Not his type

3 3 0
                                    

BEWARE:IT IS WRITTEN BY UNPROFESSIONAL WRITER. LOTS OF ERRORS. PLEASE DON'T JUDGE.

_______________________________

"Salamat" sabi ko kay Patricio ng inihatid nya ako sa boarding house

Tumango naman sya

Gabi na ng makaalis kami sa Vicon nagtagal pa kasi kami sa pagpapaalala at pagpapaalam sa kanilang lahat. Lalo na kay Pipoy na iyak ng iyak at gustong sumama sa amin pero ng mapagod ito sa kakaiyak ay natulog ito kaya naman kaalis kami

"Patricio" utal ko sa pangalan nya habang nakayuko

"Bakit?"

"A-ah.. Gusto ko lang magsorry" nakayukong ulo pa rin na sabi ko

"Sorry for what?" napaangat naman ako ng ulo ko para tignan sya

"Sa lahat" habang tinitigan ko sya ng maigi sa mata

"Sa lahat-lahat. Mula nung una kitang nakita. Sorry. Sorry dahil nakapamalan kitang bakla. Sorry dahil hinusgahan kita kaagad. Sorry sa lahat ng mga ginawa kong kalokohan sayo. Sorry sa lahat ng nagawa ko sayo"

Habang papaalis na kasi kami sa Vicon ay napaisip ako. Napaisip ako ng malalim ng dahil kay Patricio. Naisip ko kasing na ang rami kong nagawang kasalanan sa kanya at sa lahat ng kasalanan na yun ay hindi ko man lang nasubokang  humingi ng tawad sa kanya. I felt bad. Kung tutuusin ay marami syang naitulong sa akin pero ito ako kahit simpleng paghingi lang ng tawad sa kanya ay hindi ko magawa. Naging judgmental ako sa kanya. Kaya ngayon, I realized that its the right time to say sorry for him. Cause I think I deserve his forgiveness.

Maya-maya narinig ko syang bumuntong hininga

"Apology not accepted" biglang sabi nya na ikinalaki ng mata ko

Napatahimik ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil ngayon lang ako napasok sa sitwasyon na ito. Ano ba ang dapat gawin?

"Unless"napatingin ako sa kanya ng magsalita sya ulit

"Unless what?" takang tanong ko

"Unless na papayag kang lumabas tayo bukas" napanganga ako

Labas? Lumabas? Teka? Date ba?

"D-Date?" kandautal na sabi ko

Tumawa naman sya

"Pag niyayaya ng lumabas date agad?"

"B-bakit? Hindi ba?"

"Hindi at saka" tinignan nya ako mula ulo hanggang paa

"You're not my type"

Bigla ko namang naramdaman yung pagpitik ng ugat ko sa ulo dahil sa inis

Hindi nya ako type?

"So,ano? payag ka?" biglang salita nya ulit

"Sige" pagpapayag ko, hindi dahil sa kagustohang mapatawad nya ako kundi sa ibang dahilan na pumapasok sa isip ko

Hindi pala type ha! Tignan natin bukas!

"Then let's meet up on Express Live restaurant at 4pm"

"Oo" naiinis na sabi ko

"Okay then"

"Wala ka ng sasabihin?" nakakunoot-noo na sabi ko

Bakit ba ako naiinis?

Hindi sya nagsalita pero tinitigan nya lang ako____ayan naman sya sa titig na yan.

Our Untold LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon