusto mo.
"Wait" napatigil ako sa paglalakad ng may humila ng isang kong braso kaagad naman akong lumingon
"Can we talk?" he said
Tinignan ko sya sa mata ng may pagtataka. Bakit Patricio? Anong kailangan nating pagusapan pa? Hindi ko inalis ang titig ko sa kanya para ipahiwatig ang tanong na nasa isip ko ngunit hindi lang naman sya umiwas ng tingin at mukhang hindi rin nya nakuha ang gusto kong ipahiwatig
Ako na mismo ang umiwas ng tingin sa kanya. Nakakailang. Nakakailang titigan ang isang taong pagmamay-ari ng iba. Sa akin ring pagiwas ay nahagip ko si Brix na nasa kanyang likuran na may pagtataka sa kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
Our Untold Love
Ficção AdolescenteThis story is all about our untold love.I love him but he didn't know. He love me but I didn't know. This story is contains foul words masyadong vulgar kaya kung ika'y mapanghusga better to leave. This story was wrote by me and only me galing po to...